PAHINA 5

67 4 2
                                    

HANGGANG SA MULING PAGDILAT
CHAPTER 5/40

"Sorry for what happened. Hindi ko sinasadya." Mas mahinahon kong tugon. Hindi ito ang tamang lugar para gumawa ng iskandalo.

Nanlumo lang ako sa pag-asang kukunin niya ang panyo.

Tinitigan niya lang ito nang mabilis saka matalim na tumingin sa akin.

Suplado!

Hayst!

Bakit ang daming suplado sa mundo!

Aish!

Nainis ulit ako sa kanya.

Ayun lang siya, matalas ang matang nakatingin sa akin. Kung sibat siguro yun, patay na ako.

Napansin kong may natira pala dun sa buko juice ko. Himalang nakatayo ito nung nabitawan ko.

Kinuha ko ito at ibinuhos ko iyon sa damit ko para quits kami di ba?

"Happy now?" Sarkastikong tanong ko sa kanya. Nagulat din yung mga taong napatigil dahil sa eksena namin.

Itinapon ko na lang sa kanya ang panyo. Lalampas na sana ako sa kinatatayuan niya ng may maalala ako. "Oh! I forgot to tell you!" Sarkastikong pagkuha ko sa atensyon niya. "I'm not stupid. No one is. Makitid lang talaga ang utak mo. At maraming tulad mo." Huling salita ko bago ako mabilis na naglakad pauwi.

-----

Isinukbit ko nalang sa harapan ko ang aking bag.

Sampung minuto rin ang nilakad ko papuntang bahay.

Nakakainis. Sa lahat ng angelic faces na nakilala or nakita ko, siya na ata ang nagbabalat-kayo.

Sayang, gwapo sana, kaso nga lang, ayoko sa huhusgahan ka agad ng masama.

As if naman, tinutukan ko siya ng baril or kutsilyo. O kaya nama'y kinidnap ko siya or ginawan ng masama di ba?

Ay ewan!

Tinext ko na lang si Ate na hindi ako magluluto ngayon. Busog na rin naman ako, kaya itutulog ko na to.

Nakakainis!

Kinaumagahan, hindi maganda ang mood ko. Kung sakaling transferee nga siya, posibleng makita ko siya sa school. Aish!

Bakit ba yun ang pinoproblema ko? Mayroon pa ngang Red na bumabagabag sa utak ko, dadagdag pa yung isang yun.

Sinabunutan ko lang yung sarili ko.

Tinapos ko lang ang pagluluto ng agahan at dahil sa tulog pa si Ate, naisipan ko na maligo na muna at mag-ayos para sa pagpasok.

"Oh, bakit parang biyernes santo ata ang pagmumukha mo?" Tanong ni Ate nang nakababa na ako galing sa aking kwarto.

Hindi ko muna siya sinagot.

Umupo ako sa kaharap nitong upuan at nagsalin ng sinangag, hotdog at saka sunny side-up na itlog.

"Wala." Maikling sagot ko.

"Hmmm. Stressed ka sa SC no?" Tanong niya ulit.

May pagdududa yan. She knows a lot about me.

"Hindi." Matipid kong sagot uli.

Napailing naman ito.

"Hay nakow Riel. Alam ko na. Kung hindi sa love-life, tungkol sa mga bullies, diliquent students, at sa mga taong kinaiinisan mo. Tama?" Aniya.

Tumango na lang ako. Wala pa naman akong Love-life eh! Kainis!

Maiintindihan na niya ako niyan. Kahit hindi ko man i-specify kung alin doon sa mga sinabi niya, alam na niya kung bakit.

A Night In Harmony- [BL Series] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon