Chapter 9

837 31 15
                                    

Unedited. So sorry for late update! Hope you're still reading! THANK YOU!

_

UNANG dumating sa isla ang bangka na sinakyan ng mga repacked goods at other supplies na ipamimigay sa mga islanders. Nag-di-diskarga na ang mga tauhan nila Lola nang makarating ang bangka namin sa dalampasigan. Hawak hawak pa rin ako ni Rasquin nang bumababa kami sa bangka.

"I want to vomit," paalam ko sana pero nagpumilit siyang samahan ako. Lumayo kami ng ilang metro mula sa pinagbabaanan at yumuko na ako para ilabas ang lahat ng sama ng loob ko sa buong biyahe kanina.

I remained seated for how many minutes, staring at the sand and feeling my stomach and my head. Rasquin was assisting me like asking me if I was okay every minute. Inabutan niya ako ng tubig na kinuha ko naman kahit hindi ko gustong uminom. I really wanted to appreciate his kindness for me today through not ignoring him or his assistance.

Nang mahimasmasan na ako ay iginiya kami ng kapitan ng isla sa isang kubo katabi ng kanilang barangay hall. Iyong barangay hall nila ay gawa rin sa mga nipa at kahoy pero may ibang parte na konkreto.

Kilala ng kapitan si Athena ganoon din si Athena. Silang dalawa ni Rasquin ang kumausap dito. Rasquin was making friendly conversation, asking about their welfare and the state of their livelihood, problems about health and education.

Napatitig ako sa kanya, it was as if he was born for this kind of things. It was as if he was used to be asking those kind of things.

Meanwhile, Alexandra was with some group of fisherfolk, having friendly conversation also.

I was out of place, really. I wasn't used to this. My father was a Senator, but we only need to donate monetarily instead of be in the situation. We gave gifts during Christmas, but not to the extent of asking people about their welfare and such. My parents had a foundation, but we have many people to act as volunteers.

I roamed my eyes around the area. Sa harap ng kubo ay na pinagtatuyaan namin ay nagtipon-tipon ang mga tao sa isla. Hinihintay namin na dumating ang bangka nila Lola. And from the far area where a tree stand, a man was watching suspiciously. He was wearing the same clothing with the fisherfolks, but the way he hid himself behind a tree and darkly staring at us, it was kinda creepy.

"Ayos na po kayo, ma'am?" napabaling ako sa lumapit sa akin. Matandang ginang na nasa edad fifties. She handed me a mug of something, but the little smoke rising up from there made me believe that it was hot. "Inumin niyo po ito. Maganda po ito sa pag-ayos ng pakiramdam mo lalo na kapag dinadagat ka."

Marahan akong ngumiti saka tumango kahit sobrang nag-alinlangan ako. I wasn't used to accept things from strangers, if that things would be taken internally.

"Salamat po." Tinanggap ko na lamang saka sumimsim ng kahit kunti.

"Ako po si Cynthia, asawa ako ng Sergio, 'yong kapitan na sumalubong sa inyo. Nobyo mo 'yong kasama nila Ma'am Athena?" magiliw siyang kausap, kahit hindi kinakausap. Pero lahat ng kasama ko ay nakikipagkaibigan sa mga tao, hindi naman masama kung susubukan ko rin.

But her question was? Hindi ako nakasagot dahil sa gulat. Bakit ako ang mapagkamalang girlfriend ni Rasquin, eh nandiyan naman si Alexandra. Si Alexandra na nasa grupo na nila Rasquin, kapit na kapit na naman sa lalaki.

"Bisita po siya nila Lola. Apo po ako ng mga Santiago. He's not my boyfriend, but he's a willing volunteer and donator."

"Ah ganoon po ba, ma'am. Ah pasensiya na sa sinabi ko. Akala ko po kasi boyfriend niyo siya dahil magka-akay kayo kanina. Pero apo ka po pala nila Ma'am Louise, welcome po sa isla namin. Nice to meet you, ma'am."

Romancing My RoyaltyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon