"Princess gising na magla-landing na tayo," alog sa'kin ni Jace.
Nasa Cebu na kami?
"Hmm... ang bilis naman." Antok kong sabi sabay inat.
Hindi na kami masyadong nag-usap pagkarating sa airport agad kaming sumakay ng taxi.
Wala akong dalang ibang gamit, kundi isang maliit na bag lang nama'y lamang pitaka.
Si Jace wala ring dalang kahit ano.
"Sa'n tayo pupunta Jace?" Tanong ko.
Wala naman kasi akong alam sa lugar na 'to baka tagarito si Jace.
"Alam kong hahanapin ka ng Daddy mo kahit saang lupalop pa ng mundo. Mas mabuti na dito tayo magtago dahil 'di pamilyar sa kanila ang lugar na 'to. Sigurado ka na ba sa desisyon mong sumama sa'kin?" kunot-noong saad niya.
Huminga muna ako ng malalim saka sinabing,
"Actually natatakot ako. Pero kung ilalayo ka nila sa'kin, I'll take the risk. Kahit maghirap pa ako. I don't need all the luxury to be happy. I just want YOU." Pinanindigan ko sa kanya ang sinabi ko.
He kiss my temple and hug me tight.
"Patawarin mo ako kung gagawin natin ito, ganun paman salamat at titiyakin kong hindi ka magsisisi sa pagsama sa'kin."
"Manong sandali ihinto mo muna diyan sa mall." Utos ko sa taxi driver.
"Okay maam." Anito saka sumunod sa sinabi ko.
"Bakit Laila? Nagugutom ka na ba?" Jace asked.
Umiling ako, "hindi. Magwi-withdraw ako baka kasi i-block ni Daddy lahat ng ATM cards ko."
"You don't have to. May pera ako." Giit niya ngunit umiling ako.
"Jace... I insist ayokong umasa lang lalo na't wala akong alam na trabaho. Dapat magkaramay tayo sa gastusin." I may be rich, pero masinop ako.
"At sinong may sabing magtratrabaho ka?" tanong niya.
"Ako. Kasasabi ko lang diba? Sige na Jace payagan mo na 'ko." Pamimilit ko sa kanya.
"You're being a Brat again. Oo na, manong eto bayad oh." Turan niya sabay abot ng bayad sa driver.
"Yey! Thanks Jace!" sabi ko sabay kiss sa cheeks niya na naging kulay kamatis na and I can't help to pinched it! "Ang cute mo talaga 'pag nagba-blush!"
Bumaba na kami ng taxi bago siya sumagot.
"Ewan ko sayo brat." Pasaring niya.
"Surname ko yan eh!" tinawanan ko na lamang siya.
Hindi na siya sumagot at agad na kaming pumunta sa pakay namin.
"Baka maholdap ka na niyan a." biro niya sabay tawa.
"Hindi no! 'Di ko naman dadalhin lahat ng ito eh."
"What do you mean?" takang tanong niya.
"Ililipat ko 'to sa account mo."
"What?!" he almost shout.
Napatawa naman ako.
"Close your mouth Jace, I might kiss it 'pag 'di ako nakapagpigil." Biro ko sabay sirado ng bibig niya.
"Hindi mo gagawin 'yan princess."
"Of course I can! Jace naman... sa'yong account na muna lahat ng pera ko para 'di kunin ni dad. You trust me right?"
"Tss fine! Halika na sumakay na tayo ulit ng taxi."
Agad naman kaming pumunta sa taxi stand ng mall at sumakay ng cab.
BINABASA MO ANG
MY BUTLER, MY LOVER!✔
RomanceVULNERIA SERIES: 2 REVISED VERSION I have everything... I can do whatever I want... But, why can't I have him? Dahil ba, isa lamang siyang hamak na Butler? ALL RIGHTS RESERVED this story is originally created by wild imagination, any similarities t...