"Lyra! Lyra babes! yuhooo!"
Fuck! ano ba yung ingay na yun? At hindi pa ito nakuntento niyugyog pa ako na halos ma dislocate ang balikat ko
Kahit na tinatamad akong gumising ay pinilit ko nang dumilat
Nanlaki ang mga mata ko nang mapag sino ang nambubulabog sa akin
Syete! Si Calvin!
"What are you doing here?! How the f*ck did you get in?!" Sabi ko habang kinukuha ang kumot kong nasa lapag na siguro ay nahulog dahil sa likot kong matulog ng ma abot ko na ito ay agad ko itong itinakip sa katawan ko,Haller! wala kaya akong bra at malaking T-shirt lang ang suot ko, Mabuti nalang at hindi masyadong mainit kagabi, madalas kasing under wear lang ang suot ko pag natutulog ako at pag sobrang init
"Chillax babes! Wala naman akong ginawa sayo habang natutulog ka at para naman sa iyong mga katanungan pumunta ako dito para sunduin ka kasi sigurado akong tulog ka pa at! hindi nga ako nag kamali pangalawa I have my Ways" Sabi niya sabay kindat sa akin
Grrrrrr! Bumangon na ako at naligo habang siya ay na iwan sa labas syempre!
Sa banyo na din ako nag bihis at nag ayos ng sarili nang makalabas ako ay nagtaka ako sa inaakto ni Calvin parang may iba, tahimik lang kasi ito na para bang ang lalim nang iniisip
"Ready na ako! Tara na!" Sabi ko habang kinukuha ang isa kong maleta at isang back pack na naglalaman ng mga undies ko at panyo
Napansin kong hindi naka sagad sa pagkakasara ang zipper ng back pack ko
Teka sa pag kakatanda ko saradong sarado to ah, akmang isasarado ko ito ng Bigla bigla akong hilahin ni Calvin palabas ng condo ko
"Bilisan mo naman maglakad! Baka abutin tayo ng traffic!" masungit na sabi niya, Hindi ko na napagtuunan pa nang pansin ang bag ko dahil sa mabilis niyang pag lalakad
"Asan na nga pala yung duplicate key na hiniram mo dun sa receptionist?" Tanong ko habang pasakay kami ng elevator
"Bakit?" Nakakunot noo niyang tanong sa akin
"Anong bakit? Akin na yung susi!" Sabi habang pinandidilatan ko siya ng mata
dinukot niya mula sa likod ng pantalon niya ang susi at napipilitan tong ini abot sa akin, agad ko naman itong kinuha mula sa kamay niya
Sakto namang bumukas narin ang elevator, nauna na akong ag lakad sa kanya habang siya ay tahimik lang na nakasunod sa akin
"Good morning mam! Mukhang hindi naman po nahirapan ang boyfriend niyo na gisingin kayo!" Nakangiti niyang sabi sa akin, nagtaka naman ako sa sinabi niya sa pag kaka alam ko wala akong boyfriend ngayon dahil break na kami ni Andrew
"Boyfriend? Nagkakamali ka miss wala akong boyfriend" Sabi ko
"Ay! sus! si mam showbiz! yung gwapo pong lalaking kumuha ng susi niyo, kayo talaga mam siguradong magtatampo yun pag nalaman niyang dinedeny niyo siya"
Takte! si Calvin pala ang tinutukoy neto! ang kapal talaga ng mukha ng hinayupak na yon na mag pakilala bilang boyfriend ko!
Ibinigay ko ang susi sa receptionist at agad na tumalikod para harapin si Calvin nang mapansin kong pinagtitinginan ako nang bawat taong dumadaan lalo na yung mga matatanda madaling araw pa lang kasi kaya hindi pa masyadong matao, Lumingon lingon ako upang hanapin si Calvin dahil bigla na lang itong nawala sa likuran ko
"Grabe talaga ang mga babae ngayon sa panahong ito! mas agresibo pa sa lalaki!" Narinig kong sabi sa ng isang babaeng may katandaan na, matalim ang titig nito sa akin
"Oo nga! samantalang noong kapana hunan natin ni hindi pwedeng mag pahawak ng kamay ang mga babae" sabi naman ng kasama nito, naguguluhan na talaga ako dahil lahat nang dumadaan ay kung makatingin sa akin ay para akong isang kriminal
Maya maya pa ay may naramdaman akong kumakalabit sa akin, nilingon ko ito nakita ko ang isang babae na sa tingin ko ay kasing edad ko lang
"Miss yung condom mo, sa susunod wag mo itong hayaang naka kalat! nakakahiya!" pa bulong nitong sabi sa akin at ini abot ang condom
"Nagkakamali ka miss hindi sa akin to!" tanggi ko, tiningnan niya lang ako na para bang sinasabing Ows?-Di-Nga?
"Tingnan mo yung bag mo" Sabi nito at umalis na rin agad
Condom? paano ako nag karoon nito? hindi naman ako gumagamit nito, sumagi sa isip ko ang bag ko, binuksan ko ito at may nakita akong limang condom sa loob nito, F*ck! parang may idea na ako kung bakit! agad ko itong isinara at pumunta sa parking lot upang pumatay nang isang hayop at para narin makaiwas sa mga mapanuring mata nang mga nag dadaan, Nakita ko ang hayop na prenteng nakasandal sa kotse niya habang naka pamulsa
"CALVIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINN!"
AN: Lagooooot!
BINABASA MO ANG
The Dominant Beast
ComédieCalvin Agguire: magandang pares ng mga mata,matangos na ilong,kissable lips sa madaling salita gwapo at bonus na lang ang pagiging macho at mayaman niya kung sa pisikal na aspeto masasabi mong gifted ang lalaking to pero ang totoo ay may isa siyang...