♕ ♕ ♕
Sa isang tahimik na silid kung saan kitang-kita ang malaking bilog na buwan na nagbibigay ng liwanag sa buong kaharian ay hindi inaasahan ni Kiera na rito rin pala siya babawian ng buhay.
Sa lugar na 'to, sa oras na 'to kung saan ramdam na ramdam ni Kiera ang pagbaon ng mahahaba at itim na kuko ng bampirang si Viggo sa kaniyang dibdib.
Mabilis nitong na dukot ang kaniyang puso at bumagsak ang kaniyang katawan sa malamig na sahig, isang idlap lang ay nakuha na ng bampira ang kaniyang buhay.
Habang unti-unting siyang nawawalan ng malay ay kitang-kita niya naman kung pano patuloy na tumitibok ang kaniyang puso sa palad ng bampirang si Viggo.
Iniisip niya na sa ganitong paraan na lang ba siya mamamatay?
Pano na ang mga pangarap niya sa buhay?
Ni hindi niya pa na paghihiganti ang kaniyang ina sa panglalason na ginagawa ng kaniyang kapatid sa ama o kahit makuha man lang ang tiwala ng kaniyang ama.
Hindi niya pa nakakamit ang mga bagay na gusto niya o na tatanggap ang pagmamahal na inaasam niya.
Sa malamig na lugar na lang ba na ito siya tuluyang mawawalan ng hininga?
Siya, si Kiera Deidamia Cicero Romulus, anak ng pinakamakapangyarihang Duke sa Lumire Empire ay mapapatay sa kamay ng isang halimaw at walang apilyidong alipin?
Kahit sa kaniyang mga huling hininga ay puro paghihiganti pa rin ang iniisip niya, paghihiganti kung bakit ganito ang tinamo niyang buhay at kung bakit hindi siya naging kasing swerte ng kaibigan niyang si Diana.
Si Diana Athena na halos na sa kaniya na ang lahat, natatanging kagandahan, kayamanan, kapangyarihan at higit sa lahat ay pag-ibig ng karamihan.
Hindi katulad niya na isang babae na hindi man lang pinahalagahan kahit ng kaniyang sariling pamilya. Isang babaeng kinaiinisan ng marami at isang babaeng hindi kayang mahalin ng lalaking kaniyang hinahangaan.
Kung ang kaibigan niyang si Diana ay pinagpala sa lahat, siya naman ay pinagkaitan ng lahat.
Muli siyang napatingin sa babaeng itinuring niyang kaibigan noon at karibal ngayon.
Umiiyak si Diana habang takip ang kaniyang bibig at hindi makapaniwala na ang matagal niya ng kaibigan ay tatangkain siyang saktan na nagdulot dito ng kaniyang kawakasan.
Tumingin nang masama si Kiera kay Diana at iniisip na kung hindi lang sana naging prinsesa ito ay patuloy pa rin silang magiging magkaibigan, kung hindi lang sana siya nito iniwan nang miserable at mag-isa ay hindi niya siguro pagtatangkaan ang buhay nito at patuloy na pagtitiwalaan.
Pero na wala ang kaniyang kaisa-isa kaibigan, pinili pa nito mahalin ang bampirang na kaniyang alipin kesa sa pagkakaibigan nilang dalawa.
"I-i-sinusumpa k-ko, ba-balikan ko ka-kayong da-dalawa at pagbabayaran ni-niyo ang lahat ng 'to," mga huling niyang salita bago siya tuluyang mawalan ng hininga.
CHAPTER 1
AN: Hello guys! This story is written RAW as in walang edit or anything. Translated 'to in English kaya kung may mga English words kayong makita na hindi angkop sa pagsasalita o sa kung pano ito sinulat sa malalim na tagalog ay pagpasensyahan niyo na.
(Para kasi 'yun sa editor ko at translator ng story na 'to.)
Iyon lang! Sana ma-enjoy niyo pa rin 'to, ilalagay ko ito sa account ko for FREE pero kung gusto niyo basahin in English, nakapost lang 'to sa Dreame account ko.
E N J O Y !
This is a work of fiction. Names, places, characters, and events are fictitious unless otherwise stated. Any resemblance to a real person or actual event is purely coincidental.
©All rights reserved 2023
No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or means without the author's written permission.I don't own any of the pictures used in this book, copyright to the rightful owner.
♡ ✧*。
Let's connect on my Social Media Accounts:
FB: Marceline Writes
Dreame: Finnlovevenn
Goodnovel & other reading platforms: Amaryllis Ravenn
Email: ravennwrites@gmail.comA T E V E N N
Date Started posted on Wattpad: Nov 26, 2023
Date Finished: Feb 09, 2024Date Written: Jun 10, 2021
BINABASA MO ANG
Blood Contract with her Royal Villainess
VampirosEMPIRE SERIES 2 Cana Annalis Smith- isang achelogist student at mahilig magbasa ng kasaysayan ng kanilang bansa at ng dati nitong emperyo. Nahumaling siya sa isang libro itim na nagsasaad ng kakaibang kwento na hindi niya pa nababasa sa kahit ano ma...