KABANATA 10.

1.1K 98 3
                                    

Mariano's  POV

"Love mas bagay to sa’yo," turan ko sabay abot ng glass shoes kay Laila.

"Salamat, pero mas gusto ko iyong simple." Saad niya sabay ngiti sa akin.

Naglibot-libot muna ako para makahanap ng mas maganda para kay Laila. She gorgeous and dapat lang magagandang bagay ang ialay ko sa kanya.

It's been three months magmula noong naaksidente si Laila. Halos mabaliw ako sa pag-alala sa nangyari sa kanya.

Kahit pa hindi ko gusto ang nangyari kay Laila. I was so happy noong malaman kong nagka-amnesia siya.

Kahit pa sabi ng doctor na maaaring bumalik ang ala-ala niya in a short time alam kong umaayon ang lahat sa plano.

Hindi ako papayag na magkabalikan sila ulit ni Akiyo lalo na't nagkakalabuan na sila...


I will do anything to replace him in her memory, na ako lang ang kasama't mahal niya lalo pa't malapit na kaming ikasal.

Sa pagkakataong 'to hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa, I'll grab this one chance to marry her.

And that jerk can't stop me.

"Kent, how 'bout this one? bagay ba sa'kin?" Laila ask me wearing the shoes that she choose.

"Yeah, it suits you well Laila. Kahit ano namang isuot mo babagay sayo eh." I said in response.

She smile before saying, "thank you." Saka humarap na siya sa sales clerk, "miss kukunin ko na 'to."

Sabay kaming pumunta sa counter para bayaran ang sapatos na pinili niya. Suddenly napatingin ako sa kanan. I saw Akiyo with my secretary papunta sa'min.

What the hell are they doing in here?

Of all the places! Tanga naman nitong secretary ko.

"Ah miss," humarap ako sa cashier at inabot ang bayad, "here's the bill and keep the change. Laila let's go?" I said sabay hablot sa ibabalot na sanang paper bag sa shoe box.

"No need, I'll do it." I insist to the cashier or bagger.

Gago natataranta ako! Ayokong magkita sila, ayokong bumalik ang ala-ala ni Laila.

Halos kaladkarin ko na si Lailanie palabas ng shop mabuti nalang at hindi nila kami inabutan.

And yes,  ang kasama ni Akiyo ay ang sekretarya ko. Siya ang inutusan kong pa-ibigin si Akiyo, and she did it very well at dapat lang, kasi nakasalalay sa mga kamay ko ang buhay ng kanyang minamahal sa buhay—her lola.

"Kent nagmamadali ka yata?" she asked. Napansin niya siguro ang mga ikinikilos ko.

Tumikhim naman ako and I shown her a fake smile saka sinabing,

"Sorry Love gutom na ako eh," lie, in the name of love I had to and should lie as long as Laila's mine.

"Ha? Nako pasensya na't ang tagal kong nakapili. Saan mo gustong kumain?" Alalang tanong niya sa akin, nakakapanibago ang trato niya but I started to love it even more.

"No need to apologize Love. Sa bahay nalang tayo mag-lunch pagod na akong mag-malling, you should also need some rest malamang pagod kana sa pag-aasikaso ng kasal natin." Turan ko sa kanya sabay haplos ng maganda niyang mukha.

"Okay then, umuwi na tayo." She said smiling at inalalayan ko na siya papasok sa sasakyan.

----

Jace's POV

Hindi ako pwedeng magkamali si Laila at si Mariano talaga ‘yong nakita ko sa boutique.

Parang suntok sa buwan kung harap-harapan akong ginagago ni Laila. Tuluyan na talaga silang magpapakasal ni Mariano at wala na akong laban dahil mas pinili na niya si Mariano kaisa sa’kin.

Lahat ng sakripisyo ko napunta lang sa  wala, hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na hindi talaga ako mahirap dahil magmumukha lang akong sinungaling at ayokong dagdagan pa ang problema ng pamilya ko, Mommy endured enough from seeing Dad in coma.

Mas lalo lang madadagdagan ang pasakit at alalahin niya pagsinabi ko ang sarili kong problema, my sister’s not well too. She also suffer from heartache ayaw niya mang sabihin sa akin but I sense it base on their actions. Her jerks; I mean bestfriend na nagging ex lover niya at boyfriend este ex-boyfriend niya. Uupakan ko talaga ang dalawang iyon ‘pag nagkita ulit kami at kapag wala na akong problema.

"Hey, okay ka lang ba Akiyo?" tanong ni Steffi. Muntik ko nang makalimutan na magkasama pala kami.

Alangan naman akong ngumiti, "ha? Ah, oo ayos lang ako. May bigla lang akong naalala." Sagot ko sa kanya.

Naging magkaibigan na kami ni Steffi simula no’ng magkita kami sa bar, kahit na ibang-iba siya sa ugali ni Laila na nakasanayan ko nang kasama, masasabi kong mabuti siyang kaibigan. She help me cope up with my heartache from her advices, silent type si Steffi, mahinhin saka maaalahin. Kung hindi ko nakilala si Laila at kung hindi ko siya mahal; hindi imposibleng mahulog ang loob ko sa kanya.

But the fact is, she’s not Laila.

Tangina! Bawat araw na pilit ko siyang kinakalimutan, mas lalo lang akong nahihirapan dahil nami-miss ko siya. Sobrang sabik na akong makasama siyang muli. But things change, and I think I really have to let go. Kahit masakit.

"Iniisip mo na naman ba si Laila? Naiintindihan kita. Huwag kang magmadali, sooner makaka-move on ka rin sa kanya.” Turan niya sabay tapik sa balikat ko.

“Sorry Steffi, masyado pa rin kasing sariwa sa’king ala-ala ang mga pinagsamahan naming dalawa.” Saad ko sabay buntong hininga.

“It’s alright, no need to apologize. Been there.” Biro niya sabay ngiti kaya napangiti na rin ako, “So ano na? Pangalang hapon na hindi naman hapon. Tulungan mo na ba ako sa paghahanap ng sapatos na susuotin ko sa event?" pahabol niya sabay turo sa boutique na nasa tapat lang naming dalawa.

"Oo ba, basta libre mo ako mamaya ng lunch ah." Biro ko naman sa kanya.

“Yan tayo e, kahit saan mo gustong kumain basta ikaw magdadala ng mga pinamili ko.” Bungisngis niya.

Napahinto naman ako sa tapat ng glass door ng shoe shop saka siya nilingon, “ang huling natatandaan ko nag-resign na ako sa pagiging butler.”

“Uso move on bes.” Halakhak niya saka ako tinulak at tuluyang pumasok ng shoe boutique.


MY BUTLER, MY LOVER!✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon