Argggh!!
Ang sakit ng ulo ko parang binibiyak at yung mata ko parang kinagat ng ipis.
Kainis!
Anong oras na ba? Bakit hanggang Ngayon ay madilim pa sa labas? Kinapa kapa ko ang cellphone ko sa higaan at agad tiningnan ang oras
3:30 am
Sheeeez! Kaya naman pala ang bigat ng pakiramdam ko. Fishtea kasing Walking penis yon e! Hindi ako tinulungan magligpit kagabi ng mga pagkain sa labas na Hindi naman masyadong nagalaw. Napuyat tuloy ako. Tatlong oras lang ang tulog ko men! Bangag talaga ako panigurado
Yun lang ba ang dahilan? Sarcastic na sabi ng utak ko
Fine! Hindi lang yon ang dahilan.
Hindi din ako agad nakatulog kakaisip sa mga sinabi niya saakin at iniyakan ko din yun no!
Mashaket keya!
Aish! ang aga aga nagiging pabebe ako. Makabangon na nga!
Naligo ako at nag ayos na ng sarili
Naisip ko kagabi na tama siya
Employee niya ako kaya dapat gawin ko ang trabaho ko. Sayang din ang 5k no!
Dahil sa marami namang natirang pagkain kagabi ay ininit ko nalang ito, sinangag ko na din yung kanin. Sayang naman baka mapanis
Matapos Kong magluto ay tiningnan Kong muli ang orasan
4:30 am
Maaga parin pala. Ano kaya kung maglakad lakad muna ako? Tutal wala pa naman yung boss ko. Ayoko rin namang kumain mag isa
Tinakpan ko ang mga inihanda Kong pagkain at dumirecho na ako sa aking kwarto para mag hanap ng jacket but unfortunately wala akong dala. May nakita naman akong balabal at agad itong kinuha. Okay na siguro to
Malamig na hangin ang dumadampi sa aking mukha at banayad din ang alon sa dagat. hawak ko rin ang aking tsinelas sa aking kamay. Ang sarap sa pakiramdam ng ganito. Ang payapa
Maya maya pa ay nagsimula ng sumilip si haring araw
Nuks naman! Ang deep! Charing lang!
Lumapit ako sa dalampasigan. dinama ko ang along dumadampi sa aking paa, habang tinitingnan ang pagsikat ng araw
Napangiti ako dahil sa ganda ng tanawin. Tinanggal ko ang balabal at hinawakan nalang ito
"Lyra!"
Sa gulat ko ay nabitawan ko ang balabal agad itong nabasa. Dadamputin ko sana ito ng may naramdaman akong maiinit na bisig na pumulupot sa akin mula sa likod. Napaka higpit ng pagkakayakap nito sa akin na para bang mahabang taon ang nakalipas ng huli niya akong makita
" Sir Calvin..."
Mahabang bulong ko. Naguguluhan ako. Akala ko ba galit siya sakin?
" I'm so fucking worried! Damn it! Bakit Hindi mo sinabi sakin na lalabas ka?!"
Madiing bulong nito habang nakapatong ang baba nito sa aking ulo
" I'm sorry"
Yan lang ang nagawa Kong sabihin sa kanya dahil naguguluhan ako.
"For what?"
Gusto ko sanang makita ang kanyang mukha,ngunit ng tinangka Kong kalasin ang kanyang braso ay mas lalo lang itong humigpit. Kaya hinawakan ko nalang ang mga ito
" Sorry sa mga nasabi ko kagabi. Wala ako sa posisyon para sabihin yon but totoo lahat ng sinabi ko kagabi"
Naramdaman ko ang pagka tense ng braso ni Calvin. I guess Hindi parin niya tanggap na isang malaking BITCH si Malan
" And I'm sorry ulit kung pinag alala kita. I didn't expect that you care"
mahinang bulong ko ngunit sapat na para marinig niya
" Of course I care! What made you think that I don't? Look"
Tinanggal nito ang pagkakayakap sa akin at iniharap ako sa kanya, hinawakan nito ang magkabila Kong pisngi at tinitingnan ang aking mga mata
" Remember this, I'll always care about you and you don't have to feel sorry about what happen last night, I should thank you for that because you made me realize that I should move on its been 2 years"
sincere na sabi nito habang nakangiti
Woah! Speechless ako mga day!
Bakit parang may nag rarambulan sa tiyan ko? Hindi kaya... Nawawala na ang kulubot ng large at small intestine ko?!
Asus! Dami mong alam! Hindi mo pa aminin na kinikilig ka lang
Sabi ng epal na bahagi ng aking utak
" Would you help me?"
Should I say YES?
Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Parang nilipad ang utak ko
Nakita ko ang pag kairita sa gwapo nitong mukha. Ang kyut niya! Kahit na Hindi maayos ang buhok niya.
"Never mind! I still don't take no for an answer. Let me just kiss you"
Sabi nito at tuluyan ng tinawid ang pagitan ng aking mga labi
AN: OH MY GOSH! Me is so kinikeleg XD
O sya! Bukas ulit :) ginanahan akong mag UD dahil sa kanya
@WonderPiperAbangan....
BINABASA MO ANG
The Dominant Beast
HumorCalvin Agguire: magandang pares ng mga mata,matangos na ilong,kissable lips sa madaling salita gwapo at bonus na lang ang pagiging macho at mayaman niya kung sa pisikal na aspeto masasabi mong gifted ang lalaking to pero ang totoo ay may isa siyang...