Chapter 4

1K 51 10
                                    

Unedited. May mga little changes lang ako if nabasa na ninyo 'to noong una. I unpublished the story because I couldn't establish a proper plot, pero ngayon, go na talaga. Hahaha. 
_

IVORY

I WAS staring at Rasquin with dark eyes. Masaya niyang kausap sina Lolo at Lola sa may veranda habang nandito kami ni Athena sa living area. Kumakain ako ng ice cream dahil na-i-stress ako sa kahihiyan kanina habang si Athena naman ay kumakain ng salad.

Natulala talaga ako habang nakatitig sa kanya?! Sa daan-daang oras, bakit kanina pa? Iyong puso ko rin, ayaw paawat sa pagtibok.

He glanced at my way using his eyes that could make one breathless. Ako ang nag-iwas ng tingin dahil inuubo na ako sa sobrang lamig na ice cream. Hindi ko kayang tagalan ang ganoong titig.

Ano ba talaga ang problema nitong si Rasquin? What power did he have? Bakit ganoon ka-aligaga ang mga pamilya ko kapag siya na ang pinag-uusapan? Was he more powerful than the President? Mafia ba siya? Anak ng pinakamayang tao sa mundo? A billionaire? A king? A king's son? From one of the powerful monarchs in Europe?

Ginagapangan pa rin ako ng init dahil ramdam ko iyong titig niya sa akin. Tumingin ako sa ice cream ko pagkatapos sa malaking television naman.

"Nagkita na kayo, ano before he took your room? He always looks at you, Ivory," singit ni Athena sa katahimikan. Tahimik na nga ang bahay ng alas syete ng gabi.

Masagana ang kainan kanina kasama iyong mga bodyguards at katulong. Hindi sana sila isasabay sa pagkain pero request ni Rasquin na magsama-sama kami sa pagkain. May pagkamabait din naman siya kahit mukhang masungit.

Pagkatapos ng salu-salo ay kaunting inuman. Yes, he and my grandfather were drinking wines.

"Sa bahay siya namin nakatira. I really don't like him. He's so intimidating." That strong and muscular physique of his really made him powerful, ruthless and rough-looking.

Parang kapag dumadaan siya ay napapayuko ang mga tao. Literal talaga na napapayuko.

"Well, mukhang makakasama natin siya sa umagahan, tanghalian at hapunan ng ilang linggo," wika ni Athena habang naka-kandong ang Ipad sa mga hita. "It said here that he is a businessman. Pagma-may-ari niya ang isang malaking furniture exports and imports business. May malaking warehouse ang negosyo na iyon dito sa Cebu. Baka doon siya magtratrabaho panamantala."

Athena really searched about him. Nagkibit-balikat ako dahil hindi ako interesado. He was a businessman and I thought he had really that power that could move mountains. Malaki ang magagawa niya sa kay Daddy at mga negosyo namin. Kaya pala pinakiusapan ni Daddy si Ate Bianca na alagaan si Rasquin. They were betrothes in a fixed agreement.

Alam ba iyon ni Rasquin? Mukhang hindi. Sa istura niya, wala pa siyang balak na magpakasal.

Napangiwi akong nagtaas ng kilay sa pinanuod. Sinong may pakialam? Malaki na si Ate Bianca, at mukhang wala rin namang nobya iyang si Rasquin. Kahit may kagwapuhan siyang nakakahalina ng babae, baka maalagaan din naman niya si Ate Bianca.

Bahala sila diyan. Mga matatanda na sila.

"Wala masyadong articles patungkol sa kanya. He keeps his privacy really well, hmm."

"Huwag na natin siyang pag-usapan, Athena. Hindi rin naman ako interesado."

"Sobra nga ang pamumula mo nang nakita siya. You look like a person who got hit by an arrow of a Cupid. Sobrang lakas ba ng tibok?"

"Tibok ng inis at gigil, pwede pa?"

Sumubo ako ulit ng ice cream, saka ilang segundong itinuon ang mga mata sa isang Netflix movie. Kaso sa bawat pagdaan ng minuto ay wala na akong naintindihan sa pinanuod. I wasn't sleepy but I got distracted because of a stare. Pakiramdam ko ay minamatyagan ang bawat subo ko ng ice cream.

Romancing My RoyaltyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon