This will be the last entry for this story. Thank you for making it this far!
--
Elias POV
Sean found guilty. Reclusion Perpetua without parole. Naging mahirap sa lalaki na labanan ang kaso dahil nagpatong-patong na ito at nalantad lahat ng kanyang katiwalian. Deserve niya kung ano man ang nangyari sa kanya ngayon. Kung tutuusin kulang pa iyan sa kabila nang mga takot at bangungot na binigay niya kay Calli.
I hugged tita Caryle, when we heard the final judgement in our case. Nabigyan na namin ng hustisya ang mga biktima ng lalaki. Lahat ng hirap ni Calli para kuhanin ang mga ebidensya at ayusin ang kaso ay nagbunga na.
"Nabigyan na natin ng hustisya ang nangyari sa anak ko... Tama lang na mabulok na siya sa kulungan..." Kita sa mga mata ni Tita Caryle ang galit sa lalaki at ang pangungulila kay Calli.
Nanalo tayo, Calli. Nananalo ka. Nakaayon pa rin ang batas at hustisya sa mga na biktima.
"Inaalay ko and huling kanta namin sa araw na ito para sa babaeng nagtulak sa akin para abutin ko ang aking pangarap." napatingin ako sa aking mga kabanda, tumango sila sa akin na tila sinasabing kaya ko ito. Inilibot ko ang tingin sa open air auditorium kung saan kitang kita ang papalubog na araw. The crowd is cheering me. "Siya ang dahilan kung bakit ako nandito sa inyong harapan. To my number one fan... Calli, this is for you..."
"Summer after high school when we first met
We'd make out in your Mustang to Radiohead
And on my 18th birthday, we got matching tattoos
Used to steal your parents' liquor and climb to the roof
Talk about our future like we had a clue
Never planned that one day I'd be losing you...""Nakita mo na ba ang bagong tao, Elias?" saad ni Jess. Nandito kami ngayon nakatambay sa building namin. Na-late kami dahil hindi namin napansin ang oras habang nag practice kaya ngayon hindi kami pinapasok ng prof namin sa room.
"Huh? Lalaki o babae?" tanong ko. Bihira lang ang magkaroon ng bagong estudyante rito dahil madalas pa ngang may umalis para mag-aral sa Manila.
"Babae, Tol! Maganda kaso mailap masyado."
Itinuro ni Bryian ang isang babaeng naglalakad sa kabilang building. "Ayun siya oh! Napakainit pero naka sweater amputa." Tumawa ang mga kaibigan ko habang nanatili ang aking tingin sa babae. Nakayuko lang siya habang naglalakad.
Nabangga siya ng isang lalaki ngunit umilag ang babae nang hahawakan siya, nanatili ang kanyang ulong nakayuko at naglakad palayo. Hindi pinapansin ang mga tumatawag sa kanya. Galing kaya siyang Manila?
Simula nang masilayan ko siya ay palagi ko na siyang nakikita. Sa library, sa field, at sa cafeteria. Bakit ba parang lagi siyang nilalamig? Dahil palaging long sleeves at sweater ang suot niya.
"Tang ina pre, uulit ako sa isang subject!" singhal ko nang makitang may bagsak ako. Siguradong patay na naman ako sa ermat ko nito. Kailangan kong maki-seat in sa isang klase para ma-take ko ang bagsak na unit.
Nakita ko na naman ang bagong tao, sa may sulok ng klaseng pinasukan ko. Sa kanya ako tumabi, humiram pa nga ako ng ballpen at papel sa kanya para makausap siya pero tila takot siyang lapitan ko siya. Kaya sobrang saya ko nang payagan niya akong maging partner ko siya sa thesis namin.
"In another life
I would be your man
We'd keep all our promises
Be us against the world
In another life
I would make you stay
So I don't have to say you were
The one that got away
The one that got away..."Naging malapit loob ang loob ko kay Chyrl. Alam kong ilag pa rin siya sa akin minsan. Napansin kong ayaw niyang nilalapitan at hinahawakan siya kaya palagi ko siyang tinatanong kung komportable ba siya sa akin para naman hindi siya naiilang sa akin. Gusto ko siyang maging kaibigan, ang cute niya kasi. Saka pansin ko wala siyang ibang kinakausap bukod sa akin dahil syempre ako ang kapartner niya sa thesis. Hiningi ko pa nga ang number niya para ma-contact ko siya, akala ko talaga hindi niya ibibigay pero shet! Ang saya ko nang ibigay niya sa akin!
YOU ARE READING
Between The Lines (Completed)
Художественная проза"Between the lines on my wrist, I found hope. Between the line where the sun sets, I saw him. I found my home in his persona." -Her "She's indeed a great poem but I failed to read between the lines." -Him