PAHINA 39

16 1 0
                                    

HANGGANG SA MULING PAGDILAT
CHAPTER 39

Red's POV

Isang buwan... Anim na buwan... Isang taon... Isa't kalahating taon... Dalawang taon... Dalawa't kalahating taon... Ilang araw na kaya sumatutal akong naghihintay sa pagbabalik ng asawa ko?

Ang sakit sa aking makita araw-araw na tanging ang mga aparato na lamang na nasa kanyang kwarto dito sa bahay namin sa Manila ang bumubuhay sa kanya ngayon.

Minabuti kasi naming dito na lamang siya sa Manila para si Dr. Febre pa rin ang titingin sa kanya.

Marami na rin ang bumisita't kinakamusta ang kalagayan ng asawa ko. Mga kaibigan. Mga kakilala. Lahat ng malalapit sa aming dalawa.

Gaya ng pakiusap niya... naghihintay pa rin ako sa kanyang pagbabalik hanggang ngayon.

Marami nang nagbago. Marami na rin akong pinagdaanan na hindi siya kasama. Mostly, malulungkot na karanasan dahil hindi ko siya kasama sa alin man doon.

Alam ng Diyos kung gaano ko kagustong makasama siya sa mga panahong iyon, pero... ano ba naman ang magagawa ko kung ganoon ang kalagayan niya?

Irregular 3rd year student na ako sa isang unibersidad dito sa Manila. Bachelor of Science in Business Administration Major in Marketing Management ang kinuha ko dahil ito ang gusto ko, at para na rin sa paghahanda ng pagmamanage ko sa iba naming negosyo. Full load every semester, pati summer ay nag-aaral ako.

Diversion para sa pangungulila ko sa asawa ko.

He's definitely there physically, pero kinakausap ko nga, hindi naman sa akin sumasagot.

Nayayakap ko nga, pero, hindi ko maramdaman ang presensya niya...

Nahahalikan ko nga, pero, hindi ko maramdaman ang pagmamahal...

Sa tuwing umaga bago ako umalis at pag-uwi galing paaralan ako naglalaan ng oras para bisitahin siya tuwing weekdays at Sabado. Kapag Linggo naman ay ako ang nagbabantay sa kanya sa maghapon.

Kapag nasa loob ako ng kwarto niya, kahit ano'y ginagawa ko. Binabasahan ko siya ng libro... nag-aaral akong maggitara... kinakausap siya. Lahat lahat. Kahit masakit sa puso ko na ganoon ang kalagayan niya.

Na makita lamang siyang ganoon, wala pa ring malay, ay ang nagbibigay sa akin ng sobrang kalungkutan.

Huminga ako ng malalim nang nasa harapan na ako ng kwarto kung saan siya patuloy na inoobserbahan.

Napag-usapan na namin ito nina Mom. We've waited for too long now. Kapag wala na talaga... masakit man... ay kailangan ko nang tanggapin ang lahat.

Naghihintay lang ako ng sign. Isang bagay lang... maluwag sa puso kong tatanggapin ang lahat.

Pero wala pa naman e. Ito ang gusto ng Panginoon na mangyari. Kabayaran ko nga siguro ito sa pagbibigay ng pasakit noon kay Riel. Katumbas ng isang taong paglayo ko noon dahil sa immaturity ko.

Pinangangaralan akong hindi madali ang buhay. Kung kailangan maghintay, maghintay dapat. Na lahat ng bagay ay may nakatakdang panahon para iyon ay mangyari. Na lahat ay ukol sa Kanyang kagustuhan.

Sabi ni Dr. Febre, choice na rin daw iyon ng asawa ko kung gusto niya pang bumalik. Yeah... It's a matter of choice. He promised... so still, I'm waiting... but... slowly losing it.

"Rhea..." Tawag ko sa nakaduty ngayong nurse para magbantay kay Riel pagkabukas ko ng pinto sa kwartong iyon.

"Ano po iyon, Sir Red?" Tugon nito.

"Kamusta ang lagay ng asawa ko?"

"Okay naman po, Sir. Stable naman po." Tugon nito saka ngumiti.

A Night In Harmony- [BL Series] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon