CHAPTER 17

3.3K 58 0
                                    

"I love you!"

Hinatid ako ni Kuenzier sa backstage. Simula na nang pageant at kahit ayaw niya ay pumayag siya at hinayaan ako.

"Boyfriend mo na si Zier 'no?" Kinikilig na bulong sa akin ni Vergeire na tinawanan at tinanguan ko lang.

Siguro ay ang ilan ay alam na dahil madalas ay magkasama kami ni Kuenzier sa cafeteria tuwing break. I'm not sure if it's against the rules, but he's just a substitute teacher, right?

"Si Julianne, ayun! Hindi pumunta dahil baka mapahiya daw ang section natin kapag ikaw ang nag-represent!" Tawa ni Vergeire habang pinapaupo ako sa stool kasama ng ibang representative.

Ang mga kaklase ko na nag-volunteer na aayusan ako ay nasa tabi ko na at hinahanda ang mga gamit.

Nang sabihin na pwede nang magsimula ay agad nila akong pinaharap sa salamin at sinimulang lagyan ng kolorete at sinimulang i-kulot ang buhok ko.

"Alam mo, Ang ganda mo kahit hindi ayusan pero tingin ko ay gaganda ka kapag inayusan. Si sir Kuenzier? Lalong maiinlove sa'yo!" Tawa ni Chie na siyang nagboluntaryo na makeup-an ako.

"Huli ka na sa balita! Inlove na sa akin iyon!" Tumawa ako habang naatingin sa repleksyon ko sa salamin.

"Pikit ka muna," Aniya at sinunod ko naman.

Habang nakapikit ay bumalik sa memorya ko kung paano namin kinuwento sa isa't isa ni Kuenzier ang napagdaanan namin at kung paano namin inalo ang isa't isa.

Sa lahat ng tao ay siya lang ang naniwala sa akin at minamahal parinako matapos malaman ang nakaraan ko.

"Tapos na! Ang ganda mo na!" Tumili si Chie at nakipag-appear pa kay Vergeire.

Nilingon ko ang repleksyon ko sa salamin at namangha din ako sa ginawa niyang ayos. Hindi masyadong makapal at tama lang ang kulay na ginamit sa kulay ng balat ko.

"Picture dali! Baka mamaya, famous ka na!" Tumawa kaming lahat sa sinabing iyon ni Vergeire.

Kumuha kami ng ilang litrato habang hinhintay na pumunta ang event organizer at nang dumating ay pumila na kami. Talent portion daw muna ang una kaya random ang suot naming damit.

Napagdesisyunan ko nalang na magpinta sa harapan nila dahil iyon lang ang masasabi kong talento ko. Kaya kong sumayaw pero hindi ko masyadong gamay. Kinakabahan man ay ngumiti ako kay nila Vergeire.

"Kaya mo 'yan!" Sigaw ni Chie na ikinangiti ko.

Pang-apat ako sa huli sa pila kaya alam kong kaya ko pang labanan ang kaba ko dahil marami pa ang mauuna. Ang iba ay naka-costume pa at ang iba ay grabe ang effort para lang sa performance.

Ang una hanggang ika-lima ay sumayaw. Masasabi kong magagaling sila dahil halos sabay-sabay ang galaw nila sa saliw ng musika. Ang ikaanim hanggang ikawalo ay kumanta.

"Let's welcome our 9th candidate, Ms. Celestine Figueroa!"

Pagkalabas ko palang ng backstage ay halos mabingi ako dahil sa pagsigaw ng pangalan ko mula sa mga estudyante. I waved before settling into a chair in front of a blank canvas.

I haven't been in front of a blank page in a long time.

I get the brush I need before dipping it in the paint and stroking it slowly. My time is limited, so I hasten my movements while ensuring that they do not cause a snarl.

Tahimik ang lahat habang nagpipinta ako sanhi upang kabahan at mapapikit ako.

I've lost hope since the day I lost my freedom. That was the point at which I became dissatisfied with myself. I had lost everything. My mother did not pay attention to me. I know she loves me, but she's afraid. She's afraid of what Faradante can do to her.

Enter Me, Engineer ✅Where stories live. Discover now