Noong una ay takot akong isulat ito dahil nangangamba ako sa maaaring kritisismo na makukuha ko sa mga taong magbabasa nito. Sa kabilang banda, naglakas ako ng loob dahil ito ang nais kong isulat.
Madalas kung sino pa ang tingin natin na palaging masaya at parang walang problema, sila pa ang nakakaranas ng depresyon. Madalas kung sino pa ang 'center of attraction', siya pa ang madalas na makaranas ng pag-iisa. Dahil kung sino pa 'yung taong mahilig magpasaya sa atin ay siya rin pala 'yung taong nalulungkot sa gabi. Taong kinukwesyon ang halaga.
Wala tayong karapatan para i-invalidate ang feelings ng ibang tao, dahil hindi natin ito nararanasan. At wala tayong karapatan na maliitin ang nararamdaman nila dahil tingin lang natin na mas malala ang naranasan natin. We should respect every person's emotions. Mas mabuting huwag na lang tayong magsalita sa kanila kung hindi natin naiintindihan ang sitwasyon.
Iparamdam niyo sa mahal niyo sa buhay na hindi sila nag-iisa. Comfort is not just about sharing motivational quotes and words of encouragement, it is also about learning how to listen. Sapat na sa iba na malaman nilang may nakikinig sa kanila. Sapat nang malaman nilang may nakakaintindi sa kanila.
This is a reminder for all of us that depression is not a joke. Sana maging bukas ang ating isipan sa ganitong talakayin. Kung gaano natin pinapahalagahan ang ating physical health sana gano'n din tayo sa ating mental health.
Aaminin kong wala akong sapat na kaalaman pagdating sa ganitong usapin ngunit sana nabigyan ko ng hustisya ang karakter ni Calli.
Salamat sa inyong pagbabasa!
-trixmpv
YOU ARE READING
Between The Lines (Completed)
Художественная проза"Between the lines on my wrist, I found hope. Between the line where the sun sets, I saw him. I found my home in his persona." -Her "She's indeed a great poem but I failed to read between the lines." -Him