"Are you excited?" Tanong ni Calvin sa tabi ko, kasalukuyan siyang nag d-drive habang nandito ako sa tabi niya at may piring ang mga mata
"Malamang! Bakit ba kasi may pa-piring piring kapa?" Nakangusong Sabi ko
"Malalaman mo din"
Saan kaya kami pupunta? Omo! baka eto na yung mga nakikita kong relationship goals sa mga status ng mga kaibigan ko? My ghaaaad! mararanasan ko nading masurprise!
Nung kami pa ni Andrew ni minsan ay hindi niya ko sinurprise, nag bibigay siya ng flowers and chocolate pero yung mga surprise talaga na may mga pa-balloons ay hindi ko pa nararanasan.
Habang nakaupo ay dama ko ang kabog ng dibdib ko dahil narin siguro sa antipasyon na aking nararamdaman, ano kayang pasabog neto? May pa-tarpulin kaya? flowers? Sisiw?
Gaga! Para sa patay ang sisiw!
"Calvin"
"Hmmm?"
"Sana condom nalang ako"
"Naku Lyra ah! Wag dito sa kalsada bawal huminto dito, naiintindihan kong may pangangailangan ka pero-"
" Gusto mo bang sumubsob yang mukha mo sa dashboard nitong sasakyan?"
"Joke lang! O sige! Bakit?"
"Para ako lagi ang hahanapin mo para proteksyunan ka. Boom!"
Natatawang sabi ko, nakokornihan man ako, wala e, gusto ko lang ibaling sa ibang bagay yung pagiging excited ko dahil baka mahimatay ako sa lakas ng emosyong nadarama ko
"Tsk! Ako naman, babae ka ba?
huh? Ano nanaman kaya ang nasa isip ng mokong na to?
"Oo naman! Bakit?" Nakakunot noong tanong ko
"Sige nga! Patingin nga at pahawak" Matapos nitong banggitin yon ay tumawa na ito na parang demonyo
Kahit kailan talaga panira to ng mood! Dahil sa pag kairita ko ay inabot ko ang ulo nito at sinabunutan
"Aw! Aw! Hahahaha Sorry na Lyra!"
"Wala ka talagang kwenta kausap! Tae ka ba?!"
" Naku Lyra! Luma na yan! Ano bakit? Kasi hindi mo ako kayang pag laruan?"
"Hindi. Seryoso para ka talagang tae"
"Ang hard mo naman" Natatawa tawa pading sabi nito "Andito na pala tayo"
Unti unti kong nararamdaman ang pag hinto ng sasakyan
"Wag mong tatanggalin yang piring mo"
Narinig ko ang pag bukas nang pinto sa gilid ko
"Bumaba kana at derecho lang ang lakad mo papuntang kanan"
Sonunod ko ang sinabi niya, paunti unting hakbang ang ginawa ko
Booogsh!
Araaaay! nyeta!
"Lyra!"
"Bakit lumalangoy ka jan? nasa loob ang pool wala diyan" Si Calvin.
"Bobo ka ba? pipiring piringan mo ako tapos tatawanan mo ako? talagang tumawa ka muna bago ako tulungan?! Ang galing!"
Naramdaman ko naman ang pag hawak nito sa mag kabilang braso ko at dahan dahan akong inangat
"Hahaha ang init naman ng ulo mo babe" tatawang sabi niya habang inaalalayan ako mag lakad
Ang sakit ng tuhod ko! Parang may gasgas huhuhu pero di bale! worth it naman kung maganda yung surprise
"Ready ka na ba?!" Tanong nito tango lang ang aking naging tugon sa kaniya
unti unti nitong tinanggal ang piring sa mga mata ko habang ako naman ay may ngiti sa aking mga labi
"Tadaaaa!" Malakas na sabi nito habang may pag muwestra pa sa kamay na akala mo magician!
Oh My Gosh! Ano to?
"Boset ka talaga Calvin! Wow ah! Nasurprise ako sobra! Nakakainis ka!"
Pinag hahampas ko siya ng kamay ko sa sobrang inis!Expectation vs. Reality mga besh! Akala ko may pa balloon pero puro kalat bessy!
"Kaninong bahay tong kumag ka?!" Tanong ko habang pinag hahampas padin siya
"Aray aray! Tama na! Hahahaha bahay ko to, pasalamat ka nga kasi dinala kita dito! Ikaw palang kaya ang nakaka punta dito"
Wow! Parang utang na loob ko pa, puro kalat yung bahay, maalikabok yung paligid parang hindi natitirahan ng tao. Sabagay hindi naman tao tong kasama ko etits nga pala to na tinubuan ng katawan
"Anong tingin mo sakin katulong?! Akala ko pa naman mag d-date tayo dito! Kainis ka!"
"Mag d-date naman tayo ah! In a unique way nga lang. Bonding lang naman Lyra, saka wala naman yon sa location ang mahalaga mag kasama tayo at solo kita"
May pataas taas pa na kilay na sabi nito
"Kuripot ka lang!"
"Hindi ako kuripot! Ayaw ko lang dalhin ka sa mall o kaya sa motel dahil ginagawa ko lang yun sa mga ka-fling at parausan ko, iba ka sa kanila gusto kitang maka sama, makilala pa. Gusto kong makilala nang lubos yung babaeng gusto kong makasama habang buhay"
"Tse! Ibigay mo sakin yung walis. Bilis!"
BINABASA MO ANG
The Dominant Beast
HumorCalvin Agguire: magandang pares ng mga mata,matangos na ilong,kissable lips sa madaling salita gwapo at bonus na lang ang pagiging macho at mayaman niya kung sa pisikal na aspeto masasabi mong gifted ang lalaking to pero ang totoo ay may isa siyang...