PAHINA 38

21 1 0
                                    

HANGGANG SA MULING PAGDILAT
CHAPTER 38

Red's POV

Andito kami sa ospital para sa paghahanda sa operasyon ni Riel. Ang makintab at purong itim na buhok niya'y unti-unti bumabagsak sa malamig at puti nitong sahig.

It breaks my heart into pieces.

Halos buong linggo rin naming inaliw ang aming sarili sa kung saan-saang lugar dito sa Manila. Pumunta kami sa sikat na Duhat Tree ng Angono; kumain sa mga restaurant na nai-feature sa isang TV Show; pumunta sa isang concert ng PULSAR; nagpicnik sa river side sa Sta. Ana habang pinapanood ang papalubong na araw; at nagsimba sa bawat simbahang aming nadaraanan.

Lahat ng iyon ay ginawa namin. I want to see him happy. Ayokong isipin na preparasyon iyon para sa pwedeng mangyari, pero, dahil hiniling niya iyon ay pinagbigyan ko.

"Gwapo pa rin ba ako?" Tanong niyang nakangiti sa salamin.

"Opo, Sir!" Nakangiting sagot noong nurse na nagshi-shave ng kanyang buhok.

Alam kong ako ang tinatanong niya no'n. I'm just in deep thoughts, kaya hindi ko agad iyon nasagot. Buti na lang at mabait at masayahin itong nurse na umaahit sa kanyang buhok.

Ngumiti lang din ito sa nurse bilang tugon. Nagtagpo ang aming mga mata doon sa reflection ng salamin, at abot tengang ngiti ang sumalubong ulit sa akin.

Muli, paunti-unti nitong dinudurog ang aking puso.

Alam ng Diyos kung gaano ko na kagustong tutulan ang mangyayaring operasyon ngayon. Parang lahat ng sinabi kong pangungumbinsi sa kanya ay pilit nang bumabalik sa akin. Masakit palang makita ito ngayon, kaysa pagdesisyunan ito noon.

Sinasabi ng isipan kong, 'wag na lang itong ituloy pa. Masyado nitong dinudurog ang puso ko. Lahat ng pwedeng mangyari ay iginuguhit, bawat detalye'y isa-isang nagkakakulay sa utak ko. Ganito pala kapag nalalapit na.

"Anong masasabi mo, Cheesecake?" Anito na nakangiti pa rin.

Napangiti na rin tuloy ako kahit iniisip ko pa rin ang pag backfire ng mga desisyon ko sa operasyong ito. Wala naman akong magagawa sa sakit ng asawa ko kung hindi ang ipagkatiwala ito sa mga doktor na mag-oopera sa kanya at sa Diyos, ang kaligtasan niya.

"Kahit ano pa mang hair style mayroon ka, tatanggapin ko, kasi mahal na mahal na mahal kita. Hindi ko naman minahal 'yang itsura mo e, kung ano ka, 'yon 'yong nagpapatibok ng puso ko hanggang ngayon." Tugon ko.

"Nekekeleg nemen pe eke!" Sabi no'ng nurse.

Natawa na lang kaming tatlo doon sa loob.

Okay lang bang maging masaya sa sitwasyong ito?

Kasama namin dito sina Mom at Dad. Kasalukuyang kausap nila ngayon si Dr. Febre para sa mga mangyayaring operasyon. Si Seb at Dave naman ay naroroon sa bahay namin dito sa Manila. Kararating lamang kasi nila mula Batanes.

Nang matapos ang pag-ahit sa kanyang buhok ay pinasuot na siya ng kanyang hospital gown para sa pagpasok niya sa OR.

Naglalakad na kami ngayon sa hallway papunta sa OR at abot abot na ang aking kaba. Namamawis na rin ang palad ko dahil doon.

"Relax." Aniya.

Alam kong panay pawis na ang palad ko dahil sa kaba ko pero hindi niya iyon binibitawan.

Ngiti ang nasilayan ko sa kanyang mukha. I don't know if okay na talaga sa kanya ang mangyayari or what. Ako itong nagpaintindi sa kanya sa lahat ng mangyayari, pero, heto ako't parang ako pa 'yong ooperahan.

"S-Sure ka na ba talaga?" Tanong ko.

"Saan? What do you mean?" Tugon niya.

Umupo siya sa bench na tatlong metro na lamang siguro ay pinto na ng OR ang naroon. Nakatayo lamang ako sa harap niya't sinusuri ang kanyang mukha. Makakita lamang ako ng konting pag-aalinlangan sa kanya'y itatakas ko siya rito sa ospital.

A Night In Harmony- [BL Series] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon