Unedited. KUNG MAY NAG-AABANG MAN NITO, THANK YOU SO MUCH.
_
IVORY
I WAS not on my best behaviour in the entire duration of the day. I was taken back to my yesterday's mood. I was ignoring everybody especially him. Si Athena lang ang nakakausap ko ng masinsinan. Sa tanghali kanina, sa siesta sa hapon, hanggang sumapit ang takipsilim.
"Nakaligtaan ko palang sabihin sa'yo na minsan ay nagste-stay overnight kami rito kapag naghahatid ng tulong, Ivory." Nagngitngit ang bagang ko, masama ko siyang tiningnan. "Eh nawala sa isip ko kaninang umaga! Akala ko kasi hindi ka sasama tapos bigla kang sumama!"
"But at least you mentioned that you will stay overnight!" Ni wala man lang nag-inform sa akin. Kaya pala medyo malaking bag ang dinala ni Alexandra kanina.
Sinisigawan ko sa galit si Athena hanggang sa umabot kami sa isang bahay na gawa sa semento pero nipa ang bubong. "Dito kami tumutuloy. Bahay ito nila Lola na ipinagawa para may ma-stay-han kami kapag nandito sa isla."
Napapalibutan ang bahay ng mga tanim at mga maliliit na coconut tree. Na-aalagaan nang maayos. Bermuda grass ang nagsisilbing front at backyard. Puti at brown ang themes colors ng bahay.
No second floors. Pagkapasok namin ay sobrang ganda ng interior, para lang villa ni Kuya Theo sa city. The tiled floors were made of marble. The living area had three couches, one little table, flat screen TV and a book shelf. Ilang metro ang layo sa sala ay ang dining area. Pang-apatan ang laki ng mesa. Sa dining area ay nandoon lang din ang lutuan pati na ang maliit na fridge.
"Si Aling Sally, ang taga-luto namin kapag bumisita kami rito at Tatay Nardo ang caretaker ng bahay," pakilala ni Athena sa dalawang matanda na nagtratrabaho sa kusina. Naghahanda ng pagkain.
"Magandang gabi, Ma'am Athena." Ngiting-ngiti sila.
"Si Ivory po. Pinsan ko. Anak po siya ni Tito Alejandro."
"Magandang gabi, Ma'am Ivory."
"Gandang gabi po," bati ko sa kanila.
Pagkatapos ay dinala niya ako sa nakahilerang mga kwarto. May dalawang masters bedroom as well as two guest rooms. Isa lang ang bathroom at restroom.
Nang makapasok kami sa isa sa mga masters bedroom ay hindi pa rin nawawala ang inis ko kay Athena. Iyong inis ko ay buhat pa kaninang umaga. Gusto kong maging mabait pero hindi na kaya lalo pa at naguguluhan ako sa mga pinagsasabi ni Alexandra at Lolo patungkol kay Rasquin.
Pabagsak akong umupo sa kama. Nakatitig ako sa kawalan. Yes, I liked him. I wanted him to me my friend. I wanted our arguments to stop. Nagsasawa na rin akong magmaldita, at magkunwaring galit na galit sa kanya pero iba naman ang nararamdaman ng puso ko. Pero biglang may pa utos si Lolo na layuan ko si Rasquin?
"Oh ano na naman problema mo? Kung wala kang masusuot ay may spare clothes na ako rito sa bahay." Bulabog ni Athena sa pag-iisip ko sabay bukas ng cabinet para ipakita sa akin ang ilang mga damit niya.
"Gusto kong umuwi. My manager texted me already na dumating na siya kaninang hapon at kailangan niya agad ako makausap kasi babalik din siya bukas," sagot ko pero sinungaling lang naman ang huli kong sinabi.
Kung sinasabi nilang layuan ko si Rasquin, ay gagawin ko ngayon panamantala. Hindi na kaya ng utak ko ang manatili rito ngayong gabi at baka may matuklasan na naman ako. Baka ma-prove na ni Athena ang theory niya at ayaw kong pang marinig ang totoong pagkatao ni Rasquin.
Well, I was curious but what my grandfather had told me this afternoon made me hurt. Napupuno na 'yong utak ko.
"Pero gabi na, Ivory. Masamang bumiyahe sa ganitong oras."
BINABASA MO ANG
Romancing My Royalty
RomanceFBS5||Matured Contents|| The Prince|| When a guy named Alaric Rasquin who lived in Ivory's family was a true royal prince from Europe, her peaceful and lonely life wouldn't be the same anymore. And that would also let her go of the desire she was fe...
