Agguire Company
kanina pa ako nakatayo sa tapat ng mataas na building na to
Nag aalangan ako kung papasok ba ako o papasok ako
nangangamba kasi akong baka magkita kami yun pa naman ang iniiwasan ko
mag aaply nalang ako sa mababang posisyon para hindi kami magkita
sa bandang huli ay pumasok narin ako pag pasok ko sa loob ay napakunot ang noo ko dahil nag kakagulo sila sa loob
hindi ko nalang sila pinansin at dumiretso sa receptionist
"Miss may available po ba kayong position? yung mababa lang po" magalang kong tanong
bago pa man makapag salita ang receptionist ay may sumingit na sa kanya
"Hi miss! mag aaply ka?" tanong sa akin ng isang babaeng sa tingin ko ay nasa edad 40 na
"opo" sagot ko ng nakangiti
agad din naman siyang ngumiti
"tamang tama ang dating mo! kaylangang kaylangan namin ngayon ng secretary!"
hinila niya ako papunta sa elevator
nang makalabas kami ng elevator ay itinuro niya sa akin ang isang pinto
"Pumasok ka sa pintong iyon nag hihintay doon ang mag iinterview sayo" takang taka man ako sa nangyayari ay nakiride nalang ako
ito lang ang nag iisang pinto sa floor na ito ibig sabihin yung mag iinterview pala sa akin ay bigatin!
pagpasok ko sa pintuan ay nakita ko ang isang lalaking nakatalikod sakin
"Ma upo ka" sabi niya saakin
agad agad naman akong sumunod
Nang maka upo ako ay hindi parin siya tumitingin saakin
napatingin ako sa mesa niya
Nanlaki ang mata ko sa pangalang nakasulat sa marmol
Calvin Agguire
President
AN: 5 votes and 5 comments to unlock the next chapter
at kung hindi naman sa sabado o linggo nalang :)
sorry nga pala kung ngayon lang nakapag update
BINABASA MO ANG
The Dominant Beast
HumorCalvin Agguire: magandang pares ng mga mata,matangos na ilong,kissable lips sa madaling salita gwapo at bonus na lang ang pagiging macho at mayaman niya kung sa pisikal na aspeto masasabi mong gifted ang lalaking to pero ang totoo ay may isa siyang...