Chapter 18

2K 52 19
                                    

Hmmm...... 

Ano kayang mas bagay? Etong red or black? Parang tanga kong tanong sa sarili ko habang nakaharap sa salamin

Ang hirap naman! Wala na akong ibang damit! Wala na akong masuot!

Talaga ba Lyra? Eh halos d na nga mag kasya sa cabinet yung mga damit mo.

Bulong ng kontrabida kong utak.

Tse! manahimik ka diyan! Eto na nga lang red para kakulay ng lippie ko.

Kinulot ko lang sa baba yung buhok ko. Opo! yung dulo ng buhok ko hindi po yung buhok ko sa baba. Mga green diyan katulad ko, tigil tigilan na yan. kinakain na tayo ng sistema. Nag apply na din ako ng light make-up. Matapos ko mag ayos ay nag pose pose muna ako sa salamin. Alam nyo na! Kunwari model. Pak na pak! Ang ganda ko! 

Tok! Tok!

Sino naman kaya yun? Hindi naman ako nag pasundo. Teka! bakit ko nga ba tinatanong yung sarili ko? Eh hindi ko din naman alam yung sagot. Kinakain na nga ako ng sistema. Lumakad ako palapit sa pinto,nakiramdam muna ako. 

Tok! Tok!

"Lyra? Open the door! It's me Calvin"  Hala! Paano niya nalaman na nasa pinto ako?

"Kita ko yung anino ng paa mo kaya buksan mo na" 

Haays.. Akala ko pa naman kaya na niyang mag basa ng utak. Umasa nanaman ako. Shut pa na nga lang ako. Binuksan ko na ang pinto at pinapasok siya sa loob. Alangan namang sa labas diba? Paano ka papasok sa labas?

"Oh? Bakit napadpad ka dito?"

"Ang sweet naman ng bungad mo babe! Gusto ko lang i-check yung suot mo. Buti nalang pala at pumunta ako dito. Halika!" Hinila niya ako papasok sa loob ng kwarto ko

"Teka lang! Masyado pang maaga para dito Calvin. Naiintindihan kong may pangangailangan ka pero hanggang momol lang ako!" Natatarantang sabi ko sa kanya with matching wagayway pa ng kamay. Pinitik niya naman ako sa noo

"Anong pinag sasabi mo diyan? Mag papalit ka lang ng damit" Enebe yen! Seyeng! Neg pepekepet leng nemen eke eh (Ano ba yan! Sayang! Nag papakipot lang naman ako eh) 

Ayun nga! Binuksan niya ang damitan ko at ginulo niya ang mga damit kong maayos na nakatupi. Walangya! kung makahalukay akala mo namimili lang sa ukay!


"Eto ang suotin mo. Mas bagay to"  sabay abot niya sa akin ng damit na hawak niya

"Pantalon, T-shirt at Jacket?! Pinag loloko mo ba ako?"

"Hindi. Suotin mo na yan or else d ka makakalabas dito" seryosong sabi niya sakin

Haay! Kikiligi ba ako o maiinis? Sa huli ay nag palit na din ako dahil parang hindi na mag babago ang isip niya.

"Ayan! masaya kana?"

"Yeah. Ang ganda mo talaga babe" Mukha mo! Inuuto mo lang ako

Pinatay ko muna ang ilaw sa kusina at kwarto bago kami lumabas ng condo ko.

"Nga pala Calvin, uuwi ka na ba pag kababa natin?" Tanong ko pag kasakay ng elevator

"Nope. Hahatid muna kita tapos uuwi na ako"

Nang bumukas na ang elevator ay agad nadin kaming lumabas. 

Kriiiiing

"Wait lang babe sagutin ko lang to. Una kana sa parking lot" Asiwang sabi niya sakin 

"Sige" Iniwan ko na siya don at dumirecho na sa parking lot







Hmmm.. Ang tagal naman niya. Buti nalang naka jacket at pants ako kung hindi baka naging gabihan na ako ng mga lamok dito. Naku! Paktay talaga siya sakin! Speaking of the WP (Walkin Penis) Nag lalakad na siya papunta sakin

"Ika-" 

"I'm sorry Lyra, hindi na kita mahahatid may importante lang akong pupuntahan" Sabi niya nang hindi tumitingin sakin at derederechong sumakay sa kotse na para bang hindi ako nakikita hanggang sa tuluyan na itong umalis.

Fishtea siya! nakakaasar siya! Ang tagal ko dito nag intay tapos ganon ganon na lang?! 

"Bakit?! Mas importante ba yan kesa sakin?! Mas mahalaga ba siya kesa sakin?! Teka nga bakit ba ako nag dadrama dito? Oo nga pala walang kami!" Inis kong sigaw sa parking lot kahit alam ko naman na hindi niya maririnig. Hayaan na, wala namang tao.

"Umasa ka kase kaya ka nasasaktan" boses galing sa likuran ko, agad naman akong lumingon at dapat hindi ko nalang ginawa!


O to the M to the Gee! Si kuyang pogi sa elevator na nakakita ng panty kong butas!

The Dominant BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon