"Happy anniversary Tito at Tita!" Masayang bati ni Abby at Sam
Kasalukuyang may salo salo dito sa bahay, at hinihintay ko si Calvin
Nasaan na ba yon? Sabi niya pupunta siya alas otso na, wala padin siya. Kanina ko pa siya tinatawagan pero walang sumasagot hindi din nag t-text
"Baklaaaa! Bakit kanina ka pa linga ng linga diyan sa paligod mo? Sige ka! hahaba yang leeg mo!" Sabi ni Sam
"Ano ka ba! Syempre iniintay niya yung prince charming niya! Nasaan na daw ba?" Nakakunot noo na sabi naman ni Abby habang naka pamewang, napabuntong hininga nalang ako kasi hindi ko din alam
"Hindi ko din alam"
"Ha? I-text mo kaya or tawagan?" Si Sam
"Kanina ko pa yun ginagawa, wala talaga e. Kaninang mga 4 sabi niya papunta na siya pero alas otso na wala padin!"
"Alam mo bakla baka naman na traffic! O kaya dumaan sa mall para bumili ng gift for tito and tita. Don't worry too much! Sige ka! Mkjag kaka-wrinkles ka!" Sabi ni Abby habang may pag tuwid tuwid pa ng kunot sa noo ko
Sana nga ganon lang ang nangyari. Kasi konti nalang mapupuno na ako sa kanya, ilang beses niya na akong ini-echapwera!
"Happy anniversary tito at tita! It's been a long time since I last saw the both of you. Parang bumabata po kayo!" Wika ng pamilyar na boses
Hindi ko napigilan ang sarili kong lingunin ito dahil narin parang kilala ko ito at agad nanlaki ang mga ko ng makita na si elevator guy ang kausap ni mama!
"Ikaw talaga iho, hindi ka padin nag babago! Siya nga pala, ipapakilala kita sa anak ko" Sabi ni mama at bumaling sa akin at sinenyasan akong lumapit. Nag paalam naman ako kay Sam at Abby na iiwan ko muna sila
Nang makaharap ko na sila ay parang ako lang ang nagulat dahil siya ay kalmado lang
"Wilson, I want you to meet my daughter Lyra. Lyra this is Wilson anak ng isa sa bigggest client ng ating company" Nakangiting pakilala sa amin ni mommy samantalang si dad naman ay nakangiti lang na nakatingin samin
Hmmm.. Wilson pala ang pangalan niya, pa misteryoso pa tsk! Nag lahad ito ng kamay, tanda ng pakikipag shake hands kaya naman inilahad ko nadin ang aking kamay
Matapos yon ay nag paalam na si mommy at daddy dahil aasikasuhin pa daw nila ang ibang bisita
"Hindi ka ba nangangalay? Upo tayo" Sabi ni Wilson at iginiya ako sa table na bakante malapit sa amin
"Kamusta?" Kaswal na tanong nito
"Eto hinihintay siya"
"Oh? Iniwan ka nanaman?"
"Gusto mo bang mabutas yang bunbunan mo gamit tong takong na suot ko?"
Ang sakit niya mag salita.
kasi totoo
Sabi nang isang parte ng utak ko
"Chill! Alam mo naman kung saan siya hahanapin diba? Ang kailangan mo lang ay maging handa"
Napabuntong hininga nalang ako at nang may dumaan na waiter ay kumuha si Wilson ng dalawang wine, isa sa akin at isa sa kanya
"Anong alam mo Wilson? Bakit parang kilala mo si Calvin at ako?" Hindi ko mapigilang tanong sa kanya, dala nadin siguro to ng curiosity
"Si Calvin kilala ko, ikaw hindi"
Hindi nalang ako nag salita pa at ipinag patuloy ang tahimik na pagsimsim sa wine
Habaan mo pa ang pasensya mo Lyra! Malay mo dumating!
Ngunit 11:30 na ay wala padin siya, nag paalam na ang ibang mga bisita na mauuna na, samantalang ako at itong katabi ko ay nakakarami nadin ng naiinom na wine. Matino pa naman ako.
Arghhhh! Hindi ko na to kaya! Ilang beses na akong nag mumukhang tanga sa kanya! Hindi ko na siya maintindihan! Minsan pinaparamdam niyang may gusto siya sakin, minsan naman ginagago niya ako!
Agad na hinanap ko ang kinaroroonan nila Abby at Sam at hindi naman ako nahirapang hanapin sila dahil sa mangilan ngilan nalang ang mga bisita.
"Abby at Sam, natatandaan nito pa ba kung saang hospital pumunta si Calvin?"
"Sa Toot Hospital. Bakit?" Takang sabi naman nu Abby
"Mamaya ko nalang ipapaliwanag, sige mauna na ako"
Hindi ko na inintay ang sagot nito at agad nadin akong tumalikod at pumunta kung saan ang kinaroroonan ng sasakyan ko
Nang makapasok na ako sa kotse ay laking gulat ko nang may mag bukas ng passenger seat
Si Wilson
"Anong ginagawa mo? Bumaba ka" Walang emosyong sabi ko sa kanya
"Kakailanganin mo ako, trust me"
Wala na akong nagawa kaya hinayaan ko nalang siya, tahimik lang ang naging byahe namin. Kinakabahan ako sa ginagawa ko, paano kung hindi ko magustuhan o masaktan lang ako sa mkikita ko?
Naging mabilis lang ang byahe namin dahil nadin siguro sa gabi na at wala nang traffic
"Prepare yourself" Nilingon ko lang ang seryosong mukha ni Wilson
Kanina pa to si Wilson! Kinakabahan na nga ako, may paganyan ganyan pa siya. Lalo tuloy akong kinabahan
Nang makapasok kami ay agad kaming lumapit sa receptionist
"May name po ba sa list niyo na Calvin Aguirre?" Tanong ko
"Wait lang po mam check ko lang po"
Nakangiting sinabi nito at may tinaype sa computer
"I'm sorry mam pero wala po"
Agad naman akong nanghina, hindi ko alam kung relief ba ito o dahil kanina pa pala ako hindi humihinga dahil sa kabang nararamdaman
"Miss pa-check naman kung anong room si Malan Hernandez" Sabi ni Wilson, na siyang naging dahilan ng panlalaki ng mata ko
Halos hindi nanaman ako makahinga dahil sa narinig ko at feeling ko hihimatyin ako dahil sa sagot na narinig ko mula dito
"Meron po"
----
Hello! Sa isang araw na po yung next update! Eto na mga besh! Mababasag na ang mga itlog! este mukha ni Calvin Hohoho
Comment naman po kayo T.T
cssndrmadrid Salamat! Para sayo to hihihi
BINABASA MO ANG
The Dominant Beast
HumorCalvin Agguire: magandang pares ng mga mata,matangos na ilong,kissable lips sa madaling salita gwapo at bonus na lang ang pagiging macho at mayaman niya kung sa pisikal na aspeto masasabi mong gifted ang lalaking to pero ang totoo ay may isa siyang...
