Kung may isang bagay akong hihilingin ngayon, iyon ay ang mawala na ang sakit na nararamdaman ko. Ang mapawi lahat ng bigat, at kumalma ang nagwawala kong isip. Bakit kapag masaya tayo ang dali lang mawala pero kapag malungkot tayo ang hirap makaahon. Ang hirap kalimutan.
Walang araw na hindi ako umiyak simula nang namatay si Daddy. Ang hirap para sa aming dalawa ni Mommy, lalo na nang mabasa namin ang kanyang suicide note. Gumuho ang pundasyon ng aming tahanan kaya ang hirap para sa aming umusad at magsimula ulit. Matagal na pala siyang nakakaramdam ng depresyon ngunit itinago niya sa amin. Kinimkim niya lahat ng lungkot, habang ginagawaran kami ng magandang ngiti. Itinago niya habang sinasabi sa akin na huwag matakot ilabas ang tunay na nararamdaman.
Ilang linggo na ang nakakaraan nang isinaboy namin sa dagat ang abo ni Daddy katulad ng kanyang hiling. Pinagpatuloy ko na rin ang pagpasok sa eskwelahan dahil hindi magugustuhan ni Daddy kapag nagpabaya ako sa pag-aaral. Nagpapasalamat ako sa mga kaibigan kong hindi ako iniwan. Maaga akong pumasok, bumabawi sa mga araw na late at absent ko. Nadatnan ko ang aking mga kaibigan na nag-uusap, kaya lumapit ako sa kanila. Hindi ata nila naramdaman ang presensya ko dahil sa pinag-uusapan nila.
"Baliw daw kaya nagpakamatay." saad ni Grace, na kaibigan ko since grade 7. May pakiramdam ako sa kanilang pinag-uusapan ngunit nanatiling tikom ang aking bibig.
"Baka nahawa na rin si Chyrl sa Daddy niya at dito pa magkalat." si Esperanza kaya natawa sila. So, ako pala ang topic of the day? Ang mga kaibigan ko ay pinag-uusapan ang nangyari sa Daddy ko. Worst, they are making fun of my situation? Nakakatawa bang nawala ang Daddy ko?
"Natatakot nga akong lumapit sa kanya baka bigla na lang siyang manakit." dagdag ni Jacob, ang nanligaw sa akin dati. I smile bitterly. Seriously? Ganito sila mag-isip?
"Dapat dinala na siya sa mental hospital para maagapan." Akala ko sila ang unang makakaintindi sa nararamdaman ko dahil mga kaibigan ko sila, pero sila pa itong hinuhusgahan ako.
"Thank you sa concern mo pero hindi ako baliw." sagot ko kay Genica.
"Chyrl.." nanlaki ang kanilang mga mata at umayos sa kanilang pagkakaupo habang ang mga mata nila ay nasa sahig.
"Nagsasabi lang kami ng totoo, Chyrl. Concern kami sa kalagayan mo dahil kaibigan mo kami." sagot ni Esperanza. Mahina akong natawa, concern ba talaga sila dahil iba ang concern sa panghuhusga.
"I'm sorry you feel that way, hindi namin intensyon na saktan ka. Mali ka lang ng intindi." At ako pa ngayon ang may kasalanan?
"I appreciate your apology but I will never accept a backhanded apology." I smiled bitterly.
It easy for others to judge you base on what they see without knowing your feelings, they cannot feel what I feel because they were not in my shoe. Maiintindihan ko pa kung sa ibang tao ko maririnig ang mga iyon pero iba ang sakit pag sa mga taong importante sa buhay mo. Akala ko sila ang unang makakaintindi sa nararamdman ko pero nagkamali ako dahil tumatawa pa sila habang nahihirapan ako.
Hindi lahat ng taong nakapaligid sa 'yo ay mapagkakatiwalaan. Kaya dapat tayong mag-ingat dahil kung sino pa ang ating hinahagkan ng buo ay sila pa ang sasaksak sa atin habang nakatalikod tayo.
Nakakatawang dumalaw pa sila sa akin noon at sinabing nakikiramay sila sa pagkawala ni Daddy, pero kung makapagsalita sila ngayon ay parang wala kaming pinagsamahan. May mga tao talagang magpapanggap na may pake sila sa 'yo para may mapag-usapan sila kapag hindi ka nila kasama.
Ngayon alam ko nang hindi sila mga tunay. Nandyan lang sila sa 'yo pag nasa taas ka na pero bibitawan ka na nila pag lumigwak ka na. Papalakpak sila sa mga tagumpay mo ngunit sila rin ang unang magdidiwang sa pagbagsak mo. Ang akala mong mga kamay na tutulungan ka sa oras ng pangangailangan ay ang kamay na duduru-duruin ka lang.
![](https://img.wattpad.com/cover/266287556-288-k7707.jpg)
YOU ARE READING
Between The Lines (Completed)
General Fiction"Between the lines on my wrist, I found hope. Between the line where the sun sets, I saw him. I found my home in his persona." -Her "She's indeed a great poem but I failed to read between the lines." -Him