Sabi nila hiram lang ang ating buhay kaya gamitin natin ito sa mga makabuluhang bagay at huwag sayangin sa makakasama sa atin. Ngunit paano kung gusto mo na itong isaoli? Paano kung gusto mo na itong ibalik sa nagbigay sa atin ng buhay? Sa paningin ng tao mali na wakasan mo ang sariling buhay sapagkat itinuturing nila itong sagrado, pero ano ba ang masama kung ibabalik mo na ang hiniram mo? Nandito tayo sa mundo, sa ayaw at sa gusto natin, kaya wala ba talaga tayong karapatan na diktihan ang sarili kung gaano lang tayo katagal na mamamalagi sa mundo?
My knees are shaking, but I pushed myself to stand up and walk towards my medicine kit to get some paracetamols. This is my buddy since then. I swallowed it all without the use of water. Napaupo ako sa sahig ng sala kung saan ako nakatira. Inilibot ko ang aking tingin sa lugar. Puti ang dingding, kulay asul naman ang kurtina at wala masyadong gamit. Ilang linggo na rin ako rito, mag-isa pero mas mabuti nang ganito. Mas alam kong ligtas ako. Sabi nila nakakatakot mamuhay mag-isa pero ang hindi nila alam ay mas nakakatakot tumira sa isang bahay kung saan may halimaw na umaaligid. You cannot call it home when you felt danger inside.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatunganga rito, hinihintay na umepekto ang gamot na ininom ko. Hanggang kailan ko kaya iinumin ito? Baka pag nasanay na naman ang katawan ko sa gamot dumating ang araw na hindi na ito umepekto, magpapalit na naman ako. Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko ay binulabog ako nang ingay na nangagaling sa aking cellphone. May tumatawag kaya kahit wala sa sarili ay sinagot ko ito. Hindi na ako nag-abalang tignan pa ang pangalan, dahil isa lang naman ang tumatawag sa akin.
"Hello, Mommy. Bakit po kayo napatawag?"
"Kailan mo ba kami bibisitahin dito? Nalayo ka lang sa'min parang wala ka ng pamilya." bakas ang pagtatampo sa kanyang boses.
"Pasensya na, Mommy. Hindi ko pa po alam kung kailan, naging busy po ako sa pag-aaral ko." Gusto ko na ring makita si Mommy, I missed her so much, but I'm scared to go to their house. Simula nang umalis ako sa bahay ay hindi pa ako nakakabisita kahit isang beses. Hindi pa ako handa, ayoko pa. Dati ang naalala ko tuwing iniisip ang bahay namin ay ang masayang ako, walang pangamba at puno ng pagmamahal. Iyon ang matatawag kong tahanan pero ngayon? Ayoko nang alalahanin pa ang bahay dahil ito ang sumira ng buhay ko. Pinapaalala sa 'kin lahat ng mapapait na alaala.
Ayoko naman talagang mamuhay mag-isa pero wala akong choice kundi ang gawin ito. Kalaunan natuto na rin akong tanggapin. Maraming takot mag-isa, dahil para itong bisyo na kapag nasubukan mo na, mahirap nang makalaya. Mahirap nang makaahon dahil hihilahin ka hanggang sa maubusan ka ng lakas kakalaban, kaya sa huli tinanggap mo na lang. Nagpakain ka na lang. Nagpalunod ka na lang kasi nakakapagod labanan ang kaaway na nararamdaman mo pero hindi mo nakikita. Mahirap lumaban kung pati ang sarili mo ay tinataksil ka, lalong mahirap umusad dahil pati ang mga tao sa paligid mo ay binibitawan ka.
"Sabi ko naman kasi sa'yo na dito ka na lang sa atin mag-aral para maalagaan kita." ngumiti ako kahit alam kong hindi niya ito makikita. Kahit anong sakit ang naidulot sa'yo ng taong mahal mo, mabilis mo rin makakalimutan at mapapatawad kasi hindi mo sila matiis. She hurts me, but the love I have for her is bigger than my anger. Siya na lang ang meron ako sa buhay, kaya masakit sa 'kin na lumayo. Masakit sa akin na hindi ko siya nakikita, at nakakausap araw-araw. Siya ang dahilan kung bakit ako patuloy na lumalaban.
"M-masaya naman po ako sa eskwelahan na pinapasukan ko, Mommy..."
"Mabuti naman kung gano'n... Huwag kang magpapagutom, anak. Kumain ka sa tamang oras. Huwag mo masyadong papagurin ang sarili mo, mabilis ka pa namang magkasakit wala ako d'yan para alagaan ka." Hindi ko alam kung bakit biglang nanubig ang aking mga mata. Alam na alam ni Mommy ang mga tamang salita para palabasin ang aking mga luha at kung paano ako sasaya. Katulad nang alam niya rin kung paano ako saktan.
![](https://img.wattpad.com/cover/266287556-288-k7707.jpg)
YOU ARE READING
Between The Lines (Completed)
General Fiction"Between the lines on my wrist, I found hope. Between the line where the sun sets, I saw him. I found my home in his persona." -Her "She's indeed a great poem but I failed to read between the lines." -Him