CHAPTER 16

3.2K 53 1
                                    

WARNING:
If you're sensitive about the topic of harassment, skip this chapter. Although, they talk about it because of justice they want to get.



"Long time no see, sweetheart,"

Nakakapanindig-balahibo niyang bati nang masulyapan ako. Napatigagal nalamang ako at muling bumalik sa ala-ala ang lahat ng nangyari noong bata pa ako na ilang beses kong pinilit na kalimutan.

Because he's so powerful, I didn't have a chance to put him in jail. Simula noong naghiwalay sila ni Mama ay sumama siya sa ibang babae na mataas ang antas kaya siya umangat.

"Do you miss me?" Ngisi niya pa at ambang yayakapin ako ngunit agad akong umatras.

"Celestine? May problema ba dito?" Boses ni Clark ang dahilan upang makahinga ako ng maluwag

"C-Clark... U-Uwi na t-tayo..," Yaya ko.

Agad siyang tumango habang may pagtataka sa mga mata. Hindi na ako nag-abala na linawin ang mga katanungan niya at agad na hinila siya paalis sa lugar na iyon.

Hindi na ako lumingon pa dahil nararamdaman ko na ang luhang nagbabadyang umagos. All this time, I fucking did everything I knew just to forget about him pero sa isang beses naming pagkikita ay muling bumalik ang pandidiri at pagkasuklam sa kanya.

He did harassed me. The man I thought would protect me ended up ruining me. Everything has been ryined. I thought I was a princess, but now I'm a villain. Villain that will make his life miserable.

"Celestine... Kanina ka pa nakatulala,"

Boses ni Clark ang dahilan upang bumalik ako sa wisyo. Hinawakan niya ang kamay ko habang ang kabilang kamay ay nasa manibela ay nagmamaneho.

"Do you know that man?" Tanong niya.

"N-no...," Tanggi ko kahit gustong-gusto kong magsumbong.

Hindi ko akalain na hanggang ngayon ay takot parin ako sa mga banta niya. Nag-iwan ng tatak sa puso ko ang bawat salita niya. Pakiramdam ko ay hanggang ngayon ay kaya niya parin akong saktan.



Ang sigawan ng magulang ko ang gumising sa akin. Naririnig ko ang pagmumura ng Papa ko at sinundan iyon ng isang malakas na lagapak. Ngayon ko lang sila narinig na mag-away ng ganito.

Masaya ang pamilya namin. Wala nang hahanapin pa dahil halos perpekto na ang aming pamilya.

"Putangina naman Sally! Akin na iyong pera! Puta ka na nga, Magnanakaw ka pa!" Umalulong ang galit na sigaw ni itay sa buong bahay.

"H-hindi ko kinuha! M-maniwala ka sa akin!" Napaluhod ang inay ko sa sahig habang lumuluhang nagmamakaawa.

Hindi ko nakayanan ang nakikita kaya agad akong lumapit at nilapitan ang Mama ko. Sa murang edad ay gusto kong magalit sa Papa ko dahil sa pananakit niya sa Mama ko pero hindi ko magawa dahil naniniwala akonh mahal pa nila ang isa't isa.

"Hindi mo ba talaga ibabalik?!" Sigaw ng tatay ko at bigla nalamang lumingon sa akin. "Pwede na itong anak natin. Pambayad mo sa perang kinuha mo!"

"D-Dante! Anak mo siya!" Pilit na iwinawaksi ni Mama ang kamay ni Papa na pilit akong kinukuha.

Sa totoo lang ay natatakot na ako.

Enter Me, Engineer ✅Where stories live. Discover now