Chapter 23

573 23 13
                                    

"What's on your mind?"

Tanong ni Wilson habang papunta kami sa kwarto na sinabi ng nurse kung saan naroroon si Malan

"Wala" blangko kong tugon sa kanya

Ano bang dapat kong isipin? Dapat ba akong magalit? O mas tamang itanong na may karapatan ba akong magalit kahit na alam kong walang kami?

Siguro nga wala, wala akong karapatang magalit pero siguro naman may karapatan akong masaktan kasi nag mahal ako

Sa sobrang sakit, hindi na ako makaiyak
Sa sobrang sakit ay wala na akong maibigay na emosyon kundi kawalan

Nang malapit na kami ay natanaw ko si Calvin na kalalabas lang ng kwarto ni Malan, halata sa mukha nito ang pagod na hindi ko alam kung saan nag mumula

Maya maya pa ay napalingon na ito sa direksyon namin, halata ang bakas nang gulat na unti unting naging galit

My face remain blank just like what I'm feeling inside

Nang tuluyan na kaming makalapit ay masamang tingin ang pinukol nito kay Wilson at hinigit naman ako sa braso papunta sa tabi niya na para bang pinoprotektahan ako

"Why are you with her asshole?" Maanghang at may halong diin na tanong nito

"Sinamahan ko lang siya papunta dito, how is she?"  Seryosong sagot lang nito

"She's sleeping" Tugon ni Calvin

Matapos nitong sabihin iyon agad agad akong hinigit nito papalabas ng hospital papunta ng parking lot. Tahimik lamang kaming dalawa, walang nag sasalita habang mahigpit parin ang pag kakahawak niya sa braso ko

"Let's talk" Agad na sabi nito matapos naming makarating sa parking lot at parang umaayon sa amin ang tadhana dahil walang tao

Binitiwan nadin nito ang braso ko

"Lyra I'm sorry" sabi nito at hinawakan ang mag kabilang pisngi ko

Sorry

1 word and 5 letters

Ang liit lang kung titingnan mo sa isang pangungusap pero napakalaking impact sa tao

Maliit pero maaaring mabago ang buhay mo sa pamamagitan ng salitang to. Maliit pero nakakasakit

Madalas naaabuso ang salitang to dahil may mga taong hindi alam kung para saan naman talaga ang salitang sorry

Natatandaan ko pa ang sinabi ng prof ko noong college, na ang salitang to ay ginagamit lang pag nakakagawa ka ng pag kakamali na hindi mo sinasadya. Sinabi din nito na ang mga lalaki ay nag sosorry hindi dahil nasaktan ka nila kundi dahil nahuli mo sila

"Sorry? Sorry saan? Sorry kasi nalaman ko?" Tanong ko sa kanya na wala pading bakas na kahit anong emosyon na mababanaag sa mukha ko

"No. Sorry because I hurt you" Nakatingin ito ng derecho sa mata ko habang sinasabi iyon, mararamdaman mo ang sakit at sinseridad sa tono ng boses nito

Pero sarado ang utak ko.

"It's nothing"

"No Lyra, listen to me, hindi ko ginusto to. Nasangkot sa isang aksidente si Malan at naging dahilan to ng pag kakaroon niya ng amnesia. His father called me the night after the incident happen. Nag agaw buhay siya non dahil sa sobrang lala ng pag kakabangga niya. Alalang alala si Mr. Hernandez sa anak niya kaya naman nung nagkaron ng malay si Malan ay tinawagan niya ulit ako pero nang magising ito, ang huling naaalala nito ay matapos ang aming kasal kahit ang aksidente nito ay hindi nito maalala. Kinausap kami ng doktor niya na wag namin siyang biglain dahil baka makasama ito sa kanya. Nag makaawa sakin si Mr. Hernandez na tulungan siya at kailangan kong mag panggap na asawa parin ni Malan" Saad nito

"I understand"

"Lyra-"

"I understand! I fucking understand!"

"Lyra wag ka namang ganito, sampalin mo ako! suntukin mo ako! Magalit kana pero wag lang ganito na para bang wala kang pakialam please" Matapos nitong sabihin to ay isa isang pumatak ang mga luha nito

"Dammit! Oo na! Hindi ko lubos na naiintindihan pero kailangan kong intindihin! Kailangan kong intindihin yung sitwasyon kasi ayokong mawala ka, kailangan kong intindihin kasi hindi mo naman ginusto, kailangan kong intindihin because deep in my heart I believed you even tough you always keep me in the shadow"

kasabay nito ay ang pag bagsak ng luha ko na parang ulan kung saan isa isa muna ang pag bagsak nito at unti unting lumalakas na parang wala nang makaka pigil

"I know it's hard but please Lyra don't leave me, I need you"

I need you

I need you

I need you

Napatawa ako ng mapakla matapos ko siyang marinig

Akala ko mahal niya ako yun pala kailangan niya lang ako

"Then make me stay, kasi Calvin unti unti na akong nauubos" Sabi ko at tumalikod na palayo sa kanya

---

Hello! Kamusta naman ang chapter nato para sainyo?

Sa isang araw na ulit ang update! Mahal ko kayo!

How about Calvin's POV next chapter? HMMMM?

The Dominant BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon