KABANATA 6.

1.3K 108 3
                                    


Jace's POV

Papauwi na ako alam kong mai-excite si Laila kapag nakita niya 'tong pinamili kong seafoods, ang takaw pa naman nun.

Nang malapit na ako sa bahay may na pansin akong helicopter? Shit! Hindi! Alam ko kong kaninong helicopter 'yon!

I drive as fast as I can pero wala akong Lailanieng inabutan kundi si Manang Elzie na umiiyak at ang lalaking pinakaayaw kong makita—si Mariano.

Bumaba agad ako ng sasakyan at agad siyang kwenilyohan. "Asa'n si Laila?" pasigaw kong tanong kay Mariano.

Sa halip na sagutin ako tinawanan lang niya ako.

"Gago ka!" sigaw ko sabay sugod.

"Hijo! huminahon ka muna." Pag aawat sa'kin ni Manang Elzie.

"Umalis na muna kayo rito Manang, pakiligpit ng gamit ko susundan ko si Laila." Sabi ko kay Manang habang hindi inaalis ang tingin sa nakabulagtang si Mariano. Weak pala ng gago!

Tumango at sumunod naman si Manang Elzie sa utos ko kaya kaming dalawa nalang ng gagong 'to ang nandito.

Bigla itong tumawa saka sinabing, "susundan mo si Lailanie? Nag-iisip ka bang talaga?" nang-aasar na sabi ni Mariano habang pinupunasan ang kanyang labi.

"Tandaan mo Mariano hinding-hindi mo maagaw sa'kin si Lailanie. Akin lang siya!" bulyaw ko sabay kwelyo ulit sa kanya.

Ngumisi na naman siya.

Susuntukin ko na sana siya ulit pero natigilan ako nung magsalita sya.

"Sayo si Laila?" then he smirk. Aba gago talaga! Susuntukin ko na talaga 'to! "Sandali! Baka nakakalimutan mo Lailanie and I are getting married at hindi ko papalampasin ang sino man ang pipigil sa'min kahit ikaw pa!"

"Gago ka!"

Pinaulanan ko ulit siya ng suntok.

Wala akong paki-alam, wawasakin ko ang bungo ng lalaking 'to.

Tumawang muli ang gago saka sinabing, "Miyoko... Alam mo ang bobo mo? Sa tingin mo talaga bagay kayo ng fiancee ko? Mag-isip ka nga! Bubuhayin mo siya sa katiting na kita sa pagiging butler? What you gonna do? Tapagtimpla ng kape? Taga-ayos ng gamit niya? Tagaluto ng almusal? Ano pa?! Ngayon palang sinasabi ko na sayo lubayan mo si Laila! Dahil kung hindi... hindi ako magdadalawang isip na patahimikin ka." Pagkasabi nya nun umalis na siya.

Napa-isip ako sa sinabi niya...

"Argh! Ha! Laila!" hindi ako papayag na makasal ang babaeng mahal ko sa iba. Laila's Mine!

Pumasok na ako sa bahay para kunin gamit ko.

"Manang...." nanghihinang sabi ko.

Lumapit sakin si Manang at agad ko siyang niyakap, can't help to break down.

"Hijo..." manang almost whisper.

"Manang payakap muna kailangan ko lang talaga 'to ngayon. Siguro iniisip nyo bakla ako kasi umiiyak ako ngayon. Litong-lito na kasi ako Manang hindi ko na alam ang gagawin ko. Marami na akong sinakripisyo makasama lang si Laila, hindi ko kayang mawala siya sakin lalo na ngayon."

"Hijo alam mo na parang anak na ang turing ko sayo, alam ko kung kailan ka masaya at kailan ka malungkot, sige lang iiyak mo lang 'yan, hindi naman nakakabakla ang pag iyak eh, minsan kailangan mo rin umiyak para maibsan ang nararamdaman mo. Hindi ibig sabihin nun mahina ka, ipinapakita mo lang na hindi ka takot ipakita ang tunay mong nararamdaman lalo na para sa taong mahal mo. Pero ang payo ko sayo imbis na umiyak ka dyan dapat sundan mo na sya. Sundin mo ang puso mo at kung saan ka liligaya." Pangaral ni Manang.

Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya.

"Salamat Manang."

"Oh hala sige humayo kana't makuha mo ulit si Laila."

Then I left and drive as fast as i could.

----

Lailanie's POV

Isang malutong na sampal ang bumungad sa'kin pagpasok ko sa office ni Dad.

"Hindi kana na dala naglayas ka pa! I will not tolerate this kind of immatureness of yours again Laila! You're grounded hanggang sa makasal ka kay Mariano! Sa oras na tumakas ka pa ulit asahan mong malamig na bangkay na ang hayop mong kalaguyo!" Dad scolded me he turned to our guards and say... "Alisin niyo na siya rito at ikulong sa kanyang kwarto."

Pagkatapos niya akong pangaralan bumalik na sya sa table niya.

Habang ako kinaladkad ng mga guards sa kwarto at kinulong.

"Putang ina! Palabasin niyo ko rito mga hayop kayo! Ayokong magpakasal sa kahit kanino!" halos wasakin ko na ang sarili kong pintuan dahil sa sobrang galit.

Ilang sandali lang binuksan ng mga katulong ang pintuan.

"Hayy salamat naman at binuksan ny—" hindi na natapos ang sasabihin ko ng hinawakan ako ng mahigpit ng mga guards ko.

"Bilisan nyo na dyan, baka makatakas na naman si young lady." Sabi ng isang guard.

"Hoy! Teka anong ginagawa niyo sa mga gamit ko?" pasigaw kong tanong sa mga maids.

"Sorry po miss Laila pero sabi ng Daddy niyo kunin daw namin lahat ng gadgets mo." Sabi ng isa kong katulong.

"A-ano? Bakit? Ibalik nyo yan! Hoy!" ngunit tila mga bingi ang mga taong 'to ayaw akong pakinggan! Bwesit!

Pagkatapos nilang kunin lahat ng gadgets para macontact ko si Jace ikinulong na naman nila ako rito sa kwarto.

I need to get out of this place! Hindi ako pwedeng makulong at makasal kay Mariano lalo na't magkakaanak na kami ni Jace.

I think I'm two weeks pregnant at si Manang Elzie lang ang nakakaalam no'n.

Sa loob ng pitong buwan na pagsasama namin ni Jace hindi ko akalain na bibigyan agad kami ng biyaya.

Balak ko sanang surprisahin si Jace nung araw na dinakip nila ako.

Kaya gagawin ko ang lahat makatakas lang dito kahit pa makipagplastikan ako sa Marianong 'yon.

Speaking of Mariano...

Teka! May na-isip na akong idea para makatakas rito.

Pero bago 'yon I need to regain my strenght para matuloy ang plano ko bukas.

---

Jace's POV

The number you are calling is busy at the moment please try your call again later.

"Damn Laila! Sagutin mo 'to!" Kanina pa ako tawag ng tawag pero walang sumasagot nag-aalala na ako kay Laila.

Papunta na ako sa Mactan International Airport para magpabook ng Earliest Flight to Manila. I badly need to see her.

Biglang tumunog ang cellphone ko...

Halos mabunggo na ako sa lakas ng pagkakaapak ko sa break noong nakita ko ang pangalan niya sa screen ng cp ko.

Dali-dali ko namang sinagot ito,

"Hello Laila? Nasaan ka? Sinaktan ka ba nila?" sunod sunod kong tanong kay Laila.

"Hindi mo talaga titigilan ang anak ko?" I froze when I heard her father's voice.

"Mr. Brat..." ang tanging salitang lumabas sa bibig ko.

"Buti naman at nakilala mo ako agad, sa oras na guluhin mo pa ang anak ko hindi ako magdadalawang isip ipaligpit ka." Then he ended the call.

"Bwesit!" I cussed. Bakit sa lahat pa ng tutol sa'min ay ang Daddy pa niya?

Magkamatayan man babawiin ko si Laila!

Sana hindi pa ako huli...

I start the engine again and drove to airport.

MY BUTLER, MY LOVER!✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon