Chapter 6.1

5.4K 79 9
                                    

Labag na labag sa loob ko ang pag sang ayon sa gusto ni daddy 

"And one more thing, dun kana ulit sa condo mo titira at ang pwede mo lang gastusin na pera ay ang magiging sahod mo sa Agguire Company"

napanganga ako sa sinabi niya

"P-pero dad-" 

"No buts! akin na lahat ng credit cards mo" sabay lahad niya ng kamay niya

nakasimangot kong kinuha ang wallet ko at mula doon ay inilabas ang lahat ng credit card na meron ako

"Hanggang kelan nga pala ako mag tatrabaho dun dad?"

"depende kung maganda ang performance mo" sabi niya

"Dad nagtataka lang ako bakit sa lahat ng company sa Agguire mo pa ako gustong pumasok?" 

ngunit imbes na sagutin ako ay nginitian lang ako ni daddy na lalong ikina inis ko kaya naman nag paalam na ako sa kanya

Matapos ang pag uusap namin ni Daddy ay agad narin akong lumabas ng library

Nakita ko si Betchay na nakatayo sa tapat ng pintuan ng library na parang may hinihintay

Nang marinig niya ang pag bukas ng pinto ay agad siyang tumingin sa akin

"Mam Lyra nasa kwarto niyo po si Mam Sam at Mam Abby"

Tinanguan ko lang siya at agad na naglakad patungo sa aking kwarto

Inaasahan ko nang susugod dito si Sam at Abby dahil sa nabalitaan nila kagabing pagsama ko kay Calvin

Pag kabukas ko ng pintuan ay awtomatikong napakunot ang noo ko, nakita ko si Sam na kinakain ang snickers kong sa pag kaka alam ko ay itinago ko sa ilalim ng kama ko dahil lagi nalang itong nakikita at kinakain ni Sam

Samantalang si Abby ay nakadapa sa kama ko at nanunuod ng tv

Wow! At home na athome ang mga loka!

"Sam! tigilan mo na nga yan! pag nakita ka ni Lyra-" sabi ni Abby ng pabulong

"Wag kang mag alala kausap pa naman siya ng Dadd-"

hindi ko na pinatapos ang pagsasalita ni Sam at akoy tumikhim

Napatingin sila sa aking dalawa ............

The Dominant BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon