IX

9 0 0
                                    

Unang araw ko rito sa La Union at hindi ko inaasahang may malapit na dagat kung na saan ang apartment ko. Nakatulog ako kaninang umaga ngunit nagising nang mapanaginipan ang aking nakaraang pilit kong kinakalimutan.

Naglakad ako sa lugar kahit hindi kabisado ang daan, hanggang sa makapunta ako rito, dumiretso lang ako sa dulo para wala masyadong makakita. Hindi ko kailangan ng mga tao sa tabi ko kung huhusgahan din naman ako. Nanginginig ang aking katawan habang patuloy ang aking pag-iyak. Akala ko pag nakalayo na ako sa kanila ay makakalaya na rin ako pero nagkamali ako. Mas lalo lang ata akong nakulong sa nakaraan. At kahit anong takbo ko ay pilit akong hahabulin.

Sumigaw ako hanggang sa sumakit ang aking lalamunan. Sa panghihina ay napaupo ako sa buhangin, patuloy pa rin sa panginginig ang aking katawan.

"I hate you!" Dumampot ako ng buhangin at buong lakas na itinapon sa dagat. Nagbabakasaling sa paraan na iyon mababawasan ang sakit at bigat na nararamdaman ko.

"I despise you, you're a monster! You made my life miserable!" Hayop ka, wala kang kwentang tao! Bakit mo sinira ang buhay ko? Wala naman akong ginagawa sa 'yong masama pero bakit mo ako ginanito? Ngayon, hinihiling ko na sana makalimutan ko lahat ng sakit. Mabura lahat ng pait.

"Sana pinatay mo na lang ako... kasi ayoko na..." Pagod na ako, araw-araw akong dinadalaw ng aking nakaraan. Ayoko nang mabuhay kung puro sakit lang naman ang mararamdaman ko. Sinira nang lalaking 'yon ang buhay ko. Pinaglaruan niya ako., habang 'yung Mommy ko hindi man lang naniniwala sa akin. Ako 'yung anak, pero mas pinili niya 'yung lalaking kailan niya lang nakilala.

"I hate you but I love you... Mom..." Why did you do this to me? The day I lost Daddy, is the same day that I lost you, Mom. I knew and I felt it. You were drifting away from me. Did I do something wrong, Mom? You should've told me, I would've been a good girl. 

However, no matter how I'm in pain right now, I will always choose to took care of you and made you happy because that was Daddy's wish. Kaya nandito ako malayo sa inyo. Did I grant Daddy's wish mom? I hope I did. Kahit nakakadurog basta masaya ka.

Your second husband molested me. He raped me twice. I feel disgusted. It shattered me into pieces when you choose to believe that man than me. You think that I am lying, but I can't do that. Not to you. 

Ang kaninang nagngangalit na emosyon ay unti-unting humuhupa ngunit ang bigat ay nananatili sa aking dibdib.

Pero, bago ako umalis ng Manila napag-alaman kong buntis ako. The man who raped me is the father of this child inside my womb, and I cannot accept that truth. That's why I aborted my child. Wala kong pag-aalinlangang pinatay ang anak ko.

"Sorry anak kung kailangan kitang ipalaglag..." bulong ko, habang hinimas ko ang aking tiyan. Kung tingin mo sa akin ay masamang ina, tatanggapin ko. Hindi ko lang kakayanin na pati ikaw ay madamay sa paghihirap ko. Mas gugustuhin kong akuin lahat ng sakit.

Papalubog na naman ang araw, yayakapin na naman ako ng kadiliman. Bukas ay ang panibagong araw na naman para magdusa sa buhay na meron ako. Anong kinaganda ng papalubog na araw kung ipapaalala lang sa'yo nito na pahahabain lang ang pagdudusa mo.

***

Ilang araw pa ang lumipas, wala pang eksaktong petsa kung kailan makakauwi si Elias. Habang nagdidilig ako ng halaman ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Mommy.

"Nakakulong ang Tito Sean mo, nahuli raw sa drug raid!" Good for him. Simula pa lang 'yan ng mga balang diretsong itatama ko sa kanya.

"Pupuntahan ko, nagpapatulong siya, Anak..."

"Sasamahan ko po kayo."

"Sigurado ka ba?"

Mabilis akong bumiyahe papuntang Manila. Kinagabihan ay diretso kaming pumunta ni Mommy sa presinto. Ang sabi ay nahuli sila sa aktong tumitira ng droga kasama ang iba niyang kasamahang pulis na may mataas ding katungkulan.

Between The Lines (Completed)Where stories live. Discover now