Enjoy reading! May contain grammatical and typographical errors!
___
IVORY
"SA WAKAS," iyon ang narinig kong sigaw ng katabi kong si Dan pagkatapos ng exam namin sa gabing iyon. It was already eight in the evening. Timing din ang pagdating ng mensahe ng driver ko kung pababa na ba daw ako.
Shayna and Margo approached us. Kaklase ko sila kapag minor subjects. Iba-iba ang kinukuha naming degree programs. Operations Management ang huling klase namin kapag Biyernes.
"Saan tayo ngayon? Sa wakas tapos na tayo. Semestral break na bukas." Si Margo na tinitigan ko lang nang umupo siya sa katabing upuan ni Dan.
I glanced Shayna while I'm applying lipstick. Nag-iwas siya ng tingin sa dalawa at umupo sa harapang upuan.
Dan and Shayna took up Tourism Management. They were both very good looking. Bagay na bagay talaga sa kurso na kinuha. Margo took up Business Administration major in Marketing Management. Ako naman ay kumukuha ng Management Accounting. Accountancy sana talaga iyong dapat kong kunin kaso hindi ako nakapasa sa cut off score ng entrance exam kaya bumagsak ako sa MA.
My father wanted me to took up Commerce related degree. May negosyo si Mommy kaya dapat alam ko daw ang pamamalakad niyon. Kahit noong highschool ay hindi ko na naisip kung ano ba talaga ang gusto ko. I just go with the flow of things because I knew that my parents would decide of what to do with my life. I have no say.
They controlled me. Sila ang nagpapalamon sa akin kaya wala akong magagawa kundi ang sumunod sa kanila. Iyon ang rule. Ang tanong, kasalanan ko ba na buhay ko ito? Did I request them to born me in this world? My life sucked where I couldn't do what I love. And I didn't even know what I love. This sheltered life sucks.
"My driver is strictly waiting for me. Hindi ko na alam kung paano matatakasan iyon. Kapag nahuli na naman ako ni Daddy ay baka itatakwil na talaga ako."
Mababa pa nga daw ang grades ko saka naglalakwatsa pa ako sa gabi. They said that my degree program was just too easy to earn a flat one grade. Bakit hindi ko daw kaya? They wanted me to focus too much on my studies. Tama sila. Gusto ko iyon, para hindi naman ako mukhang kaawa-awa sa harap ng mga kapatid ko.
"Ano ka ba naman, Ivory? Huling gabi na ito. Semestral break na. It's time to enjoy. Isang linggo tayong babad sa mga reviewers natin." Si Dan na palaging nangungumbinsi na sumama ako.
"Dapat ko ring mag-beauty sleep. Nakatanggap ako ng message galing Ate Samantha na may bago akong indorsement project. I need to rest," pagtanggi ko pa rin.
Isa ring dahilan kung may alinlangan na akong lumabas ay may bisita kami ngayon. Kapag wala ako habang wini-welcome namin iyong Alaric Rasquin na iyon ay baka si Mommy na ang magtatatalak.
"Tama. May image siyang iniingitan, guys. Pagpahingain muna natin si Ivory mag-bar," pagsasalita na ni Shayna, na ikinangiwi ng dalawa.
"Fine. Pero kumain muna tayo diyan sa harap na restaurant. Gutom na gutom na ako," pagsuko ni Dan.
"Pero, hindi tayo mag-ba-bar? Niyaya ka ng mga kaibigan ni Nikos, ha." Umigting ang bagang ko sa narinig na pangalan galing kay Margo.
"Ikaw Shayna? Pupunta ka ba?" tanong ni Dan kay Shayna na nakayakap lang sa bag niya.
"Hindi. Maghahanap ako ng part-time job bukas. Mag-aayos ako ng resumé ko ngayon gabi," simple nitong tugon. Hindi nga ganoon karangya ang buhay ni Shayna kaya pinag-iigihan nito ang pag-aaral. That was one of the heroic act of Shayna, pero kapag nakakita ito ng mga gwapong lalaki, natitiklop talaga. And boys always liked her back.
BINABASA MO ANG
Romancing My Royalty
RomanceFBS5||Matured Contents|| The Prince|| When a guy named Alaric Rasquin who lived in Ivory's family was a true royal prince from Europe, her peaceful and lonely life wouldn't be the same anymore. And that would also let her go of the desire she was fe...