Katulad ng mga pelikula, may kontrabida upang makadagdag timpla sa isang istorya. Kontrabidang pilit sisirain ang buhay ng bida. Sa huli, bida pa rin ang nagwawagi. Kailan ka ba nakakita ng pelikulang nanalo ang kontrabida?
Hinihiling ko na sana hanggang pelikula na lang sila at wala na sa totoong buhay, dahil sa reyalidad mas madalas manalo ang mga kontrabida kaysa sa bida.
My phone rang, I thought it was Elias but I was wrong.
"Hello, Elias?"
"Sinong Elias, Chyrl? May boyfriend ka na ba? Tama ang sinasabi ng tito Sean mo?" napabalikwas ako sa aking pagkakahiga nang marinig ang boses ni Mommy sa kabilang linya.
"Mom, Elias is my friend. Hindi ko po boyfriend at ano po bang alam ng lalaking 'yon?" Bakit nasama na naman sa usapan ang lalaki?
"Chyrl, how many times do I have to tell you that you should respect your tito Sean! Ganyan ba ang natututunan mo sa lugar na iyan? Ang maging bastos sa magulang nila?" Nang ako ang binastos, Mommy hindi naman kayo nagalit nang ganyan sa kanya. Bakit naman po gano'n? Pag ako ang nasaktan, okay lang. Pag ako ang binastos, wala lang. Noong ako ang umalis, ayos lang. Iparamdam niyo naman sa 'kin kahit konti na mahalaga pa rin ako sa inyo. Iparamdam niyo naman sa akin na anak niyo pa rin ako. Piliin niyo naman ako kahit isang beses lang, oh. Ipagtanggol niyo naman po ako. Paranas naman po ng pinipili at pinagtatanggol.
"Give me your address, pupuntahan kita d'yan." Bakit niya pa ako pupuntahan?
"No, Mommy. I won't tell you my address, kaya ko na po ang sarili ko."
"I am still your mother, Chyrl! May karapatan pa rin ako sa 'yo, dahil ako ang nagbigay ng buhay sa 'yo!" Mahirap na sinusumbat pa sa 'yo na isinilang ka nila sa mundo pero hindi mo naman hiniling na buhayin ka nila. Responsibilidad ng mga magulang na gabayan ang kanilang mga anak pero wala silang karapatan na kontrolin ang buhay ng kanilang anak.
"No, Mommy. Wala ka na pong karapatan sa akin simula nang umalis ako sa puder ninyo. Nasa tamang edad na po ako para magdesisyon para sa sarili ko." I clenched my jaw and closed my eyes.
Tuwing nakakapagsalita ako ng hindi maganda sa kanya ay dobleng sakit ang balik sa 'kin. Pinagsisisihan kong nasaktan ko siya, pinagsisisihan kong nakapagsabi ako ng mga salitang ikakasakit niya.
"Ikaw pa ba ang anak ko? Hindi ganyan magsalita si Chyrl." Ako pa rin 'to Mommy, Ako pa rin 'to, ang anak na binitawan niyo noon para sa bago niyang asawa.
Hindi ko na siya sinagot pa. I ended the call, at wala sa sariling naghanda para pumasok.
Natapos ang aking klase nang wala sa sarili, ngunit nawala ang busangot ng aking mukha nang makita si Eli. Nakakahawa ang kanyang ngiti.
"Wala kang practice?" tanong ko. Hapon na kasi at paniguradong may gig sila mamayang gabi. Nakakatuwa nga na may fan base na sila. Hiraeth ang pangalan ng kanilang banda, samantalang Homeis naman ang fandom name nila, pinaghalong home at music. Eli said their fans are their haven and they are one of the reasons why they pursue their passion for music. Hiraeth band finds home to their fans and vice versa.
"Wala, arat kain tayo?" nakangiti niyang tanong.
"Sure!" masigla kong sagot.
Sa isang oras naming magkasama ni Elias ay nawaksi sa aking isipan ang nangyari kaninang umaga. Ang kaninag pag-aalala ay napalitan ng tawa. Sana palagi na lang ganito.
Pagkatapos namin kumain ay hinatid na ako ni Eli sa aking apartment katulad ng palagi niyang ginagawa. Nang papalapit na kami ay napansin ko ang pamilyar na kotse sa harap ng apartment.

YOU ARE READING
Between The Lines (Completed)
General Fiction"Between the lines on my wrist, I found hope. Between the line where the sun sets, I saw him. I found my home in his persona." -Her "She's indeed a great poem but I failed to read between the lines." -Him