PAHINA 1

209 7 0
                                    



____
Kriiiiiiiiiiiing! Kriiiiiiiiiiiing! Kriiiiiiiiiiiing!

"Hayst! Bakit ba kasi naimbento pa ang alarm clock! Ang sarap kayang matulog!" Naibulalas ko ng tumunog ang aking alarm clock na nakaset ng 5 AM. Ang ganda pa naman nung panaginip ko. Buset!

Well, ako naman talaga ang nagset ng alarm na yun. Wala lang. Baliw nga ako sabi ni Ate, kasi lagi kong sinisisi ang alarm clock ko na kailangang-kailangan ko naman kasi tulog-mantika ako. Psh!

Panibagong araw na naman, kakatapos lang ng mahabang bakasyon at simula na nang panibagong yugto ng buhay ko bilang isang estudyante.

Ewan ko ba. Nakulangan siguro ako sa bakasyon. Kasalanan ko naman kasi, hindi ako lumabas ng bahay sa mga araw na pwede ko namang ipasyal ang sarili ko ng mag-isa. Well, wala naman kasi akong masyadong kaibigan. My best friend's in the US, bakasyon nga hindi ba. Kami? Di namin masyado afford ang ganung vacation escapade.

Nakakalabas naman ako, kaso nga lang ito'y kapag pinipilit ako ng kapatid ko na isama sa mga lakad nila ng boyfriend niya. Ayoko nga kasi para lang naman akong chaperone nilang dalawa.

As usual, balik na ako sa aking ritwal kapag may pasok. Incoming Senior High School na ako ngayon, and hopefully matulungan pa rin ni Ate kapag mag-college na ako. Wala namang problema sa tuition kasi scholar naman ako, sa pang-gastos lang siguro.

I know you're wondering na si Ate lang lagi ang binabanggit ko. Nasaan ba kasi ang mga magulang ko?

Ayun, masayang magkasama sa kabilang-buhay.

It was 2 years ago nang iwan nila kami. They went to a vacation tapos yung bus nilang sinasakyan ay naaksidente't nahulog sa bangin.

Pero, ayoko nang malungkot kaya, I'll leave you hanging. Haha. Magdadrama ako dito, eh ang aga pa kaya. Tapos na kami sa mahabang iyakan. Kaya please, let's leave the painful memories behind. My parents are always remembered naman eh.

Bago ako naliligo, naghahanda muna ako ng makakain namin sa almusal at maibabaon ko sa school sa tuwing lunch. Nakasanayan ko na rin, simula nung kami na lang ni Ate ang nasa bahay.

Walang kwenta kasi si Ate sa pagluluto, kung hindi man walang lasa, o masyadong maalat, eh sunog naman. Kaya nga, maaga akong nagigising para sa makakain namin. Pasalamat na rin ako dun sa alarm clock ko't kahit panira ng magandang panaginip eh, may pakinabang naman.

"Ate! Luto na yung almusal, bumangon ka na riyan." Sigaw ko mula sa likod ng pinto ng kanyang kwarto.

"Hmmmm~" Sagot nito.

Hayst! Bakit ba ako nag-aalaga ng kalabaw dito sa bahay!

De, Hehe. Biro lang yun, si Ate na rin kasi ang inaasahan ko sa mga gastusin ko sa school. Kaya ako na ang bahala sa mga gawaing bahay.

"Dali na! Ayaw mo naman sigurong mauna ako't ubusin ko ang pagkain!" Pambubuska ko rito.

Narinig ko naman ang mabilis nitong pagtakbo upang lumabas ng kwarto.

"Hoy Gabriel! Yan ang wag na wag mong gagawin sa akin! Dapat sabay lagi tayong kumain, masiba ka pa naman!" Bungad nito nang binuksan niya ang kanyang pinto.

Natawa nalang ako. Biro ko lang naman yun eh. Anyare sa itsura niya.

"Alam ko naman yun! Magsuklay ka nga muna! Tingnan mo kaya muna ang sarili mo sa salamin bago lumabas ng kwarto. Di ba natuturn-off si Kuya Terrence sayo? Baluga mo masyado!" Pang-aalaska ko.

Sa totoo lang kasi, lahi naman kami ng mga gwapo't magaganda. Well, si Ate kasi, parang mangkukulam kapag bagong gising.

"Baklang to! Teka mag-hihilamos lang ako't nang mas maganda na ako sayo!" Sagot niya.

A Night In Harmony- [BL Series] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon