CHAPTER 31

3K 55 6
                                    

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko habang nakamasid sa kanya na nakaluhod pa rin sa harapan ko.

He's not married anymore. I should be happy, right? But I just can't. Gaya ng sinabi niya, komplikado pa rin ang lahat.

"A-accept me, again, C-Celestine.. I will give you the world.... or rather everything!" he pleaded again.

"T-tumayo ka nga muna d'yan!" saway ko sa kanya dahil dumadami na talaga ang nakikiososyo sa paligid namin.

"Di ba si Celestine Figueroa 'yan? 'yung painter? Tapos si Mr. Adecer 'yung lalaki? An'yare? Kabit ba siya?" dinig kong bulong ng isang nurse.

"Hindi ko rin alam. Mukha nga pero bakit si Kuenzier ang nagmamakaawa?" bulong pa ng isa.

I stiffened. Fuck, he's famous! I'm sure of it! Pinilit kong patayuin siya dahil baka bukas ay headline na kami sa news.

"We'll talk privately! Maraming tao!" irita kong saway sa kanya.

Luminga-linga siya sa paligid at bahagyang napatungo. Tumayo naman siya at hinawakan ang kamay ko. He smiled at me before pulling me inside my son's room. Nagulat pa si Reiz sa biglaang pagpasok namin.

"Mama, did he cry?" tanong niya sabay turo kay Kuenzier na nagpupunas ng pisngi.

"N-Naghilamos lang siya, 'nak," I said.

Hinatak muli ako ni Kuenzier sa bandang sofa at pinaupo. Umupo siya sa tabi ko at muling pinagsalikop ang kamay namin.

Silence filled the room. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin o ipaliwanag sa kan'ya.

"I missed you.." rinig kong bulong niya.

Pakiramdam ko ay tumigil ang paghinga ko dahil sa sinabi niya. It took me a few seconds before I looked at him. Nakatingin lang siya sa akin habang may bahid ng luha ang mga mata.

"I spend every year, thinking what happen about you. Kung maayos ka lang ba? Kung kumakain ka ba sa tamang oras? Kung sinunod mo ang sinabi ko bago ako lumayo sa'yo.. d-dahil naisip ko na baka wala kang kasama mag-alaga sa sarili mo.." he paused for a second when he wiped his tears away. "Gusto kong hanapin ka. Gabi-gabi akong nagdadasal na sana, kung tayo, ibigay ka Niya ulit sa akin. You don't know how much I begged just to get you back in my arms again. Sabi ko na kapag pwede na, pwede pa. Na kapag nagkita ulit tayo, ako pa rin dahil ikaw pa rin.."

I was just looking at him, dumbfounded. Hindi ko alam na ganoon ang nasa isip niya habang magkalayo kami. All I want is to hug him so I did.

Lumapit ako sa kanya at ipinalibot ang braso sa bewang niya. He hugged me back and I heard his sobs. I don't want to cry again but I did. My tears streamed down.

"Ikaw pa rin.... Ikaw lang..." bulong niya na lalong nagpaluha sa akin.

What did I do to deserve this man?

"I love you. I love you so much," he said. "You're the most beautiful happen to my life, Celestine. I don't want to live again without seeing you."

Bumitaw ako nang yakap at hinawakan ang kamay niya. Tumayo ako at pinatayo rin siya. We walk towards Reiz who's now eyeing us, confuse. Huminto lang kami sa tabihan niya.

"Kuenzier, this is Reiz..." I trailed off. Hinawakan ko ang kamay ng anak ko. Anak namin. "Reiz, this is your father.. Kuenzier.."

"T-Tine.." dinig ko ang kaba sa boses ni Kuenzier nang marinig ang sinabi ko.

Ngumiti ako sa kanya at pinahawak ang kamay ni Reiz sa kanya. Nakikita ko ang saya sa mata ni Reiz habang nakatingin sa ama niya na ngayon ay lumuluha.

Enter Me, Engineer ✅Where stories live. Discover now