"Beach resort?! Anong ginagawa natin dito Sir?" Naguguluhang tanong ko, Ngumiti ito ng alanganin sakin bago nag salita
"I lied, sa totoo lang hindi naman talaga tayo pumunta dito para mag trabaho at hindi rin totoong may meeting ako dito, Ang totoo niyan andito ako para mag bakasyon"
"Kidnapping to Sir!" Tinaasan niya lang ako ng kilay kung hindi lang to gwapo
aakalain kong bakla to
"Baka nakakalimutan mo kusa kang sumama sakin binigyan kita ng choice kanina remember?" Cool na sabi nito
"Choice ang tawag mo dun?! Sa pagkakatanda ko mas tamang sabihing blackmail ang ginawa mo kanina"aniya ko
"Wala ka nang magagawa, Andito nalang rin lang tayo enjoyin na lang natin at baka nakakalimutan mong may usapan tayo kanina kaya patayin mo na yang usok sa ilong mo" sabi nito at humagalpak ng tawa na animo ay kinikiliti, Tumawa ka lang ng tumawa hanggang sa mawalan ka na ng hininga at pag nangyari yun mag papaparty ako sa burol mo ani ng isip ko, Bumaba na ito ng kotse at pinagbuksan ako ng pintuan sus! Pakitang tao
"Bakit kailangan mo pa akong kasama? Wala naman akong gagawin dito, may sweldo ba to? Aba! Walang libre ngayon!" naka ingos na sabi ko
"Hindi kasi masayang mag bakasyon ng mag isa lang, sabihin na lang natin na part time job mo to dahil hindi kita secretary ngayon kundi isang achay,alalay,muchacha"
"Aba kung ganyan lang din ang magiging trabaho ko uuwi na lang ako" sabi ko at tinalikuran siya ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay nag salita ito na siyang nag patigil sa akin
"5k a day?" Parang naging calculator ang utak ko sa bilis ng pagkalkula nito ng sasahurin ko sa loob ng tatlong araw, 15k sa tatlong araw?! Makaka tikim na ako sa wakas ng matinong pagkain! Mula kasi nung tumira ako sa condo ay puro de lata ang ulam ko isang delata isang araw kelangan ko kasing mag tipid dahil hindi naman ganun kalaki ang binigay na pera sakin ni daddy saka hindi naman ako pinalaki ng nanay ko na laging sunod ang luho kahit na mayaman kami kaya hindi ako nahirapang mag adjust
"Deal!" Mabilis kong sabi sa kanya,may lumapit sa aming lalaki trabahador siguro dito
"Magandang umaga po mam, Long time no see Sir" nakangiting sabi nito na halos hindi na makita ang mata sa pag kaka ngiti,mukang matagal ng mag kakilala ang mga ito siguro ay matagal ng nag babakasyon dito si Walking Penis este Sir Calvin
"Oo nga Carding, mukang kaunti ang tao ngayon dito ah"
"Mag tatag lamig na po kasi kaya ganoon, Asan po ang mga bagahe niyo at nang matulungan ko kayo sa pag bubuhat" naka ngiti paring sabi nito,pumunta ang mga ito sa likod ng kotse at mula doon ay kinuha ang kanilang mga bagahe patuloy pa rin ang pag kukwentuhan ng mga ito habang ako ay tahimik lang na sumusunod sa mga ito, Hindi ko mapigilang hindi humanga sa lugar kahit sino sigurong makakapunta dito ay hindi mag dadalawang isip na bumalik dito lalo na sa mga taong nais makalimot sa gulo ng siyudad para itong paraiso sa ganda, kahit katanghaliang tapat ay hindi masyadong mainit dahil na rin siguro sa mapuno at sariwa ang hangin dito malinaw din ang dagat, hindi ko napigilan ang sarili kong hindi damhin ang buhangin, hinubad ko ang aking sandalyas, naphinto ako sa pagmamasid sa kapaligiran ng mapansin kong huminto na ang mga ito sa pag lalakad
"Sige Carding salamat sa pag tulong" Ani ni Calvin ngumiti lang naman si Carding at umalis narin, tiningnan ko ang cottage na nasa harapan namin nangunot ang noo ko ng mapansing isa lang ito
"Bakit isa lang ang cottage?"
"Wag ka mag alala dalawa naman yung kwarto sa loob" Sabi nito at pumasok na sa loob dala ang mga gamit namin, nang maka pasok ako ay namangha ako sa ganda nito hindi man ito magarbo malinis at nakaka relax naman sa pakiramdam, matagal tagal narin kasi nung huli kong bakasyon
"Yung kwarto sa kanan yung iyo mag pahinga kana, kakatukin nalang kita mamaya" sabi nito sabay abot ng maleta ko, Simple lang ang kwartong sinabi niya , may isang papag at isang tokador may maliit din itong cr, naisipan kong iayos ang mga gamit ko sa tokador at umidlip
————————————————————————————————————————————————————
Nagising ako sa mararahang katok sa pintuan
"Lyra?" narinig kong tawag sakin ni Calvin
"Lalabas na ako!" sabi ko, Agad narin akong nag ayos, isang short at sleeveless blouse lang ang suot ko
Nang makalabas ako ng pinto ay nakita ko si Calvin na may dalang isang picnic basket at isang blanket
"Anong meron?" nagtatakang tanong ko
"Andiyan kana pala, tulog ka pa kasi kaya ako nalang ang nagluto" nakangiting sabi nito, mukang good mood ano kayang nakain nito ? tinignan ko ang orasan sa pader 5pm na pala matagal din pala akong natulog, sumunod ako sa kanya sa labas, nakita kong inaayos niya ang pagkalatag ng blanket sa buhanginan,payapa ang dagat ngayon maliliiit lang ang alon, umupo ako sa kabilang side kung saan kaharap ko siya, nakangiti ito habang inilalabas ang mga pagkaing iniluto nito
"May pabor sana ako sayo" Sabi nito habang nakatingin saakin ng deretsyo
"Ano yun?"
"Pwede bang kahit ngayong araw lang wag muna tayong mag bangayan? "
napatango nalang ako sa paki usap niya sino ba namang hindi! mukha siyang maamong tupa habang sinasabi iyon, hindi na ako nagtataka kung bakit maraming nahulog sa kanya
" Bakit ang bait mo ngayon?" tanong ko, hindi kasi normal na maging gentle si Calvin, ngumiti ito bago sumagot
"Maniniwala ka ba na hindi ko naman talaga intensyon na inisin ka?" Umiling ako ,Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa muka nito habang nilalagyan ako ng plato sa harapan ko , Nahawa ako sa ngiti sa kanyang mukha
"Hindi ko alam kung bakit ang gaan ng pakiramdam ko sayo, Alam mo bang mahalaga ang araw na to sa akin? Anniversary kasi sana namin to ng ex wife ko" Ani nito, nawala ang ngiti sa mukha ko
BINABASA MO ANG
The Dominant Beast
HumorCalvin Agguire: magandang pares ng mga mata,matangos na ilong,kissable lips sa madaling salita gwapo at bonus na lang ang pagiging macho at mayaman niya kung sa pisikal na aspeto masasabi mong gifted ang lalaking to pero ang totoo ay may isa siyang...