Chapter 7

707 29 4
                                    

Thank you for waiting! Please share!
_

IVORY

RASQUIN was applying ointment on my wounds. Nasa mga hita niya ang paa ko. Sa malaking sala ng villa ay nakatingin sa aming dalawa si Lola, Lolo, Athena, Sir Carlos at Alexandra. Nagsasalita si Lola pero hindi ako nakikinig kasi nakatitig lang ako sa seryosong mukha ni Rasquin.

"Sana hinintay mo talaga ako kanina," singit ni Athena na nagpawala ng tingin ko kay Rasquin. Tumingin ako sa pinsan ko na ngayon ay nagmimilog ang mata, sinasabi sa akin na umakto nang maayos. "Hindi ba mahapdi?" 'Wag kang lumandi. Nakatingin ang girlfriend.' Athena mouthed without sound.

Umubo naman ako saka umupo ng tuwid. Ano ba ang ginawa ko? Nakatingin lang naman ako sa mukha ni Rasquin. Binabalak ko kung paano siya papatalsikin sa buhay namin dito!

"Okay lang, 'couz. You're enjoying yourself also and I wanted to be alone," sagot ko kay Athena, hinila nang bahagya ang paa nang humapdi nga. Bakit kanina hindi naman mahapdi? "Okay na 'yan, Rasquin. Nakakalakad pa naman ako. Ang OA mo lang talaga," bulong ko sa kanya, kahit gusto ko magpasalamat pero hindi ko gagawin dahil aasarin lang niya ako lalo.

May utang na loob ako. Totoo 'yon, pero hindi ako luluhod, hindi ko ipapakita. Sapat na ang isang pasalamat.

May narinig pa akong pagsinghap galing kay Sir Carlos at Alexandra. Nang mag-angat ako ng tingin sa kanila ay bumungad sa akin ang inis at galit ni Lolo.

"That's the way she addresses you, Alaric?" Alexandra chuckled, not the happy chuckle.

Oh? Bakit may papalag sa kung paano ko tawagin si Rasquin? Hindi naman kami close para tawagin ko siyang Alaric!

"Not that severe but still they need to be cleaned every day. Lagyan ng ointment pagkatapos ma-disinfect ng alcohol."

Tumango ako nang bahagya habang nilalagyan na niya ngayon ng strip bandages ang mga sugat. Tumingin ako kay Alexandra dahil hindi nasagot ang tanong niya. Madiin ang titig niya sa akin pero wala akong pakialam.

"And there's nothing wrong of the way she addresses me," doon na ako napatingin ulit kay Rasquin. Sumibol ang ngiti ko saka pinakita iyon kay Alexandra. See? Wala naman talagang masama!

Umubo si Alexandra tapos ngumiti nang matamis kay Alaric. Pero hindi pa rin natutuwa ang nasa expression ng Lolo at Lola ko.

"Ayos lang naman kung ganoon ang tawag niya sa'yo, but make sure it will came out with gentleness. Don't be too hard, Ivory. Please..." si Lolo sa akin na ikinataas na ng kilay ni Athena, and she mouthed: He's a prince. At hindi ako naniniwala.

"Noted, Lolo," kahit hindi ko alam kung masusunod ko pa. Sa bawat tingin ko lang kay Rasquin para akong bulkang sasabog sa inis, irita.

"Let Ivory call what she wants to call me, Sir. It's okay really."

"Bakit ba natin mas idinidiin ang isyu sa kung paano ko tawagin si Rasquin? Can we celebrate Alexandra's birthday now? It's your birthday, right?" Pilit ko na lang kinakalimutan ang halik niya kay Rasquin kanina.

Fine. Kung iyon ang gusto ni Alexandra na birthday gift.

Plastic ang ngiti ko sa kanya pero pati siya ay ganoon din. She may looked classy and pretty, the fashionista type, but her fakeness was just too obvious.

"Okay na ako. Thanks," marahan kong tingin sa nagamot na mga sugat.

"We'll eat dinner na, so Alexandra can blow her candle already," masiglang singit ni Lola. Tumango naman si Athena at Sir Carlos.

"Tulungan mo si Ivory, Athena. Alaric, hijo..." Lolo was referring to making Rasquin go with them to the dining area. Matamis ang ngiti ni Alexandra na naghihintay kaya kahit nag-aalinlangan na tumayo si Rasquin ay tumayo na rin siya.

Romancing My RoyaltyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon