Akala mo ayos ka na, pero sa isang iglap marerealize mong hindi pa pala. Pinalasap lang sa'yo ang tag-araw bago iparanas ang malakas na bagyo.
Kayang-kaya sirain ng nakaraan mo kung sino at ano ka ngayon.
Natatakot along lumabas ng apartment, pakiramdam ko nandoon siya. I blocked his number at nang may tumawag sa 'kin ay naging aligaga ako buti na lang ay nagtext siya at nagpakilala. Ilang beses akong hindi sumipot sa meeting namin ni Elias. Nagdahilan akong masama ang pakiramdam, pero ang totoo natatakot ako na baka nasundan ako ng demonyong pilit kong iniiwasan at kinakalimutan dahil siya ang dahilan kung bakit naging bangungot ang buhay ko.
Pumunta ako sa dagat na madalas kong puntahan tuwing gusto kong mapag-isa. Hindi ko na alam kung saan at sino pa ang tatakbuhan ko bukod dito.
Pinagmasdan ko ang mga alon, pakiramdam ko para akong alon. Pinipilit na makalayo at makaalis sa dalampasigan pero palagi pa ring nahahanap ang sariling bumabalik sa bangungot na pilit kong tinatakasan. Parang ganito na ang tadhana ko, makakalayo lang saglit pero hihilahin din ako pabalik. Makakalimot pero bigla akong matatauhan, ipapaalala sa 'kin na wala akong karapatang maging masaya. Makakaahon saglit pero bigla na namang malulunod. May liwanag na masisilayan pero sa isang iglap mawawala na naman, babalutin na naman ako ng kadiliman. Pagod na pagod na akong paglaruan ng tadhana. Kailan ba 'to magwawakas? Ang sama ko siguro sa past life ko kaya ako pinaparusahan ngayon.
"Daddy, babalik ka ba rito pagsinabi kong hindi na ako masaya? Kasi Daddy simula nang nawala ka naging miserable ang buhay ko... Nawalan akong ng kakampi... Naiwan akong mag-isa..." I tried not to cry but my tears are like a waterfall. This time wala akong kahit anong ininom na gamot para makalimot o para iwasan ang sakit. Dinama ko lahat. Damang-dama ko ang lahat. Napaluhod ako sa panghihina. Nanginginig ang buong katawan ko, at masikip ang dibdib dahil sa kakaiyak.
"Ang daya niyo naman, Dad... Iniwan niyo 'ko... Nawala ka sa mga panahong kailangan kita... Wala ka sa mga oras na wala akong makapitan... Wala nang nagpupunas ng mga luha ko sa mga panahong umiiyak ako... Bakit mo pa ako tinuruan umiyak kung aalis ka rin naman pala? Dapat tinuruan mo na lang ako na huwag umiyak..." Naalala ko si Ruel, ang batang tinulungan ko. Sana katulad niya na lang ako na hindi sinanay na umiyak kasi ngayon? Hirap na hirap na akong kontrolin ang mga pesteng luha na 'to. Hindi naman nakakagaan ng loob kasi kahit ilang beses akong umiyak, mabigat pa rin.
"Bakit mo pa ako sinanay na i-comfort mo kung mawawala ka rin pala? Nangako ka sa'kin, e... sabi mo nandyan ka para i-comfort ako tuwing umiiyak pero Dad, na saan ka ngayon? Ngayon kita kailangan... Please, come back here... magiging mabait na akong anak... hindi na ako mangungulit sa 'yo... mas pagbubutihan ko pa ang pag-aaral ko... please Daddy balik ka na..."
"Ang daya daya mo, Daddy! Ang daya daya mo! I need you, Daddy..." I miss your hugs, I miss your smiles. I miss my Daddy. I miss my life with Daddy.
"Kailan niyo po ba ako susunduin dito? Pagod na po ako... Kunin mo na po ako..."
Kung panaginip man ito gusto ko nang magising sa bangungotna 'to. Sana paggising ko nandyan pa si Daddy. Sana paggising ko maayos na ulit ang buhay ko. Sana...
Gabi na nang makauwi ako sa bahay, ubos na ubos na ako. Ni-hindi ko nga alam kung paano ako nakauwi basta ang tanging alam ko lang ay pagod na ang katawan ko, pagod na pagod na ang mga mata ko. Pagod na pagod na ang buong pagkatao ko.
Elias:
"Don't let yesterday take up too much of today."
Hi! Calli, wassup? I hope you are doing fine. Naiintindihan ko kung bakit hindi ka naka-attend kaya huwag ka nang mangamba saka infairness ha ang ganda ng ginawa mong paper natin. Ginalingan masyado, e. Taob mo nga teacher natin hahaha.
YOU ARE READING
Between The Lines (Completed)
General Fiction"Between the lines on my wrist, I found hope. Between the line where the sun sets, I saw him. I found my home in his persona." -Her "She's indeed a great poem but I failed to read between the lines." -Him
