Lailanie's POVApat na buwan na ang lumipas simula no’ng mga kaguluhang nangyari sa buhay ko.
Walong buwan na rin akong buntis pero tinupad ni Jace ang pinangako niya sa’kin and Yes, I already forgive him, pursigudo naman siyang suyuin ako and I think that's enough time para masukat iyon.
Ipinakilala na rin ako ni Jace sa pamilya niya… I felt sorry na galing sa pagka-comatose ang Daddy ni Jace---Si Mr. Akiyo Vulneria. Ni hindi ko alam na may pinagdadaanan pala siya noon at wala man lang ako sa tabi niya. Napakabait rin ng Mommy niyang si Miaka Vulneria do’n ko lang nalaman na sa kanyang ina pala siya ipinangalan at ‘yong kapatid naman niyang babae na sobrang makulit pero mabait at malambing naman, ipinangalan rin siya sa ama niya---Her name is Akiya Clary Vulneria. Nakakatuwa, isang simple pero masaya’t buong pamilya. Inggit nga ako kay Jace dahil may kapatid na siya, may Mommy pa!
Samantalang ako, wala… matagal ng patay si Mommy at si Daddy nalang ang nagpalaki sa’kin. Nakakalungkot, kasi ayokong maranasan ng anak kong lumaking walang ina kaya lalabanan ko ang sakit ko kahit anong mangyari.Nasa Clinic kami ngayon at kasalukuyang hinintay ang result ng Ultrasound sobrang tuwa ni Jace nang malaman niyang lalake ang anak namin.
"Sa’n ka after nito Princess?" tanong sa’kin ni Jace.
"Sa bahay muna ako Jace alam mo na madali na akong mapagod." Tugon ko.
"Alright, hatid na kita." Sabi niya at lumabas na kami ng Clinic.
Saka sumakay na sa sasakyan at dumiretso pa-uwi sa mansion.
"Oh, anak! Dumating ka na pala, kamustang lakad niyo? Ano na ang resulta?" nakangiting bati sa’kin ni Dad.
Itinaas ko ang dala kong pictures and papers.
Nanlaki ang mata ni Dad at sinabing.
"May tagapagmana na ako? Totoo ba ‘to? Yes! lalaki magiging apo ko!" pareho talaga sila ni Jace ng reaksyon.
Tanging tawa na lang ang sinagot ko.
"Oh siya. Hija, magpahinga ka na muna... may aasikasuhin lang ako. Tawagin mo lang mga maids natin ‘pag may kailangan pa kayo."
"Sige Dad… H’wag ka rin masyadong nagpapagod." Pagkasabi ko no’n umalis na siya at ako naman pumanhik na sa kwarto ko.
Agad akong humiga sa kama ng tumunog ang cellphone ko.
Napangiti ako nang makita ko ang pangalan niya sa screen.
Buksan mo drawer mo. You'll find a box… suot mo yan sa dinner natin tonight. I'll be waiting at ***** restaurant. 7 pm . See you my Princess ❤
Ano naman kayang pakulo ng lalaking ‘to?
Bumangon ako at agad binuksan ang drawer. May box nga at pink pa talaga? Natawa na lang ako at agad na binuksan ‘to.
Isang Dress na kulay Cream… simple lang ito at napakalambot na tela at may sapatos pa! Binasa ko ang nakadikit na note sa sapatos.
Wear this, ayoko na nagsusuot ka nang matataas na heels baka matapilok ka't mapano pa baby natin. take care . iloveyou my princess :*
Hindi ko mapigilang kiligin… Paano ba naman hindi pa rin ako sanay na nagiging sweet na si Jace, tanda ko pa rin kasi kung pa’no niya ko sungitan noong Butler ko pa siya.
Humiga muna ako sa kama ko. I still have few hours para matulog bago pumunta sa dinner namin ni Jace.
-----
Lumipas nalang ang tatlong oras himalang hindi pa rin ako inaantok...
Napatingin ako sa orasan, six thirty pm na pala at dahil ‘di ako makatulog bumangon na lamang ako.
I call Nana my second mother para tulungan akong mag-ayos medyo lumulobo na kasi ang tiyan ko.
After twenty minutes natapos na rin akong mag-ayos.
"Ayan na Seniorita, nako ang ganda mo talagang bata ka! Oh siya, lumabas na tayo’t alalayan na kita." Saad ni Nana.
Lumabas na kami ng kwarto.
“May lakad ka yata, anak?" tanong ni Dad nang maabutan ko siya sa sala.
“Yes Dad, may dinner po kami ni Jace. Ikaw po may lakad ka rin ba?"
"Oo eh… halika, hatid na kita?" alok ni Dad. Hindi naman ako tumangi.
"Sige, Dad." Masayang sang-ayon ko and he escorted me.
Tahimik ang buong byahe nangbiglang may tumawag kay Dad.
"Yes, hello? Ano?! Sa Airport? Okay papunta na kami diyan."
"Dad, sino ‘yon? may problema ba?" alalang tanong ko.
Kitang-kita ko ang galit sa mukha ni Dad bago niya ako sagutin…
"Tumatakas si Miyoko ngayong ang flight niya papuntang states. Hindi ako papayag na takbuhan niya kayong mag-ina!"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Dad... Si Jace tatakas? Pero akala ko ba ayos na kami?
Hindi ko namalayang tumutulo na pala mga luha ko.
Bakit Jace? Kung gano’n paghihintayin mo pala ako sa wala pagpumunta ako sa dinner date natin?
Mahigit kalahating oras nakarating na rin kami sa paliparan.
"Anak andito na tayo… Dahan-dahan lang." Alalay ni Dad pero ‘di ko siya pinakinggan pumasok na ako agad sa Airport at agad hinanap kung nasa’n si Jace, lakad-takbo ang ginawa ko. Sinasaway na rin ako ni Daddy dahil buntis ako.
Halos manlumo ako nung malaman kong naka-alis na pala ang sinakyang eroplano ni Jace.
Agad akong sinalo na Dad ng yakap dahil parang ‘di ko na kakayanin...
"Dad bakit? Bakit nagawa sak’in ni Jace to?!" sigaw ko. Galit ako at nasasaktan wala akong pake-alam kung pinagtitinginan na ako ng mga tao rito.
"Looking for me my Princess?" Isang pamilyar na boses ang narinig ko sa likuran, natigilan ako sa pag-iyak at agad ko siyang hinarap.
Susugurin ko na sana siya pero natigilan ako dahil nakita ko ang bestfriend ko, si Steffi, pamilya ni Jace, si Nana at si Jace na mayroong dalang bulaklak at isang maliit na pink box.
"Okay lang huminga, anak." Bulong sa’kin ni Dad sabay ngumiti ng pilyo.
"Dad!" suway ko at hinarap muli si Jace.
"Kung gano’n…"
"Palabas lang lahat ng ito Princess." Putol sakin ni Jace. Lumapit siya sa’kin at biglang lumuhod sa harapan ko.
Oh my gosh! Kainis naisahan na naman niya ako, napaiyak ako sa labis na tuwa… bakit ba ‘pag buntis masyadong ma-drama?
"Pero isa lang ang totoo rito Prinsesa ko… maaari ba kitang gawing Reyna ng magiging prinsipe ko habang buhay? Will you marry me my Queen?" nakangiting sabi ni Jace sabay lahad ng box namay lamang napakaganda pero isang simpleng singsing.
"Sagutin mo na ate kasi nakakaumay na si kuya!" biglang sigaw ng kapatid niya.
"Sagutin mo na Laila, baka magpasagasa pa sa eroplano yan!" sigaw naman ni Steffi.
At nagsitawanan naman kaming lahat.
"Oo na! papayag na ako, gagawa na tayo ng palasyo." Sagot ko at bigla nalang akong niyakap ng mahigpit ni Jace at hinalikan sa labi.
"Akala ko gagawa kayo ng isa pang Prinsesa!" sigaw naman ng bestfriend ko kaya nagtawanan ulit kami.
Isa ito sa mga araw na pinaka-espesyal na nangyari sa buhay ko at kailanman ay hindi ko ito makakalimutan.
BINABASA MO ANG
MY BUTLER, MY LOVER!✔
RomanceVULNERIA SERIES: 2 REVISED VERSION I have everything... I can do whatever I want... But, why can't I have him? Dahil ba, isa lamang siyang hamak na Butler? ALL RIGHTS RESERVED this story is originally created by wild imagination, any similarities t...