CHAPTER 19

3.2K 54 0
                                    

"Nadiligan ka, 'no?"

Bungad ni Vergeire habang tinutusok ang pisngi ko. Inis kong winaksi ang daliri niya at umupo na lamang sa upuan ko.

"Blooming! Sana all may dilig!" Bulong pa nito bago tumabi nang upo sa akin.

"Congrats nga pala! Galing mo sa Q&A, hindi ko alam kung bakit hindi ka nanalo. May daya," Vergeire said and tsked.

Nilingon ko siya at kinunotan ng noo. "Anong may daya?"

"Yung nanalo, sponsor ng pamilya niya lahat. Sa upuan, sa confetti, sa speakers at kung ano-ano pa!" Umiling siya at nagpangalumbaba.

"Hayaan mo na! May prize naman ako galing kay Kuenzier." Humagikgik pa ako, natigil lang dahil binatukan ako ni Vergeire.

"Harot! By the way, malaki ba?" Pabulong niyang tanong at inilapit pa ang mukha sa akin.

"Malaki yung braso niya!" Tawa ko na ikinairap niya.

"Malaki ba yung bulldog? Gaano kahaba?" Tanong niya ulit.

Hindi ako nagsalita at nagkunwaring walang naririnig kahit paulit-ulit na niyang kinukurot ang braso ko at nagtatanong.

"Sabi ko na nga ba't hindi 'yan mananalo! Sino ba namang magpeperform ng painting sa talent portion?" Pagpaparinig ni Julianne habang may binabasa 'kuno' sa cellphone.

"Oh? Talaga? Ikaw nga, hindi na nga maganda, wala pang talent. Narinig nga kitang kumakanta sa banyo tapos ang boses parang inipit na yero," Banat ni Vergeire na ikinatawa naming lahat

"FYI, I'm beautiful. Kaya ko ring mag-paint! Kumanta at sumayaw," May halong inis na saad ni Julianne.

"Lahat naman ng tao kayang kumanta, sumayaw o magpinta, pero hindi lahat ay maganda ang kakalabasan," Ani Vergeire.

"You-!" Inis na hinatak ni Julianne ang bag bago walang lingon na lumabas ng room.

Napuno nang tawanan ang buong room dahil sa pagkapikon ni Julianne.

"Akala mo naman maganda. Mukha namang pwet ng kabayo." Umiling pa si Vergeire.

Dumating ang guro namin at hindi na nga muling bumalik si Julianne. Marahil napikon talaga.

"Ms. Figueroa, congratulations! I am impressed by your fortitude!" Bungad agad niya.

Nagpasalamat ako at bahagyang ngumiti. Hindi ako sanay na nabibigyan nang atensyon ng mga guro dahil noon pa man ay wala na silang pakielam sa akin. Sino ba naman ang matutuwa kung pana'y tulog o ditch ang estudyante mo?

Nagtuloy-tuloy lang ang buong araw. Wala na sa unibersidad si Kuenzier dahil bumalik na ang tunay na guro namin. Marami akong naririnig na nakaka-miss sa kanya at karamihan doon ay babae.

He had already become well-known in our school in a short period of time.

"Night-out tayo mamaya! Sama natin si Jazz at si Clark! Tapos mare, nakikita ko si Cyan, parang hinahanap ka niya."

Aagd akong napalingon kay Vergeire. Andami niyang nalalaman sa paligid habang ako ay nangangapa pa.

"Huwag mo kausapin si Cyan! Minanyak ako noon." Umiling ako bago hinanap ang susi ng kotse ko sa bag. "Paalam muna ako kay Zier."

"Asus! Basta may jowa, kailangan ng consent? Sama mo na din!" Tinapik-tapik niya ang braso ko bago ngumiti. "Sige na! Adios!"

Tumango ako at kinawayan siya bago sumakay sa loob ng kotse ko. Totoo nga ang sinabi nila na may mga manliligaw dahil halos matambakan ako kanina ng bulaklak. Ibinigay ko nalang sa iba dahil tinatamad akong bitbitin.

Enter Me, Engineer ✅Where stories live. Discover now