Rian pov
So ayun na nga nagstart na kaming magluto....Actually nagtataka nga ako ehh bakit kaya hindi nalang sila mag catering ehh mayaman naman sila...
"Ang lalim nang iniisip natin ahh?Si Mj ba yan?"takang tanong ni Ethan....Ethan nalang daw itawag ko sa kanya sabi niya
"Hindi iniisip ko lang bakit kelangan kayo pa ang magluto pwede naman kayo mag cater diba mayaman naman kayo ehh"sambit ko na kinatawa lang niya at mukhang narinig din nila dito kaya tumawa rin sila
"Ganyan kasi dito hindi naman porket mayaman kami ehh hindi na kami pwedeng magluto"sagot naman ni Sky....Kakaibang pamilya toh
"Ohh ganun ba"
Arrianna pov
Madali lang naman palang magdrive ehh...
"Ohh diba madali lang?"tanong ni tristan
"Oo ang dali nga"sagot ko
"Tara kain na muna tayo gutom na ako"pagyaya ko sa kanya hindi pa kaya ako kumakain ng tanghalian...
"Sa bahay niyo nalang"sagot niya kaya tumango nalang ako at pinaandar na tong kotse niya ako na magdridrive....
Tristan pov
Tapos na kaya sila Sky magdecorate mukhang gutom na tong kasama ko....Tinext ko si sky
TO SKY:
Bro pauwi na kami ngayon okay na ba jan?Text ko sa kanya.....At pagkasend ko nag reply naman siya kaagad
REPLIED :Sige pwede na
Sky pov
"Pauwi na sila guys magayos na tayo dun sila mommy anjan na ba?"tanong ko sa kanila simula kasing dumating kami dito kanina hindi pa ako umaalis dito sa kusina
"Nanjan na iho"sagot ng isa sa mga kasambahay namin
"Ohh siya magsipagbihis na kayo "sambit ko
Alexa/Arrianna pov
Pagkadating namin nang bahay parang walang tao ang dilim
"Wala bang tao jan sa bahay niyo?"Tanong ni Tristan mukhang pansin din niyang walang tao
"Ewan ko sige papasok na ako thanks sa pagtuturo ahh"sambit ko at bumaba na sa kotse niya
"Samahan na muna kita gutom na ako ehh"tugon naman niya....Gutom narin pala kaya tumawa nalang ako at naglakad na papuntang front door....Pagbukas ko ng front door
"SURPRISEEEE!!!!!!!!"
Sabay sabay nilang sigaw na kinagulat ko....
"Anong meron?"takang tanong ko
"HAHAHA tara na dito sa loob umpisahan na natin yung party mo"Singit ni Rian..Party ko?Ibig sabihin wait nung nawala ba ako araw din ng birthday ko?Wow ang galing naman
"Ano?Happy ka na?"bulong na tanong sakin ni Tristan...
"Busy pala sila ahh"sagot ko na kinangisi niya..Magaling siyang umacting ahh
"Pfft..Dibale na magayos ka na nang sarili mo...Nandun na yung mga bisita ipapakilala ka na"sambit niya...Mga bisita?Sino naman kaya?Ganto pa tong damit ko tapos ipapakilala ako nang ganto?
"Dali halika na dito bes mamakeupan ka pa"tili ni Rian kaya sumunod nalang ako
After ewan kong ilang minutes natapos na akong magbihis at magmake up....Empernes ang ganda ko ngayon guyss
"Wow ang ganda mo bes tara na tayo ka na jan mag sisimula na yung party party"sambit nanaman ni Rian kaya sumunod na ako....At habang nandito palang ako sa may malaking kurtina sumilip muna ako at ang dami nang tao mga ante mukhang buong kaibigan na nila mama nandito
"Good evening ladies and gentleman tonight we're celebrating the 25th birthday of the long lost daughter of mr.and mrs.Del Buena...Let me I introduce to all of you.....Arrianna Del Buena...." simula nung ewan kung sino yung nagsasalita.....Si Tristan naman ang naging escort ko....Grabe nahihiya ako HAHAHAHA legit yung hiya ko....Umupo nalang ako sa harap yun naman yung gagawin ko ehh ...Parang nawala ang gutom ko nang nandito na ako ngayon sa harap
"Are you still hungry?"tanong ni Tristan....Empernes ang gwapo rin niya ahh
"Hindi na kinakabahan ako"sagot ko....May sinabi siya sa babaeng nagsalita kanina...Tapos nilapitan din niya sila mama
"Tara na sa loob"sambit niya at hinila yung kamay ko...San naman kami pupunta neto...Hindi ba sila magagalit?
"Uyyyyy ang daming pagkain....Iba pa pala yung nasa labas?Sino namang nagluto neto?"tanong ko habang kumukuha nang mga pagkain...
"Oyy bes di ka nananghalian noh?"tanong ni Rian...
"Hindi"sagot ko habang kumukuha nung peyboret kong caldereta...
"Halatang halata...Pero bakit hindi?"tanong naman ni kuya Sky...Ang daldal nang mga toh...
"Hayy bahala na nga muna kayo jan kakain muna ako"sagot ko at nagtawanan naman sila...
"Hinay hinay ka munang kumain lalabas ka pa mamaya 10 mins lang daw sabi nang mommy mo"sambit ni Tristan na tinugunan ko nalang ang daming alam
"May ibibigay kami sayo"sambit ni kuya Ethan...Ang ingay na nila sa labas...Siguro nakikipagusap na sila mommy sa mga bisita....Ang ganda pa nung cake ko strawberry sino naman kaya may gawa nun?
"Hey guyss sinong gumawa nung cake?Ang galing ehh"sambit ko at sumubo ulit...
"Si Tristan sana kaso wala siya kaya yung recipe nalang niya ang niluto ko"sagot ni kuya Sky...Nabulunan pa ako nung narinig ko yun...Si Tristan?Gagawa dapat nang cake para sakin?DZUHHH
"Weh?Bakit naman siya ang gagawa?"tanong ko ulit...
"Ehh gusto niya daw ehh di naman namin pinilit siya mismo ang nagprisinta kaso sinamahan ka nga niya diba?"sagot ulit ni MJ...Wow sayang naman
"Anak halika na dito ipapakilala na muna kita dito"tawag sakin dito ni mama
"Ang ganda niya Shariah"papuri nung isa
"Kaya nga ehh nagmana siya sayo"sambit din nung isa
"Ahehe thank you po...Kay mommy nga po ata ako nagmana nang gantong mukha"sagot ko din sa kanila at nagatawanan sila si mama parang nahinto naman na siya dito....May ginawa ba akong mali?
"Siya na ba si Arrianna Aiah?"tanong nang hindi ko kilala
"Oo....Anak siya si Anika mommy ni Tristan"pagpapakilala ni mama kaya tumango naman ako...Ang ganda nang mommy niya
"Ahmm hello po"sagot ko nalang medyo nahihiya ako ehh
"Mom yun po pala yung momny ni Tristan ahh"sambit ko kay mommy habang naglalakad kami dito papunta pa sa ibang bisita...
"Oo hindi mo pa pala siya nakilala"sagot din ni mom at nagpatuloy lang kami sa pakikipag kuwentuhan sa mga nandito
BINABASA MO ANG
MY BOSS STOLE MY FIRST KISS (COMPLETED)
RastgeleAn unexpected kiss that changed my life