Chapter 23

606 34 5
                                    

thank you for waiting!

_

IVORY

ALAS kuwatro ng umaga gumigising ang mga tao sa Villa Yushon. Bahay ito nina Clarissa pero nandito rin ang negosyo ng pamilya. Malawak at malaki ang ektarya na lupain na pinagtataniman ng iba't-ibang klase ng bulaklak. Gaya ng sabi ko, ang Oberon ang capital supplier ng mga bulaklak sa buong Aergloria.

Ito rin ang pinagkikitaan ng pamilya ni Clarissa na minana ni Tito Alfonso Yushon sa mga ninuno nito. Simula nang umusbong sa kabilang villages ang iba't-ibang flower farms, humina ang kita ng farm ng kanilang pamilya.

Ilang maliliit na flower shops lang sinu-supplyan ng Yushons. Iyong kabilang farm iyong nagsu-supply sa Atasha's. May mga small events gaya ng birthdays and holiday ocassions ang kumukuha ng flowers dito, pero iba pa rin kapag may ka-sosyo ka sa negosyo.

Nagising ako ng alas singko at wala na sa tabi ko si Ivonne. Sanay na ako kapag tuwing weekends ay sumasama ang anak ko kay Tita Karina sa farm para kumuha ng mga bulaklak o ino-oversee ang mga ito.

Tahimik ang buong bahay lalo na ang kwarto ni Clarissa. Hugging my sweater, dumiretso na ako sa labas para malanghap ang sariwa at malamig na simoy ng umaga.

I had been born as a city girl, but living here in Aergloria made me realize that richness was seen in nature, the fresh air to breath, and the rising of the golden sun at seven in the morning. I had been to Baguio a thousand times before. The place had been incomparable, but Oberon "The Province of Floras" hit different.

Minsan, hindi na ako nasanay sa sobrang lamig ng klima rito kaya't nanginginig pa ang buong katawan ko.

I was tracking the soiled pathway to the sunflower's flower beds that usually visited by Ivonne and Tita Karina. Kahit ilang beses na akong nakatungtong sa farm, nakakamangha pa rin ang tanim nilang mga bulaklak.

Malayo pa lang ako ay dinig ko na ang mga malakas na pag-uusap ng kung sino. Namayani ang boses ni Tita Karina sabay pagtawa. Baka kausap si Tito Alfonso kasi parating nag-aasaran ang dalawa.

Ilang metro na lang ang layo ko na namataan kong may kausap ang mag-asawa. Dalawang lalaki na naka-itim na jacket. Sumisinag pa ang magandang umaga at nakatalikod ang dalawang lalaki kaya hindi ko matansiya kung sino. Dahil baka kapitbahay lang pala namin.

"Masaya akong nakilala ko kayo. Maraming salamat at pinili niyo ang farm namin para sa event ninyo," dinig na dinig ko ang masayang boses ni Tita Karina. As if she had introduced the farm's various flowers.

And she was speaking in Filipino?

"Walang anuman po 'yon. Your farm has been supplying the best flowers for fifty years, according to our research. It is one of the recommendations. Pasensiya lamang po at masyado kaming maaga dahil marami po kaming gagawin. Tsaka, sino pa ba ang magtutulungan kundi tayong kapwa Pinoy?" sagot pa 'nong lalaki na parang kilala ko 'yong boses.

Nabaling ang atensyon ko sa isang lalaki na nakaupo na animo'y mga kinakausap na mas maliit sa kanya. While the conversation between Tita Karina and the other man was ongoing, the little conversation of my daughter and the squatting man had been overpowering.

"Why you...want...many flowers? This..my..favorate." I could hear Ivonne's voice, not even stuttering from coldness. "My Ma..ma's favorate..too."

"I want so many flowers because I am about to marry my most beloved ladies in the whole world."

"Ladies?"

"Yes. My girlfriend and my daughter. I have been separated from them for how many years, and I want them back in my arms again."

"O-okay. I tell Ma..ma and Tata Rissa."

Romancing My RoyaltyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon