.

43 1 0
                                    

"Panget niyo kabonding!" sigaw ko sa aking mga kaibigan bago tumakbo kung saan napadpad ang shuttlecock. Sila naghagis tapos sa'kin ipapakuha, eguls. Buti na lang talaga mabait akong kaibigan. Mabait at gwapong kaibigan.

Saan ba napadpad 'yon? Luminga-linga ako sa paligid, nandito kami ngayon sa tuktok ng burol para magbadminton. Ito kasi ang pinakamalapit na open area kaya dito kami nagpunta.

"Lakas naman kasi hampasin!" singhal ko  pagkatapos ng ilang minutong paghahanap sa shuttlecock. Bakit kasi isa lang dinala nila?

Napatingin ako sa aking relo, alas kwatro na at mamayang alas singko ang practice ng banda namin. Napagpasyahan ko nang maglakad pabalik pero nagawi ang aking tingin sa puting bagay na nasa sanga ng puno.

Ang shuttlecock! Lumapit pa ako sa puno para siguraduhing ito nga iyon. Nang makasigurado sinubukan kong talunin pero hindi ko maabot. Luminga ako sa paligid para makahanap nang pwedeng gamiting panungkit. Nakakita ako ng putol na sanga sa gilid kaya iyon ang ginamit ko para makuha.

"Mas nakakapagod pa 'to kaysa sa mismong laro e," hawak ang sanga ay sinubukan ko ulit tumalon para maabot ang shuttlecock.

Hindi naman ako mahilig sa sports pero marunong naman ako kahit paano sadyang mas ginugol ko lang ang oras ko sa musika.  

"Puta sa wakas nakuha ko rin." ngisi ko habang nakatingin sa hawak ko. Itatapon ko na sana ang sanga pero bago ko pa mabitawan ay bigla akong napatalon nang makarinig ng isang boses.

Nakarinig ako ng mga hikbi. Binisita ng daga ang aking dibdib, alam kong wala namang ibang nakakapunta rito. Tago itong lugar at pinagbabawal dahil delikado. May multo ba rito? Shet, hindi pa ako ready makakita! No, my virgin eyes!

Nasa taas kami na lugar at nasa ibaba naman ang dagat. Ilang kilometro lang ang aking layo sa dagat, may malalaking bato na ang nakaharang at karatulang nagpapaalalang ito na ang dulo ng lugar at talampas na ito. Delikado dahil matarik ang dulo ng lugar kaya takaw sa aksidente.

Naglakas loob akong sundan kung saan nanggagaling ang tunog, habang papalapit sa malaking bato ay lalo ring lumakas ang hikbi at sinabayan pa ng sigaw. Nakasisigurado akong babae ang may-ari ng boses. Napunta ako sa dulo ng talampas at nasilayan ang anino ng isang tao sa baba.

I saw a girl sitting near the seashore. Crying and shouting.. Hindi ko makita ang kan'yang mukha dahil nakatalikod ang babae sa akin ngunit nakasuot ito ng long sleeves at nakalugay ang buhok. She's sobbing really hard, parang ang tagal nang naipon at ngayon lang nailabas. Parang ang tagal itinago at ngayon lang nagkaroon nang kalayaan. Sa hikbi niya pa lang malalaman mo na agad na sobra siyang nasasaktan. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ng babae dahil tanging likod lang niya ang aninag ko. Hindi niya naman siguro sasaktan ang sarili niya?

Napapikit ako nang marinig ulit ang kanyang sigaw na puno nang iba't ibang emosyon ngunit mas nananaig ang sakit at hinagpis. Kada hikbi niya ay diretsong tumama sa dibdib ko, rason para ma-apektuhan ang aking buong sistema. Nakakatindig balahibo. 

"I hate you!" dumampot siya ng buhangin at itinapon sa dagat. Nagbabakasaling sa paraan na iyon maibsan 'yung sakit. 

"I despise you, you're a monster! You made my life miserable!"

"Sana pinatay mo na lang ako... kasi ayoko na..." Napapikit ako, ito ang masakit marinig sa tao. Mas pipiliin na lang niya ang kamatayan kaysa mabuhay o lumaban para mabuhay dahil binibigyan sila ng rason para mawalan sila nang pag-asa.

"I hate you but I love you..." Pinakamasakit na ang dahilan ng nararamdaman mo ay ang mahal mo sa buhay. Masakit dahil kahit anong gawin nilang pagwasak sa'yo, kahit saktan ka man nila nang paulit-ulit sa huli mas nananaig pa rin ang pagmamahal mo para sa kanila. Kaya kahit durog ka na mas pipiliin mo pa rin sila buohin kaysa sa sarili mo. Love can either complete you or destroy you.

Gusto ko mang lapitan siya ngunit ayoko namang ma-invade ang personal space niya. Saka paano ako lalapit sa kanya kung nandoon siya sa baba at nandito ako sa taas? Maybe she wants to be alone that's why she's there. May daan naman sa kabilang kalsada kung nanaisin ko talaga siyang puntahan pero natatakot din ako, aaminin kong hindi ako marunong magcomfort ng tao. Natatakot ako na baka imbes na matulungan ko siya ay lalo pang lumala ang nararamdaman niya dahil sa'kin. Baka may masabi o may magawa ako at makadagdag pa sa kanyang iniisip. Nakakatakot dahil hindi ko alam kung ano ang takbo ng kanyang isip at kung paano ito tanggalin sa pagkakabuhol. Natatakot ako na baka isa ako sa maging sanhi nang pagkakagulo ng isip niya. 

Paano ko siya iko-comfort kung lalapitan ko siya? Ano ang mga tamang salita para pagaanin ang loob ng isang tao? Baka matakot siya sa'kin dahil hindi naman namin kilala ang isa't isa. 

She's in pain, I am not in the right position to judge her. Hindi ko siya kilala kaya wala akong karapatan na husgahan siya base sa nakikita ng aking mga mata. Laganap na ngayon ang panghuhusga, dahil ginagawang hobby ng mga tao kaya hindi na ako makikisama pa sa kanila.

Whoever that girl is I prayed for her healing. Hindi ko man alam ang nangyari sa kan'ya pero sana makayanan niya. Naniniwala akong kaya tayo nakararanas ng problema at pagsubok sa buhay-- una ay dahil alam Niya na kaya natin itong lagpasan. Pangalawa, para mas maging matatag tayo sa buhay. Pangatlo, hindi tayo masasaktan nang walang dahilan, isa ito sa mga paraan para matuto tayo. Higit sa lahat, hindi natin malalaman ang kahulugan ng kasiyahan kung hindi natin madadaanan ang lungkot. Hindi naman puro patungkol sa saya ang buhay. May iba't iba tayong emosyon na nakapagpapaalala sa atin na buhay pa tayo.

Ilang minuto ang tinagal ng kan'yang pag-iyak at pagsigaw, unit-unti na ring napalitaan ng mahihinang hikbi. Habang hawak ang shuttlecock ay pinagmasdan ko ang babae sa ibaba. Hindi ko masyadong maaninag ang kanyang mukha dahil sa distansya naming dalawa. Katulad ng mga alon, kanina ay galit na galit itong sumasalpok sa mga bato ngunit ngayon ay unti-unti na itong huminahon at nagiging payapa. Ngunit hanggang kailan tatagal? Sabi nila mas nakakatakot ang alon tuwing payapa dahil ang ibig sabihin nito ay nalalapit na naman ang sakuna. Nalalapit na ang pagbugso ng ulan at paglangitngit ng karagatan.

Nakaharap siya ngayon sa dagat, ang kaninang asul na ulap ay unti unti nang napapalitan ng kulay kahel. Sunset is not just about ending it is also symbolizes hope and new beginnings. Ito ang nagpapaalala sa atin na hindi pa ito ang katapusan.

On the horizon, where the sun meets the sea. I saw a girl crying at her lowest. Habang nanatili ako sa linya kung saan alam kong makakabuti para sa kanya. 

Sana nakabuti para sa kanya.. 

Sana hindi ako mali nang ginawa..

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakamasid sa kan'ya ang tanging alam ko lang ay hindi ako makapante sa aking nakita. Na hindi ko ata kakayaning iwan siyang sumasabog pero gumaan kahit paano ang nararamdaman ko nang huminahon siya.

Ano kayang pangalan niya? Anong nangyari at  bakit siya umiiyak? May nanakit ba sa kanya? Hindi biro ang humagulgol at sumigaw lalo na at mag-isa siya kaya tiyak na seryosong bagay ang dahilan nito. Sino ang tinutukoy niyang halimaw na sumira ng buhay niya? 

"Tang ina, pre. Akala namin tumalon ka na sa bangin!" napatalon ako nang biglang may nagsalita sa aking likod, paglingon ko ay isa pala sa aking mga kaibigan na naghagis ng shuttlecock kaya napunta sa sanga ng puno.

"Gago ka ba? Bakit naman ako tatalon? Aba, gusto ko pang magparami ng lahi!" Ano ba ang kinain niya at naisip niyang tatalon ako? Hindi naman ako baliw para gawin iyon sa aking sarili. Mahal ko pa ang buhay ko.

"Kukunin mo lang kasi shuttlecock napakatagal pa," pagrereklamo nito at inirapan pa ako.

"Pasalamat ka nga kinuha ko pa. Hirap kaya kunin dahil nasa sanga ng puno!" Hinagis ko sa kanya ang shuttlecock, nasalo rin naman niya.

"Eh kung nasa sanga pala ng puno bakit nandito ka sa dulo?" Akmang sisilip siya sa tinitignan ko kanina ngunit pinigilan ko siya. Hindi ko alam ang dahilan basta't kusang gumalaw ang aking kamay para harangan siya.

"Wala ka na roon, tara na nga baka hinahanap na tayo." Sa huling pagkakataon sinulyapan ko ang babaeng nakatayo at nakaharap pa rin sa dagat yakap ang kanyang sarili. Mas minabuti ko nang hindi sabihin sa aking kaibigan ang tungkol sa kanya, hindi rin naman sakop ng buhay niya ang nangayayri sa babae. Hindi na dapat pag-usapan pa. 

On the horizon, where the sky touches the sea. I met a girl that made a huge impact on my life.







That I'll forever treasure.

Between The Lines (Completed)Where stories live. Discover now