IV

9 0 0
                                    

Nang gabing iyon ay hinatid niya ako pauwi. Alam kong natatakot siyang iwan ako dahil sa mga sinabi ko sa kanya, pero nangako ako sa kanya na wala akong gagawing ikakasakit ko. I didn't hurt myself physically nor emotionally. Sa sobrang pagod ko ay nakatulog ako pag-uwi. Hindi na ako nag-abala pang linisin ang sugat o ang kalat sa apartment ko.

Kinabukasan, nagising ako dahil sa paulit-ulit na katok, hindi ko alam kung anong oras na. Pinilit kong tumayo kahit mabigat ang pakiramdam at masakit ang aking ulo.

"Goodness! Buti binuksan mo, muntik ko na sirain ang pinto mo, e." bungad sa akin ng lalaki, pagbukas ko ng pinto. Ang kaninang nakakunot niyang noo ay nawala sa isang iglap.

"Anyway, may dala akong pagkain para sa 'yo..." ngumiti si Elias at pinakita niya sa 'kin ang hawak niyang supot ng pagkain, hinid nakatakas sa aking paningin ang nakasukbit na giatara sa kanyang balikat.

"Salamat," I tried to smile at him.

"Ang tamlay mo... uhm, Can I?" tanong niya bago ilapit ang kanyang kamay sa aking noo.

"Shet, mas hot ka pa kaysa sa 'kin, Calli!" he exhilarated. 

"I'm fine..." I commented but he just looked at my eyes. 

"Pwede ba akong pumasok sa loob ng apartment mo? Hindi ako makakampanteng makitang ganyan ang lagay mo. Papayagan kitang sirain ang gitara ko 'pag may hindi ka nagustuhang ginawa ko." seryoso niyang sambit.

Gumilid ako sa aking pintuan para magkaroon ng espasyo para sa kanya. Umupo ako sa sofa nang makaramdam ng hilo. Ilang sandali pa ay dumating si Eli na may dalang tray ng pagkain, galing siya ng kusina.

"Pasensya ka na, nangialam na ako ng kusina mo."

"Okay lang," inilapag niya ang pagkain sa coffee table.

"Kumain ka na muna, bago uminom ng gamot. Madalas ka bang magkasakit? Puro paracetamols laman ng medicine kit mo, e." Inilapag niya ang gamot.

Hindi ako nagsalita, pinilit na lang ang sariling kumain kahit walang gana. Pagkatapos ay pumasok ako sa kwarto, habang nakaalalay sa 'kin si Eli. May bakas pa ng dugo ang bedsheet at comforter ko, pero wala na akong lakas para palitan pa iyon. Alam kong nakita ni Eli ang dugo, at ang cutter sa sahig pero nanatiling tikom ang kanyang bibig. Tahimik akong humiga ako sa kama.

"Kaya mo bang magpalit ng damit? Baka natuyuan ka na ng pawis sa likod..." hindi ako nagsalita habang siya ay nanatiling sa akin ang tingin.

"Huwag kang mag-alala, you can lock the door if you want. Kuha lang ako ng maligamgam na tubig pampunas.." lumabas siya at sinarado ang pinto.

Kahit mabigat ang katawan ay pinilit ko ang sariling magpalit ng damit, nang matapos ay humiga na ako sa kama, nai-unlock ko na rin ang pinto. Bumigat ang talukap ng aking mga mata at naalimpungatan lang ng makita si Eli na pinatong sa upuan ang plangganang dala.

"Pwede ba kitang punasan? Para bumaba ang temperatura ng katawan mo." I nodded and closed my eyes again.

Magdidilim na nang magising ako. Hindi pa ako makapaniwala na buong araw akong nagpapahinga. May bimbo sa aking noo at medyo gumaan na rin ang pakiramdam ko, hindi katulad kanina. Napagpasyahan kong bumangon, kapansin-pansing malinis na ang aking kwarto. Umalis na kaya si Eli? 

I saw Eli, sleeping on the sofa. Matangkad ang lalaki at malaki ang katawan kaya hirap siyang pagkasyahin ang sarili. Bumalik ako sa kwarto upang kumuha ng kumot para kay Eli. Nalingat ang tingin ko sa aking palapulsuhan na ngayon ay may bagong benda. Mas maayos ang pagkakalagay kaysa sa ginawa ko kagabi. Did he clean my cuts?

I stared at him for a couple of seconds. What did I do to the world to have a friend like him? Hindi niya ako iniwan, inalagaan niya ako buong araw. I've realized that he never tries to go near me. Palagi siyang nagpapaalam sa 'kin tuwing lalapitan niya ako. Palagi siyang nagtatanong kung masyado ba siyang malapit sa akin. He never invalidates my feelings. Palagi siyang nakikinig tuwing nagsasalita ako, hindi ko nakita o naramdaman sa kanya na hinihugsahan niya ako. He always texted me to check on me. 

Between The Lines (Completed)Where stories live. Discover now