CHAPTER 29

2.7K 63 16
                                    

Kuenzier Adecer
[Confirm]               [Delete]



Kuenzier:

What's that? Hmm?


Kuenzier:

Accept my friend request, Celestine.


Kuenzier:

Why don't you reply? Bakit seen lagi?



Nakatulala ako habang paulit-ulit na binabasa ang chat ni Kuenzier sa akin. Dahil kay Vergeire talaga 'to! Hindi ko alam kung ano ang irereply ko o kung magrereply pa ba ako.


Sabihin ko wrong send? Gaga! Paano mawro-wrong send kung hindi mo siya friend? Sabihin ko na si Vergeire ang nagchat? Kahit totoo, parang defensive!


"What will I do?" Bulong ko sa sarili. Inis ko isinubsob ang ulo sa unan ko habang nag-iisip nang gagawin.


Tumunog muli ang messenger tone ko at nang silipin ko ay si Kuenzier ulit ang nagchat.


Kuenzier:

Hey, Celestine? Reply ka naman. Look, I'm sad na, oh. 😔😔😔😔


"What the—?" I hissed, but then laughed. I thought he grew up? Bakit ganiyan pa rin ang typings?


I was about to type my response when Art walked into my room.


"Tine! Si Reiz, inatake na naman ng hika!"


Agad akong napatayo at patakbong sumunod sa kanya. Nakita ko pa si Manang na natatarantang buhat buhat si Reiz.


"Manang! Ako na po d'yan!" Sigaw ko at agad na binuhat si Reiz at tumakbo patungong sasakyan ni Art.


"Art! Bilisan mo!" Sigaw ko habang hawak hawak ang kamay ni Reiz. Dahil sa kaba ay naluluha ako habang tahimik na nagdadasal.


God, I've sinned, but please guide my son.


Nang huminto ang kotse sa hospital ay agad kong inilabas ang anak ko at tarantang sumigaw. Hindi ko na alam ang gagawin ko habang pinagmamasdan ang anak ko na bakas sa mukha ang sakit.


"P-please... Save my son.." I begged when the nurse placed my son on the stretcher.


Natulala ako nang mawala sila sa paningin ko. Si Art ay patuloy na inaalo ako. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. What if something bad happens to my son? I don't know what to do anymore! Ayoko na pati siya ay mawala sa akin.


"He's a brave kid." Art abruptly mumbled. Napatingin ako sa kanya at nadatnan na nakatingin siya sa akin. "Isang beses, sinabi niya sa akin na ayos lang kahit hindi niya kilala ang Papa niya dahil mahal na mahal mo raw siya at ayos lang na ikaw lang ang pamilya niya. Hindi niya hinanap ang Papa niya dahil ayaw ka niyang mastress. He's a good kid. He always prays for your strength. para makasama ka niya nang matagal."



Umagos lalo ang luha ko habang nakikinig sa kwento ni Art. Ngumiti siya sa akin at pinunasan ang luha ko.


"Gusto ka niyang makasama pa kaya alam kong kakayanin niya 'yan." He smiled before hugging me.


Gumaan ang pakiramdam ko tuwing maiisip na lalaban siya para sa akin. Kahit ano na ang mawala, h'wag lang ang anak ko.


"Ms. Figueroa?"


When I heard the Doctor call my name, I immediately stood up.


"Your son is in good health right now. Masyado lang siyang napagod kaya umatake ang hika niya. You can pay him a visit, but only for a limited people."


Enter Me, Engineer ✅Where stories live. Discover now