Chapter 11

3.7K 75 8
                                    

BOOOGSH!


Agad ko siyang sinuntok nang makalapit ako sa kanya, balak ko sanang patamaan siya sa mata para mag karoon siya ng black eye kaya lang ang tangkad ng kumag! Sa pisngi niya lang tumama yung suntok ko ni hindi man lang ito gumalaw sa pwesto nito, Imbes na siya ang masaktan ay mas nasaktan ang kamao ko



"What's wrong with you woman?!" Gulat at may halong pag kainis na sabi niya

Wow! siya pa talaga may ganang mainis!


"Sakin wala! Sayo meron! Anong pumasok jan sa gakulangot mong utak at ipinasok mo to sa bag ko?!" Nanggagalaiti kong sabi sabay pakita sa kanya ng condom


"Anong pinagsasabi mong bag mo? e sakin yang bag na yan" Bored niyang sabi sakin, nangunot naman ang noo ko sa sinabi niya


"What are you talking about?!This is mine! at wag mo sasabihing nag kataon lang na pareho tayo cause i won't buy it!" Giit ko


"At bakit naman parang napaka imposible na mag kapareho tayo nang bag? bakit pina personalize mo ba yung bag mo? Sige nga sabihin mo saking sayo to" Sabi niya sabay hila nang hawak kong bag, inilabas niya mula doon ang kanyang mga boxers at briefs, ngunit duda parin akong sakanya yung bag tiningnan ko siya sa mata sabi kasi nila pag hindi maka tingin ng straight sa iyo ang isang tao ibig sabihin ay nag sisinungaling ito, napansin kong nagiging violet na ang pisngi niya


"Baka naman inilagay mo lang yang mga gamit mo jan sa bag ko habang natutulog ako? nag mamaang maangan ka lang ata!" nagdududa kong sabi


"Baka naman ikaw ang nag mamaang maangan jan para makuha tong bag ko! porket nakita mong original naging desperada kana, try mo ring tingnan tong brief ko original din to gusto mong silipin?" sabi niya kasabay ng pagsilay ng pilyong ngiti sa kanyang labi


"Bakit hindi mo ako pinigilan ng buhatin ko tong bag mo?" hindi parin talaga ako kumbinsido sa kumag na to


"Malay ko bang akala mo sayo yan, akala ko kasi pinagbubuhat mo ako" naka simangot na sabi nito


kung ganoon nga nasaan ang bag ko?

.

.

.

.

.

F*ck! napa face palm nalang ako nang matandaan kong hindi ko na nga pala ito dinala kagabi dahil 3 days and 2 nights lang naman kami dun


"Pag tapos kana sa pag reremenisce pwede ka nang bumalik sa condo mo at matulog ulit cause you're fired" naiinip na sabi nito at sumakay na sa sasakyan at pina andar na ang makina, hindi to pwedeng mangyari! pano nalang ang kompanya?! Kinalampag ko ang bintana ng sasakyan niya at buti nalang ay binuksan niya


"Sir wala namang ganyanan! saka bakit niyo po ako sesesantihin?" taranta kong sabi


" Narealize ko lang kasi na parang ikaw ang boss sa ating dalawa lagi mo akong sinasagot at eto nga sinapak mo pa ako na maya maya lang ay magiging pasa na" seryoso niyang sabi sakin,nataranta naman ako sa sinabi niya dahil parang wala na talaga siyang balak na bawiin ang sinabi niya kaya naman bago pa umandar ang sasakyan ay iniharang ko na ang sarili ko sa daraanan nito habang nakabuka ang dalawang kamay


"Sir, please wag niyo na po akong tanggalin! mag papa kabait na ako" sabi ko at nag papungay ng mga mata habang nakataas ang kaliwang kamay kamay na akala mo ay nag papanatang makabayan


"You're lying, kanan dapat ang itaas mo" walang gana niyang sabi, napatingin naman ako sa kamay ko, shit! oo nga! agad ko naman itong ibinaba at itinaas ang kanang kamay ko sabay ngiti ng alanganin


"At sir susunod na ako sa lahat ng gusto niyo! kung gusto niyo po itry niyo pa!" napansin kong bigla itong napa isip, sana kumagat siya! cross fingers


"Okay i'll give you one more chance ngunit kailangan mo munang sabihin ito naglalaway ako sa kakisigan ni Sir Calvin yan ang test ko sayo" sumilay ang ngiting nakakaloko sa kanyang mga labi, parang may binabalak


"N-naglalaway ako sa dfjdhsagfjhadgsjfg" mabilis kong sabi bahala siya kung narinig niya ba o hindi kasalanan ko bang hindi ako sanay mag sinungaling?!


"SAY IT LOUD AND CLEAR" sabi niya ng may diin, ang demanding naman ng kupal na to! bahala na! pikit mata kong ginawa ang sinabi niya


"NAGLALAWAY AKO SA KAKISIGAN NI SIR CALVIN!" pasigaw kong sabi buti nalang at kaming dalawa lang ang nandito sa parking lot, nag taka nga ako kung bakit hanggang ngayon ay hindi parin ako tinatamaan ng kidlat sa pinag sasabi ko


"Madali ka naman palang kausap, get in" sabi nito habang may ngiting mala demonyo na hinding hindi mo pag kakatiwalaan



AN: Dahil natuwa ako sa kakulitan niya kagabi nag UD ako @CindyAncheta

The Dominant BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon