Mas naging ilag ako sa mga tao dahil sa nangyari. Konti lang ang nakakita pero mabilis kumalat ang naging pangyayari sa cafeteria. Hindi na rin ako nakapasok sa mga sumunod kong subject nang araw na 'yon, nagkulong lang ako sa bahay. Natatakot na baka sundan nila ako.
"Do you need help?" tanong ni Elias. Nagkasalubong kaming dalawang at huminto siya nang makita ako. After what happened in the cafeteria, he never talked to me about it.
"Kaya ko na 'to." saad ko kahit nahihirapan sa dala-dala.
"Huwag kang mag-alala, wala akong masamang intensyon. Gusto lang kitang tulungan, but I'll respect your decision if you don't want me to help you." He show to me his gummy smile. Nanatili ang distansya naming dalawa, marahan lang siyang lumapit nang ibigay ko sa kanya ang mga librong hawak ko. Mahapdi ang braso ko sa likod ng suot kong long sleeves kaya mas mahirap sa 'kin na buhatin ang mga libro. Nagvolunteer ako sa library na mag-ayos ng mga aklat, at inutusan nila akong kuhanin sa faculty ang mga hiniram na libro.
"Uhm, salamat." Sa huli ay pumayag na rin ako.
"Saan mo nga pala ito dadalhin?" He carefully carries all the books without touching me.
"Sa library lang." tipid kong sagot. Naiilang ako dahil hindi naman ako sanay na tinutulungan ako ng ibang tao. Nasanay ako na sinasarili ang lahat. Nasanay akong ako lang mag-isa.
"Ikaw na ang maunang maglakad sa akin kung naiilang ka. Okay lang naman kung hindi mo ako sasabayan sa paglalakad." He smiled at me, assuring me that everything is good. Gumilid siya ng kaunti para bigyan ako ng espasyo sa paglalakad.
Sa sumunod na mga linggo ay madalas niya akong kausapin. Alam ko sa sarili kong magaan kausap si Elias pero may parte sa 'kin na natatakot pa rin dahil hindi ko alam ang kanyang intensyon. Nakakatakot magtiwala ulit dahil baka madurog lang ako sa huli. Ang huling taong pinapasok ko sa buhay ko ay sinira lang ako.
"Pwede bang sumabay sa 'yo pauwi? I mean sabay lang tayong lalabas ng campus, kung okay lang sa'yo?" I nodded. Sabay lang naman palabas.
Hinintay niya ako sa labas ng aming classroom at pinauna akong maglakad. Saka lang siyang nagsimulang maglakad nang nakailang hakbang na ako palayo sa kanya, kaya ngayon ay nasa likod ko siya. Wala rin namang kaso sa 'kin dahil hindi niya ako kinakausap. Habang naglalakad palabas ay nakaramdam ako ng gutom. Napahawak ako sa aking tiyan nang tumunog ito.
"Nagugutom ka ba? May alam akong malapit na tusok-tusok dito baka gusto mo?" lumingon ako sa nagsalita. Wala akong alam na kainan dito dahil hindi naman ako gumagala. Kuntento na ako sa karinderya at tindahan sa tapat ng apartment ko.
"Ah, sige..." Hindi ako nakakain kanina dahil natatakot pa rin akng pumunta sa cafeteria. Kaya tumatambay na lang ako sa library tuwing break namin.
Huminto kami nang makalabas, pinaupo niya ako sa mini park sa tapat ng campus namin.
"Ako na lang ang bibili, marami kasing tao roon sa mga ganitong oras. Anong gusto mo isaw? Betamax? Lahat ng streetfoods meron doon."
"I never tried street foods before so..." Sabi ni Daddy marumi raw ang mga street foods, at madaling makakuha ng sakit dahil halo-halo ang mga taong bumibili at kumakain, kaya kahit kailan ay hindi ko pa sinubukan.
"Ohh, really? May allergy ka ba?"
"Wala naman."
"Good to hear, gusto mo ba i-try? Don't worry, malinis ang mga iyon." He smiled again. Ang hilig niyang ngumiti. Tuwing nag-uusap kami ay palagi siyang nakangiti, hindi ba siya napapagod?
"Uh, sure..." wala sa sarili akong sumagot.
"Hintayin mo ako rito, saglit lang ako. Ito bag ko, para maniwala kang babalik ako." Nagsimula siyang maglakad kasalungat sa daan kung saan palaging kong dinadaanan. Wala pang kinse minuto ay bumalik na si Elias hawak ang dalawang supot na pagkain at dalawang cup na buko juice.
YOU ARE READING
Between The Lines (Completed)
General Fiction"Between the lines on my wrist, I found hope. Between the line where the sun sets, I saw him. I found my home in his persona." -Her "She's indeed a great poem but I failed to read between the lines." -Him
