HULING KABANATA

1.7K 95 13
                                    


Miyoko Jace's POV

Five months later…

"Hijo, magpahinga ka muna. Kami nalang ang magbabantay sa kanya." Turan ng Daddy ni Laila sabay tapik sa aking balikat.

"Hindi na po Dad, gusto ko paggising niya nandito lang ako sa tabi niya,"  sagot ko.

“Sige, papapuntahin ko nalang muna ang sekretarya ko rito para ihatid mga gamit na kailangan mo. Aalis muna ako saglit para bumili ng makakain natin." Aniya, saka hinalikan sa noo si Laila.

"Okay po. Mag-iingat po kayo. Clary samahan mo muna si Daddy sa labas," saad ko sa kanya bago ko inutusan ang kapatid ko.

"Kuya, umiiyak na naman si baby Clent,” saad  ng  kapatid kong si Clary.

"Akin na muna siya para tumahan," singit naman no’ng nurse na naka-assign sa pagbabantay sa anak naming ni Laila.

Tumayo ako at agad na kinuha sa nurse ang anak ko. "Ako nalang muna kakarga sa kanya." Suhestiyon ko.

"Sige po Sir." Tugon naman ng nurse saka umalis. Sumunod na rin si Dad at ang kapatid ko.

Agad naman siyang tumahan, "baby… kailan kaya gigising si Mommy?" utal ko kay baby Clent at agad naman niya akong tinawanan. Sumilay ang gilagid niya kaya napangiti ako at hinalikan ko ang  noo niya.

"Princess, gumising kavna paki-usap… Kailangan ka namin ng anak mo." Sabi ko, sabay haplos sa mukha niya. Namumutla man, lumilitaw pa rin ang kagandahan niya.

Limang buwan na ang lumipas magmula nung operation ni Laila. Ngunit, hanggang ngayon hindi pa rin siya nagigising, sabi ng doktor naghihilom na sugat niya sa ulo. Kaso, comatose pa rin siya hanggang ngayon.

Kahit papano nagpapasalamat pa rin ako sa Diyos dahil naging malusog naman ang anak naming at ‘di pa niya kinuha sa’kin si Laila.

"Baby, bakit?" tanong ko sa anak ko panay kasi ang tawa niya habang nakatingin sa mama niya.

Nanlaki ang mata ko no’ng gumalaw ang hintuturo ni Laila.

Agad akong tumayo at papalabas na sana ako ng pinto ng magsalita siya,

"Jace..."

Agad akong napalingon sa kanya… boses na matagal ko nang gustong marinig, sa wakas at napakinggan ko na rin.

"Laila… Prinsesa ko!" halos patakbong nilakad ko ang kinaroroonan niya't ‘di na napiligang mapaluha.

"Salamat sa Diyos, gising ka na…" sambit ko.

Agad kong nilagay sa stroller si baby Clent.

"Jace, na-uuhaw ako." Malumanay na sabi ng prinsesa ko.

"Sandali,  eto na Princess… " inalalayan ko siyang umupo, "dahan-dahan," sabi ko sabay ayos ng nagulo niyang buhok. Umiksi kasi ito, nang kinalbo siya ng mga Doktor upang operahan, buti nalang at tumubo ito ng mabilis.

"Jace… Anong nangyari? ‘Yong---‘yong baby ko! Nasaan na Jace?! " natatarantang saad ni Laila nang mapansing numipis na ang tyan niya.

Biglang umalingaw-ngaw ang iyak ni baby Clent.

Natigilan kami ni Laila sa narinig namin. Agad niya itong hinanap at napansin ang baby na umiiyak sa loob ng stroller.

"Jace, siya na ba baby natin?" Tanong niya.

Tumango lang ako at ngumiti.

"P-panong?" Tanong niya ulit, bakas sa mukha niya ang pagkalito.

Tinawan ko lang siya at sinabing, "ikaw kasi ang tagal mong natulog. Hindi mo tuloy nakita ang paglabas ni baby."

MY BUTLER, MY LOVER!✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon