VII

9 0 0
                                        

We only tend to appreciate the people around us when they were now part of our memories. Gusto nating balikan ang mga alaala dahil gusto ulit nating maramdaman ang emosyon-- ang saya, kilig, at kagalakan ng ating mga puso. Gusto natin maramdam ulit kung paano magliparan ang mga paru-paro sa ating sikmura,  katulad sa kung paano mag-init ang ating mga pisngi, at katulad kung paano tayo halos maluha dahil sa kakatawa. Mga alaalang nagbigay galak sa atin: mga simpleng pagkikita, simpleng bonding, at simpleng pag-uusap kasama ang mga mahahalagang tao sa buhay natin. We want to feel again the thrill and excitement.  Madalas nating gunitain ang mga masasayang alaala o ang mga positibong emosyon dahil sino ba namang tao ang gustong balikan ang alaalang nagpaluha sa kanila?

Ang mga alaalang nagwasak ng ating mga puso ay ang mga alaalang gusto nating kalimutan. Gusto natin makalimutan kung paano tayo binalot ng kalungkutan, at kung paano tayo magmakaawa sa ating minamahal para manatili ngunit sa huli ay naiwan pa rin tayong luhaan, iniwan nang hindi inaasahan. Pilit natin winawaksi ang mga alaalang nagpalimot sa atin kung paano mabuhay, kung paano nadurog at nagkapira-piraso ang sarili. Kung paano nawala sa kawalan, kung paano naramdaman ang matinding pag-iisa at pagkalunod, at kung paano tayo nagpakalunod sa ating mga luha. Lahat ng mga alaalang nakasakit sa atin ay parang isang bangungot na gusto nating takbuhan at kalimutan.

Sa kabilang banda, may mga alaala tayong gusto nating baguhin. Kung bibigyan tayo ng pagkakataon na baguhin natin ang nakaraan tiyak iyon ang mga alaalang nakagawa tayo ng pagkakamali sa ibang tao at sa ating sarili na naging sanhi ng ating pagtangis at pagdudusa. Naging sanhi nang ating galit, pagdududa, at pagkawala ng tiwala. Mga alaalang nais nating burahin at palitan ng panibago ay ang mga alaalang hinayaan natin ang mga mahal natin sa buhay na umalis kahit may pagkakataon tayo na pigilan sila. Na hinayaan natin silang mag-isa kahit may oras tayong samahan sila. Hinayaan natin silang masugatan kahit hindi natin intensyon na saktan sila. Hinayaan natin ang sariling makulong sa galit kahit may kakayahan tayong magpatawad. 

At kung bibigyan ako ng pagkakataon balikan ang aking nakaraan, gagawin ko ang lahat para manatili si Daddy. Kung kaya ko lang ibalik ang lahat, hindi ako aalis sa tabi niya hanggang makita kong okay siya. Kung maibabalik ko lang ang oras, gagawin ko ang lahat malaman ko lang ang bumabagabag sa kanyang isip at kung ano ang nararamdaman niya. Gagawin ko ang lahat hanggang sabihin niya sa akin lahat. 

Please, give me a chance to take back the time...



"Good morning, Daddy!" bati ko nang makita ang pinakamamahal kong lalaki sa aking buhay. Ang sarap gumising sa umaga lalo na't may pamilyang nag-aantay sa 'yo. Pamilyang pinuno ka nang pagmamahal.

"Good morning sa pinakamaganda kong, anak!"  I hugged him and he hugged me back, tightly.

"Ako lang naman kasi ang anak mo, Dad." I pouted. Tumawa lang si Daddy sa naging reaksyon ko.

"That's why you are the prettiest, Sweetie. And you look good with your uniform." I blushed. Palagi niya akong pinupuri kahit na palagi niya naman akong nakikitang nakasuot ng school uniform. Palaging pinapaalala sa akin ni Daddy na maganda ako, katulad kung paano niya sa akin ipinapaalalang huwag akong mahiyang ipakita ang aking emosyon. Mas mabuti raw na nilalabas mo ito kaysa kinikimkim, dahil darating daw ang panahon na mapupuno ka at bigla ka na lang sasabog. Sa panahong iyon ay hindi mo na kayang kontrolin ang emosyong nararamdaman mo.

"Where's Mommy po?" Tanong ko nang walang kahit anong bakas ni Mommy sa aming dining table.

"Maaga siyang umalis dahil may meeting sila." Tumayo si Daddy at pinaghila ako ng upuan. Humigop ako sa gatas na itinimpla niya sa akin. Kahit busy siya sa trabaho ay hindi niya ako nakakalimutang itimpla ng gatas sa umaga at dalhan sa gabi bago matulog. Hindi nakukumpleto ang araw ko pagwala akong goodnight kiss kay Daddy.

Between The Lines (Completed)Where stories live. Discover now