"Bakit ba kasi ito pinanuod natin?!" Paangil kong tanong sa kanya habang pinupunasan ko ang luha ko
"Sino bang namili nito? Ako ba? Tss! tama nga si Pepe abnormal ang mga babae"
"Anong pepe?! bunganga mo!"
" Haay, try mo din kasing bumaba ng bundok, sa facebook yun, ikaw ah! Anong pepe ba nasa isip mo? Share mo naman!" natatawang sabi niya
Naku po! umiral nanaman po ang pagiging manyak niya! Nagtataka na ba kayo kung bakit ganito ang eksena? Nang matapos niya kasing maligo kanina ay nagluto na ako ng dinner namin at katakot takot na bangayan ang nangyari!
Flashback:
"Ako na mag huhugas, intayin mo nalang ako sa sala" Nakangiting sabi ko sa kanya, hanggang ngayon kasi kinikilig padin ako sa ginawa niya kanina hihihi enebe! eng heret heret ke nemen!
"Hindi, ako na"
"Hindi ako na talaga, mag pahinga ka nalang don" sana pumayag na siya! feel ko pa naman mag paka girlfriend ngayon kahit sa imahinasyon ko lang
"Ako na, ikaw na nagluto kaya ako nalang ang mag huhugas" nakangiting sabi niya
Gusto ko talaga mag hugas, nasa mood ako kaya ipag lalaban ko to!
"Ako na Calvin"
"Hindi ako na"
"Ako na sabi e!"
"Ako na nga lang kasi Lyra!"
"Oh sige ikaw na!" inis kong sabi sa kanya
"Hindi ikaw na! nagagalit ka e"
"Ikaw na nga!wala na ako sa mood"
"Ikaw na nga!"
"Ikaw na!"
"Tinatamad na pala ako, Ikaw na!" alanganing sabi niya, tinitigan ko siya ng masama
"Sabi ko nga! mag huhugas ako, pahinga kana babe, pumili ka na ng movie"
End of flashback...
"Bakit kasi hindi sila nag katuluyan? nakakaasar naman e!" Naka simangot kong sabi sa kanya
The Best of Me po yung pinanuod namin. Share ko lang!
"Hindi na pwede, madami ng masasaktan katulad na lang ng anak niya"
"Ang shunga kasi ni Dawson! Ang panget nito! Ayoko na to ulitin" hindi talaga ako maka move on!
"Maganda naman siya ah, nahanap niya yung purpose niya. Ang mahalaga nag karoon ulit siya ng pag kakataong mahalin si Amanda, hindi naman niya kasalanan, inisip niya lang kung anong makakabuti kay Amanda nung mga oras na iyon. Pero kung ako si Dawson at ikaw si Amanda hindi ko gagawin yun cause I will keep you no matter what happens"
Awwwww! Kinilig nanaman ang pukengkeng ko! wag kang ganyan walking P!
"Nga pala Calvin, pwede ka ba sa sabado? Anniversary ng parents ko" Naramdaman ko ang pag akbay niya sakin
"Bakit? may balak ka na bang pikutin ako? Ikaw ah! pinag nanasaan mo talaga ako no?" Nakakalokong sabi nito, agad ko naman itong kinurot sa tagiliran
"Wooh! ang kapal ah! Hindi no! Gusto ko lang na nandon ka"
"Binibiro lang naman kita, pero okay lang din kung totoo" taas babang kilay na sabi nito
"Tse! May isa pa pala! pupunta kaming bar bukas ng gabi ng mga girl friends ko" pag papaalam ko sa kanya
"Anong susuotin mo?" naka kunot noong tanong nito
"Dress or short? Depende sa trip ko"
"Well ito ang trip ko..... It's a NO"
AN: Hello!

BINABASA MO ANG
The Dominant Beast
HumorCalvin Agguire: magandang pares ng mga mata,matangos na ilong,kissable lips sa madaling salita gwapo at bonus na lang ang pagiging macho at mayaman niya kung sa pisikal na aspeto masasabi mong gifted ang lalaking to pero ang totoo ay may isa siyang...