Watching him sing is my favorite hobby. Master na niya kung paano kuhanin ang atensyon ng mga nanonood o nakakakita sa kanya. Katulad nang nakuha niya ang aking mga mata nang una ko siyang makita. Tuwing nagtatagpo ang aming paningin ay para akong hinihigop ng kanyang itim na mga mata. Madilim ngunit hindi nakakatakot.
Nandito kami ngayon sa kabilang bayan dahil inimbitahan sila para sa pageant na ginawa nila. Nakaupo ako sa harapan kung kaya't kitang-kita ko silang magperform. Kapansin-pansin din ang iba nilang fans na sa crowd, may mga dalang banner para sa kanila. Walang tapon sa banda nila, lahat magagaling at talentado. Nakakatuwa na may music management na kumuha sa kanila, para tulungan sa career nila. Ang alam ko ay pinapakilala na sila sa mga social media para malaki ang sakop na audience.
Ang kinakanta nila ngayon ay Smile by Johnny Stimson. Tuwing kumakanta siya ay napapatulala pa rin ako sa kanya kahit ilang beses ko na siyang nakita at narinig magperform. Nagkatitigan kami ni Eli habang patuloy siya sa pagkanta.
"We can forget all of our troubles for a while
We can just live inside this moment
You and I get through the darkness
Knowing we'll find the light"
I was smiling the whole time. I am your number one fan, Eli. And always will be.
***
"You are eligible to run for a summa cum laude of your batch. Just be consistent with your performance, Miss Dela Vega."
"Thank you, Dean." I smiled and bowed my head to our dean.
I immediately texted Eli to shared the good news I just got. And like what I expected, masaya siya sa 'kin. Hindi mapawi ang kurba sa aking labi habang nagkaklase kami. Hindi ko alam na ganito ganda ang magiging bunga ng paghihirap sa college. I still can't believe that four months from now, is the end of my journey being a student. Sa kabilang banda, kahit hindi na tayo mga estudyante ang araw-araw pa rin tayo natututo mula sa mga karanasan at mga taong nakakasalamuha natin.
Nanlaki ang aking mga mata nang masilayan si Eli sa labas ng room namin. Kumaway ang lalaki sa akin nang magtagpo ang aming tingin. Binati siya ng ilang kaklase ko, nang makita siya.
"What are you doing here?"
"Bakit ayaw mo ba?"
"Hindi naman sa gano'n. Wala ba kayong practice?"
"Wala hehe. Tara kain?" Nakakapanibagong wala silang practice ngayon, lalong nakakapanibagong hindi niya dala ang gitara niya. Hindi na ako nag-abala pang magtanong kaya siguro hindi niya dala dahil hindi niya naman gagamitin.
Pumayag ako sa kanyang alok kaya pumunta kami sa mini park sa tapat ng aming campus. Siya ulit ang bumili habang nandito ako sa aming upuan.
"Teka, may nakalimutan pala ako." sambit niya nang mailapag ang
"Huh?" hindi na ako nakapagtanong sa kanya dahil tumayo agad ito.
Inabala ko na lang ang sarili sa pag-aayos ng aming pagkain para pagdating niya ay nakahanda na.
"Happy birthday to you..." Umangat ang aking tingin kay Eli, may dalang cupcake habang may nakatusok na kandila. He smiled at me while singing. Nag-init ang aking mga mata, at nakaramdam ng kiliti. "Happy birthday.. happy birthday... happy birthday to you.."
Inilapag niya sa table namin ang lemon square cupcake.
"Low budget cake muna tayo ngayon saka na kita ibibili ng mamahaling cake, pag yumaman na ako." bumungisngis siya saka ginulo ang aking buhok.
"How d-did you k-know?" I tried not to stutter but I failed.
"Secret baka asset!" natawa ako sa kanyang reaksyon ngunit ang mga luha ko ay patuloy pa rin sa paglabas. Hindi ko inaasahang malalaman niya ang birthday ko, hindi ko naman kasi sinabi sa kanya. At muntik ko na ring makalimutan.
YOU ARE READING
Between The Lines (Completed)
General Fiction"Between the lines on my wrist, I found hope. Between the line where the sun sets, I saw him. I found my home in his persona." -Her "She's indeed a great poem but I failed to read between the lines." -Him
