HANGGANG SA MULING PAGDILAT
CHAPTER 19/40Riel's POV
"Guys! Ready na kayo?" Tanong ko sa mga kabanda ko para sa School Fest.
6:30 ng umaga kompleto na kami. Inantay pa kasi namin si Eli. Masaya siya pero, halatang hindi okay.
Nalaman ko sa kanya kagabi na okay na sila ni Josh, pero wala siyang nabanggit kung gaano ka okay ba sila. I'll ask him na lang personally mamaya, pagkatapos ng opening ceremony. Ayokong maalala niya pa ang nangyari kahapon, kung ano man iyon.
"Kinakabahan ako." Ani Lizbeth. Ang pianist namin.
"Relax ka lang Liz. Mapapawi yan once marinig mo na ang hiyawan ng mga kamag-aral natin." Payo ko sa kanya. Tumango naman ito sa akin tsaka ngumiti.
Ala siete y media ay tapos na kami sa pagset-up sa mga kailangan namin sa stage.
Ang mga kopya ng pyesa ng mga kantang aming gagamitin, ay nakalagay na rin doon kung sakali man na mayroon kaming malimutan.
Sinigurado na rin namin na maayos ang pagkakakabit ng mga wires ng aming mga instrument para walang palya.
Eksaktong alas otso ay sinimulan na ang program. Pero bago yun ay nagdasal muna kami, kasama ang mga staff, volunteers, at ang SC, for the success of the School Fest. Nagdisperse na lahat sa kani-kanilang designation at nag-aantay na lang ng tamang oras sa paghihintay.
Kailangan ako sa stage dahil isa ako sa magbubukas ng School Fest. Word from the head of the organizers of this year's School Fest. Kaya pumunta muna ako roon.
Pagkabalik ko sa backstage ay kinumusta ko na lang ulit ang mga kabanda ko.
Tumingin ako sa kinauupuan ni Eli. Nakita kong panay ang buntong hininga niya.
"Kuya, may problema ba?" Tanong ko nang makalapit ako sa kanya.
Napaangat siya ng tingin sa akin at doon ko nakumpirmang mayroon nga siyang problema.
"W-Wala, Riel. Okay lang ako." Aniya.
"Kinakabahan ka? Relax ka lang, okay? Debut mo 'to. Debut nating banda." Nginitian ko na lang siya.
Hindi na muna ako manghihimasok sa problema na kinakaharap niya. I know it is about Josh. Masaya na rin ako kasi, kakausapin na rin ako ng kaibigan ko. Namiss ko ang kakulitan niya e.
Pero, hindi dapat iyon makaapekto sa kanya. I'll try to cheer him up.
"Yeah... Don't worry. Gagalingan ko." Aniya sa masiglang tono.
Okay na rin siguro 'to.
Tumango ako sa kanya saka tinapik ang kanyang balikat.
"It's your time to shine, Kuya. Maraming maghahabol sa'yo pagkatapos nito." Natawa siya sa sinabi ko.
"Magpapahabol na lang siguro ako." Nakitawa na rin ako sa kanya.
"Guys! Riel! Please be ready in 5 minutes. Patapos na ang program, kayo na ang susunod." Ani Yukino. Siya ang naatasan na Stage Manager.
"Good morning! Excited na ba kayo?" Bungad ko sa aking mga kamag-aral nang nakapwesto na kami sa stage.
Kaming banda ang magtatapos ng program para sa opening ngayong araw. Sanay na ako na nasa stage lagi. Mantakin niyo ba naman kasing ako na lang lagi ang isinasalang noon last year sa mga activities na katulad nito.
Hindi pa ba maaalis ang stage fright mo niyan? Oha? Hahaha! Pero, parte kasi ng buhay ko ang musika. Somewhat, kahit nininerbyos ako, kapag narinig ko na ang saliw ng musika na kakantahin ko, parang nawawala na iyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/241536284-288-k606024.jpg)
BINABASA MO ANG
A Night In Harmony- [BL Series] [Completed]
RomansaEveryone feels love but not everyone knows the real definition of it. There are many ways to express or to show our love to someone not only in a romantic way to the person you are in love with, but to your love ones and to everyone. Love is an emo...