CHAPTER 21

2.7K 45 1
                                    

Tulala ako kahit nang pumasok ako sa klase. Hindi ko pa rin maproseso sa isip ko na may nangyari na pa lang ganoon sa kumpanya ni Kuenzier habang nagpapakasaya kaming dalawang magkasama.

"T-tine..." Ani Vergeire at hinawakan ang kamay ko.

Nilingon ko siya at nakita ang pag-aalala sa mga mata niya.

"Did you saw the news?" Tanong niya maya-maya na inilingan ko lang.

Masyadong maraming umaabala sa isipan ko para manood pa ng balita. 'Ni hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin o kung pwede ba akong makatulong.

"Kinasuhan ang FEC dahil sa nangyari sa Makati," Saad niya na nagpatigagal sa akin.

Nanghina ang buong katawan ko dahil sa narinig. Salo-salo ang nararamdaman ko ngayon dahil sa problemang kinakaharap nina Kuenzier.

Hindi ko alam kung sino ang dapat masisi, ako o sila?

Tumayo ako at agad sinalikop ang gamit ko. Tinawag pa ako ni Vergeire ngunit hindi ko na siya nagawang lingunin dahil gusto ko lang makapunta sa kay Kuenzier.

Sumakay ako ng kotse ko at mabilis na pinatakbo iyon. Habang nagmamaneho ay hindi ko maiwasan na mapaisip kung paano na ang lahat nang pinaghirapan ni Kuenzier?

Sa dami nang iniisip ay himala na nakahinto ako sa tapat ng kumpanya niya ng ligtas at buhay.

Agad akong bumaba at pumasok sa loob. Bumati pa ang guwardiya pero tinanguan ko lang ito at tuloy-tuloy na tumungo sa elevator. Agad kong pinindot ang floor kung saan ang opisina niya.

Marami ang nagkukwentuhan sa loob ng elevator pero isa lang ang nakapukaw ng atensyon ko.

"Si sir Kuenzier, ipapakasal daw ng mommy niya sa kasosyo sa negosyo. Lalo na ngayong bumabagsak na ang kumpanya na 'to at ipapakulong pa daw siya," dinig kong sabi ng isang babae.

"'Di na may girlfriend si sir?"

"Laro-laro lang daw. Sinabi ng nanay ni sir," sagot ng babae.

Sumikip ang dibdib ko at mabuti na lang ay bumukas na ang elevator at nagsi-alisan na sila. Napasandal ako sa pader at ibinuhos ng luha ko.

Kung ako ang tatanungin? Hahayaan ko siyang makasal sa iba. It's for his sake. Maganda nga iyon para hindi na siya mahirapan pa.

Walang sumalubong sa akin sa labas ng opisina niya. Wala si Sav. Dumiretso ako papasok sa opisina niya at nadatnan siya na nakatingin sa glasswall at may kausap sa telepono.

"Mom! Sabi ng hindi ako papayag! I don't love her, I love Celestine..." Hinang-hina ang boses niya na animo'y pagod na pagod na kakapilit sa ina.

Narinig ko ang marahas niyang pagsinghap bago kumuyom ang kamao. "Tapos ang usapan! Hindi ako pakakasal kaninoman!"

Humarap siya sa direksyon ko at nanlaki ang mga mata nang magtama ang mata namin. He's hesitating at first but he started walking towards me.

"T-tine..." he whispered before hugging me. Narinig ko ang munting hikbi niya habang yakap ako. "Tine, nakakapagod na. Tine, ayoko na.."

I hugged him back as I cried onto his shoulder. We let our hearts cry as we hugged each other.


"I want to escape from this.. I badly want to be with you pero 'di ba kasi sabi mo, harapin ko 'to? Kaya sinunod ko.." Hikbi niya at kumawala sa yakap ko.

Enter Me, Engineer ✅Where stories live. Discover now