"Hey you look familliar! Ikaw yung girl sa elevator yung bukas yung-" Bago pa man niya matapos ang sasabihin niya ay agad akong lumapit dito at tinakpan ang bibig nito. Mahirap na! Baka may makarinig pa samin.
"Oo na! Ako nga yon! Shut up ka nalang. Nakakahiya kaya yon" Nakaingos kong sabi sa kanya. Grr! Naasar talaga ako ngayon at baka sa kanya ko pa maibuntong ang inis ko kay walking penis. Ngumiti ito na para bang nasasayahan ito sa pag pula ng aking pisngi.
" Mahal mo no?" Sabi nito na may sarcastic na ngiti
"Pake mo ba?" Masungit namang turan ko at tumalikod upang bumalik sa condo ko dahil nawalan na ako ng gana na pumunta sa gimik namin ngayon.
Naramdaman ko naman ang pag akbay nito saakin
"Ang sungit mo naman! Parang wala naman tayong pinag samahan! Mag palamig ka muna ng ulo"
"Oo wala talaga tayong pinag samahan. Saka Ulo?" Tanong ko
"Oo, etong ulo na to " Dinuro nito ang aking ulo
"Hindi itong ulo na to, wala ka neto" turan nito habang naka turo sa kanyang titi at sinabayan pa nito yon ng malulutong na halakhak
Bakit ba napakadumi ng isip ko?
Hindi nalang ako nag salita dahil konti nalang masasakal ko na itong lalaking to.
---
"Anong gusto mong kainin?" Tanong nito, tinitigan ko lang ito dahil wala talaga ako sa mood kumain, kasalukuyan kaming naririto sa coffee shop malapit sa tinutuluyan naming hotel
"Wag mo akong tingnan ng ganyan, feeling ko gusto mo akong kainin. Sorry pero ayoko ng blow job ngayon" turan nito na may mukang animo ay nambabasted ng manliligaw. Hindi ko akalain na may pagka bastos din pala ang bunganga nito. Kung nasa mood lang ako, baka pinatulan ko narin ang katabilan nito. Tiningnan ko lang ito nang hindi man lang ngumingiti.
"Chill! Nag bibiro lang ako. Sino ba yung lalaking nang iwan sayo kanina?" Tanong nito
Aba! May pagka tsismoso talaga ang isang to. Muli ay tinitigan ko lang ito
"Mag salita ka naman! Konti nalang iisipin ko ng na f-fall kana sakin"
"Psh! Tsismoso ka na nga, feeler ka pa. Aba! Gifted! Nasayo na ang lahat" Pasarkastiko kong tugon
Wala na sana akong balak pang mag salita ngunit dahil sa maganda ako, ay pinatulan ko na din ito. Oo walang connect yung pagiging maganda ko. Gusto ko lang ipag yabang
" Hindi lahat nasakin na, wala naman akong panty na butas" Pinanlakihan ko ito ng mata dahil sa tinuran nito, nangangamba akong baka may makarinig
"Hinaan mo nga yang pinag sasabi mo! Nakakahiya ka!" Tinawanan lang naman ako nito.
Naramdaman ko naman ang pag v-vibrate ng aking cellphone sa bulsa ng aking pantalon at nakita ko namang si Dad ang tumatawag. Agad agad ko naman itong sinagot"Iha, anong nangyari sayo? Totoo bang nasa Hospital ka?" Mababakas ang pag aalala sa tinig nito na agad namang ikinakunot ng aking noo
"Dad hindi po nasa coffe shop po ako ngayon malapit sa condo na tinutuluyan ko, saan niyo po ba yan nasagap?" Nag tatanong kong saad
" Kela Sam at Abby, okay ka lang ba talaga?" Mahihimigan mo sa tono nito ang paninigurado
Ano naman kayang pinag sasabi ng may sayad kong mga kaibigan kay Dad?
"Opo Dad. Sige na po, mag pahinga na po kayo" mahinahon kong saad dito
"Mabuti naman kung ganoon. Lagi mong iingatan ang sarili mo ah? Hindi naman sa pinapabayaan kita, alam mo namang gusto lang kitang matuto diba? Mahirap din samin ng mommy mo na malayo ka samin. Sige na anak, mag papahinga na kami ng mommy mo" Madamdaming saad nito na siyang nag pawala ng inis ng nadarama ko kani kanina lang. Pinatay na din nito ang tawag at nang nilingon ko ang lalaking nakaupo sa aking harap ay nakatitig lang din ito saakin na parang kinakabisado ang aking mukha.
Nang muli kong tingnan ang aking cellphone ay ganoon nalamang ang panlalaki ng mata ko sa dami ng missed calls dito nila Abby at Sam
Shems! Nakalimutan kong sabihin na hindi ako makakapunta!
Maya maya pa ay lumabas ang pangalan ni Sam sa screen ng aking cellphone, agad ko naman itong sinagot
"Babaita! Anong ginagawa mo sa hospital?! Anong nangyari sayo? Kanina ka pa namin tinatawagan. Bakit kayo nasa hospital ni calvin?" Nag aalalang tanong nito na agad ko namang pinag takahan. Anong hospital? At anong Calvin? Samantalang kanina pa ito nag mamadaling umalis
"Wala ka sa Hospital?" Paniniguradong tanong nito
"Wala nga, ano namang gagawin ko don? Saka bakit mo naman naisip na na ospital ako?" Kunot ang noo ko habang nag tatanong dito
" May nakakita kasi kay Calvin na pumasok sa *toot* Hospital, diba ang sabi mo ihahatid ka niya dito? Kaya nag alala kami, tapos hindi ka pa dumadating"
Matapos nitong mag salita ay agad na sumibol ang kaba sa dibdib ko, nag tanong pa ang mga ito ng kung bakit ako hindi makakapunta at kung bakit hindi kami mag kasama ni Calvin na siya namang sinagot ko ng hindi ko din alam. Binaba na nito ang tawag.
"Pumunta ka"
Kunot noong bumaling ang tingin ko sa aking kaharap
"Ha?"
Nakikinig ba ito sa usapan namin? Pero imposible naman yon.
" Ihanda mo ang sarili at puso mo sa sakit. Maging matibay at malakas ka para sa iyong sarili" seryosong saad nito
"Anong alam mo?"
" Madami. Hindi pa ito ang panahon para malaman mo ang lahat. Pumunta ka kung kaya mo na" Seryosong saad nito bago tumayo at mag lalakad na sana nang tanungin ko ang pangalan nito
" Saka na" tugon nito bago tuluyang lumabas ng coffee shop at iniwan akong natitigilan
"Ano ba naman yan! Hindi naman pala o-order ang tagal pang tumambay!" Narinig kong pasaring ng isang waitress, nabastusan man ako sa ginawa nito ay hindi na lamang ako nag komento pa at dali dali na ding lumabas.
Habang nag lalakad ako ay hindi ko mapigilan ang sinabi ni "Saka na" hindi ko mapigilan ang mangamba. Na pabuntong hininga na lamang ako.
Calvin? Gaano nga ba kita kakilala?
----
Guys may new story ako at pinamagatan ko itong Dyoga!DYOGA:
Dyoga. Parte ng katawan ng isang babae. Meron itong iba't ibang laki. May malaki, may malaking malaki, may katamtaman, may maliit at kung mamalisin ka ay utong lang ang makikita mo, walang dibdib. Iba iba din ang utong nito. May pinkish, may brown at may tutong. May dyogang makinis, may dyogang maputi, may dyogang kulubot at meron ding dyogang malibag.
Ikaw ba ay isa sa mga babaeng madaming insecurities sa katawan? Abay! Tamang tama ang istoryang ito sayo.Subaybayan ang insecurities series kung saan masusubukan ang kung ano ang magagawa ng pag ibig kahit wala kang DYOGA, wala kang KILAY, maitim ang iyong SINGIT at KILI-KILI.
BINABASA MO ANG
The Dominant Beast
ЮморCalvin Agguire: magandang pares ng mga mata,matangos na ilong,kissable lips sa madaling salita gwapo at bonus na lang ang pagiging macho at mayaman niya kung sa pisikal na aspeto masasabi mong gifted ang lalaking to pero ang totoo ay may isa siyang...