Chapter 16

1.4K 48 17
                                    

"Mam paiwan nalang po ng isang valid Id" binuksan ko ang bag ko at kumuha ng isang id doon at inabot ito sa receptionist

Andito ako sa condo ni Calvin ngayon, matapos niyang umalis kanina ay dumirecho  ako dito matapos kong i-cancel lahat ng appointment niya. Habang nag lalakad ako patungo sa elevator ay inilabas ko ang cellphone ko para i-check kung may message ba siya, ngunit wala pa din.

Nang makasakay na ako ay iniisip ko padin kung nasaan ba talaga siya, bakit ganon nalang ang pag mamadali niya? Sino ba yung tumawag?

Naisip kong pumunta nalang dito para makausap ko siya agad pag uwi niya at para nadin ayain siya sa anniversary nila dad, hindi kasi natuloy kanina e! Kainis! Mabuti nalang binigay niya sakin yung duplicate key dito sa condo niya.

Nang nasa tapat na ako ng condo niya ay inilabas ko na ang susi mula sa bag ko, halos mapa-facepalm ako sa nabungaran ko,Haru! juice ko!  parang may nag rambulang sampung gorilla! Maraming hugasan sa lamesa pati lababo, may mga damit na nagkalat sa sahig at madami pang iba! Ano pa kaya ang kwarto niya?

Inilapag ko ang bag ko at sinimulang ligpitin ang mga damit na nagkalat at inilagay ito sa laundry basket. Sinimulan ko nadin hugasan ang mga hugasan. Ang akala ko mag aaladonya ako dito! hindi pala! naging muchacha ang bagsak ko! Eto na ba yung nababasa ko sa fb na girlfriend's duty?!

Wag kang assuming hindi ka girlfriend!  Sabi ng kontrabidang bahagi ng utak ko

Ouch ah! ang sakit non ah! pinagpatuloy ko nalang ang paglilinis ko sa sala. Nang matapos ako ay tinungo ko naman ang kanyang kwarto.

Hmmmm...

Infairness! malinis dito. Parang wala nang kailangang linisin, nag tingin tingin nalang ako ng picture frame na nasa table niya, meron nung bata pa siya, meron  din nung high school ata siya nito, ang gwapo niya talaga!

Teka! bakit may nakataob na picture frame? dinampot ko ito at tinayo

"Ayan!" nang titigan ko ito ay parang may kung anong pumiga sa puso ko. They looked happy. Naka akbay si Calvin kay Malan, habang ang kamay naman ni Malan ay nakapisil sa pisngi nito, kakaiba ang kislap ng mga mata ni Calvin, sana makita ko din yon at sana ako ang dahilan.

"Wag mong tingnan kung nasasaktan ka"  sa sobrang gulat ko ay muntik ko pang mabitawan yung frame, bakit hindi ko napansin na dumating siya?

"Kingmother! Nakakagulat ka naman!"  kinuha niya sa kamay ko ang frame at tinapon ito sa basurahan

Hindi ako nito pinansin sa halip ay tumalikod ito at nagtungo sa cabinet katabi ng kama niya bago ito lumakad pabalik sakin at iabot ang isa pang picture frame 

"Ipalit mo to, maliligo lang ako" nakangiting sabi nito bago ako halikan sa pisngi at dumerecho sa banyo

Nang tingnan ko ito ay awtomatikong napangiti ako, eto pala yung una naming picture.



The Dominant BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon