Nang marating ako sa Di mahanap Restaurant ay agad kong napansin na para bang may pinag tatalunan si Sam at Abby
Hanggang sa maka upo ako ay hindi parin nila ako napapansin
"Dali na Abby palit tayo" Pamimilit ni Sam kay Abby
kasalukuyan silang nag tatalo dahil gusto ni Sam humingi ng Shake ni Abby
"Ayoko nga! Bakit kasi yan ang inorder mo? Tapos ngayon manghihingi ka sakin" nakasimangot na tugon ni Abby
"Ang damot naman neto konti lang naman e! dali na!" patuloy na pamimilit ni Sam kay Abby
Habang ako naman ay nandidiring nakatingin kay Sam
" Yuck! seryoso ka? Mango shake to Sam! tapos barakong kape yang order mo! "
hindi ko na napigilang sumingit sa pag uusap nila
"Pag bigyan mo nayan Abby hindi ka titigilan niyan "
sabay silang napalingon sakin, nagulat siguro sila dahil ngayon lang nila ako napansin
Napipilitang hinati ni Abby ang kanyang Shake at inilagay sa umuusok na kapeng barako ni Sam
Napatanga kami ng tuwang tuwang hinalo ito ni Sam at ininom agad
"Alam mo Sam kung hindi ka lang single iisipin kong buntis ka" wika ni Abby
Samantalang ako ay op sa kanilang dalawa dahil ngayon na lang ako nakasama sa kanila ulit
"Bakit naman?" Tanong ko
" Eh Kasi tong si Sam, lately nagiging weird yung taste"
Sabi ni Abby habang nakatingin kay Sam na para bang mala detective kung makatingin
"Ah eh-" d magkandatutong sabi ni Sam
"ih,oh,uh?" pambabara naman ni Abby
BINABASA MO ANG
The Dominant Beast
HumorCalvin Agguire: magandang pares ng mga mata,matangos na ilong,kissable lips sa madaling salita gwapo at bonus na lang ang pagiging macho at mayaman niya kung sa pisikal na aspeto masasabi mong gifted ang lalaking to pero ang totoo ay may isa siyang...